Habang bumababa ako ng hagdan at humihikab pa ay may narinig akong nagsalita. Ang aga naman nilang pumunta dito.
Parang kilala ko na kung sino yun kaya nagmadali akong bumaba.
"Lo!" sigaw ko saka yumakap.
"Apo! Ikaw talagang bata ka! Hindi pa naman ako bingi kaya hindi mo na kailangang sumigaw!"
"Aww" binatukan ba naman ako. "Lolo naman! Asan po si Lala? Mabuti naman at binisita niyo ako hahaha."
"Ang kapal talaga ng mukha mong bata ka! Dapat nga eh, Ikaw yung bumibisita sa amin eh!"
"Kahit kailan talaga parang may sama ka ng loob sakin, Lo."
"Heh! Ang drama mo! Tumabi ka nga dyan!"
"Ang harsh!"
"Tahimik!"
"Opo." sabi ko saka umupo na sa sofa at tumahimik.
Grabe talaga si Lolo. Parang hindi ako apo. Daig pa ang babaeng nireregla. Mabuti pa si Lala dahil napakalambing.
Bakit kaya sila napadaan rito?
May problema ba?
O naghihirap na sila kaya napagpasyahan nilang dito tumira.
"Bweno, tulad nga ng sabi ko sayo anak." napalingon ako kay Dad.
Ano naman kayang sinabi ni Lolo kay Daddy?
Naiintriga ako.
"Sa totoo, Pa. Hindi ko naman kasi gustong pangunahan kung ano at sino ang gusto ng anak ko." sabi ni Dad kay Lolo saka tumingin siya sakin.
Ako ba ang pinaguusapan nila?
Ano bang nangyayari?
Mayay tumingin sakin si Lolo. "Wala ka namang girlfriend? Tama ba apo?"
Hanudaw?
Ako?
Bakit ako tinatanong?
Anung kinalaman ko dito?
Hindi kaya'y?
"Wala nga po.." sagot ko at dinampot ang rubix cube.
Na siya namang lumingon si Lolo kay Dad. "Kitam?"
"But.. I admire this girl so much." kahit na hindi ako nakatingin sa kanila ay nakikita ko sa peripheral vision na nakatingin uli sila sakin habang binubuo ko ang rubix cube. "Ang puso ko, parang Rubix Cube may dumaan para sirain pero alam kong may darating para muling buuin." saka ko pinakita ang nabuo kong rubix cube.
"Hmm? Kung ganun. Gumawa tayo ng kasunduan."
"Po?" pagtataka ko.
"Kapag nahanap namin ang apo ng yumao kong kaibigan na Labing Walong taon ng nawawala mula nung namatay sa aksidente ang mga magulang niya na hindi ka pa nagkagirlfriend ay ipagkakasundo ka namin sa kanya."
"Po?!" napatayo ako. "Fixed Marriage?!" uso pa pala yun?
"Oo, dahil nangako ako sa kaibigan ko bago siya mamatay at kailangang matupad ko yun. Pasensyahan na lang tayo apo."
So, kailangan kong magkagirlfriend bago nila mahanap ang apo ng kaibigan niya.
---
Kanina pa ako tahimik.
Walang kibo.
Kaya ngayon, minabuti ko na munang magswimming muna para mahimasmasan.
10am pa namang ang first subject ko ngayon kaya okay lang na dito muna ako. 7am pa naman ngayon.
Umalis na din si Dad. May business trip uli sa America at sumama naman si Lolo baka daw mahanap niya doon ang soon-to-be-fiancee ko daw kapag nagkataon. Naiwan naman dito si Lala at natutulog pa sa kwarto nila nandoon lang pala si Lala kina Mama.
Tsk.
Ayokong matali.
Ayoko sa babaeng hindi ko naman kilala ang pagkatao o kung anung ugali. Siguro kung sa America siya nakatira ay paniguradong liberated at ayoko nun.
Kailangan kong gumawa ng paraan.
Pero anong gagawin ko?
San ako mag-uumpisa at sino?
*Lightbulb!*
Good Konsensya - Pero, ayokong manggamit ng tao!
Bad Konsensya- No choice ka Brad!
Good Konsensya - Meron at meron yan! Tiwala lang!
Bad Konsensya - Kunti na lang ang matinong babae ngayon noh?
Good Konsensya - Maliban sa kanya.
Bad Konsensya - Uhm. Pwede na rin.
Good Konsensya - Gusto mo siya diba? Humahanga ka?
Bad Konsensya - Pero hindi ka nakakasiguro!
Good Konsensya - Pest tea ka talaga! Bad Konsensya! Kontrabida ka na lang palagi!
Bad Konsensya - Whoah! Minura mo ako? Astig!
Good Konsensya - Leche!
Bad Konsensya - That was cool, Dude! Sige pa!
Good Konsensya - P.I ka!
Bad Konsensya - Tindi mo gurl!
Tsk.
Umiling iling ako. Tsk. Anong klaseng mga konsensya kayo!! Ipinagtatabuyan ko na kayo!! Ngayon mismo!! Sa oras na ito!!
BINABASA MO ANG
Heal Your Heart 1 ✔
RomanceSi Zaimyl Miguel ay masayahing tao, gwapo, mabait, mayaman, sweet at mapagmahal hanggang sa makilala niya si Michelle Cruz na girlfriend niya. Tumagal sila ng Isang Taon pero nangyari ang hindi niya inaasahan dahilan para maghiwalay sila at kung bak...