HYH #39 - Dianara Real

1.4K 48 9
                                    

Sabay sabay kaming naghapunan. Total sabado naman kaya wala kaming pasok. Sina Tita at Tito ay maagang nakauwi.

Pagkatapos naming kumain ay napirmi kami sa living room para magmovie marathon.

Ramdam ko ang tensyon pero mabuting na lang at nandito sina Tita at Xairyl.

Kailangan ko ng magpaalam sa kanila dahil pang isang linggo ko na dito at may trabaho pa akong naghihintay dun. Mabuti nga't pinayagan akong magleave ni Maam Gabrielle eh. Ang bait niya talaga.

Konti na lang. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob.

Nang matigil sandali ang kwentuhan ng bawat isa ay tumikhim na ako para mapansin nila kaya agad naman silang napatingin sakin.

"Ahm. Gusto ko na po sanang magpaalam? Babalik na po ako sa Boarding House ko, Tutal malakas naman na po si Lola Elena saka malamang hinahanap na po ako ni Ma'am Gabrielle."

Lahat sila natahimik.

"Pamilya ka na namin, Apo kaya wag ka ng umalis." sabi ni Lola Elena

"Pasensya na po, La pero kailangan ko po kasing tulungan pa yung pamilya ko."

"Pero Excell?"

"Xai. Hindi ako katulad niyo. Magkaiba tayo. Marami tayong pagkakaiba."

Kaya hindi kami bagay ng kambal mo.

"Iha, malaki naman 'tong Mansyon. Pwede ka ditong tumira." - Tita Xena

Malaki nga pero sisikip na 'to kapag dumating na si Dianara Real sa Mansyon na 'to.

"Tita--" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita si Brocolli

"Hindi ka aalis, Cauli. Wag mo akong iwan." nakayukong sabi niya.

"Zaimyl?" iba ang awra niya ngayon kaysa kanina.

"Dito ka lang." seryoso niyang sabi

"Pero, paano na ang pamilya ko? Kailangan kong magtrabaho para sa kanila. Marami pa akong naiwang trabaho. Saka wala na silang ibang inaasahan kundi ako lang."

"Kaya ba hindi ka nila binalik?"

Huh?

Anong hindi ako binalik?

"Anong--"

"Kaya ba hindi nila hinanap ang mga magulang mo dahil mapapakinabangan ka nila?"

Bakit siya nagkakaganyan?

"Zaimyl.."

"Hindi man lang nila inisip ang kalagayan mo. Na hindi dapat yun ang kalagyan mo. Na hindi ka dapat nakatira at naninilbihan sa kanila dahil ikaw dapat yung pinagsisilbihan?!" napatayo siya at masasabi kong galit siya.

O_O

Hindi ko siya maintindihan. Ano bang ibig niyang sabihin? Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Zaimyl, hindi kita maintindihan."

Dahil sa totoo lang, kanina pa ako gulong gulo.

"Ikaw ang nawawalang anak nila Mr. Dion & Mrs. Zahara Real. Ikaw ang natatanging nakaligtas sa aksidente. Ikaw ang tunay na Dianara Real."

O_O

Huh?

Totoo ba 'to?

"Totoo ang sabi ng Apo ko, Iha. Nung una, hindi kami makapaniwala ng sabihin yun ng Private Investigator namin." sabi ni Lolo Kael

"We investigate you too to make things clear. Pina-DNA Test narin namin ang sipilyo mo, ang buhok mo, pati yung dugo mo nung natusok ka ng tinik ng Rose sa Garden. Sorry dun dahil hindi man lang namin pinaalam sayo." dagdag ni Tito Zeke

"At kararating lang ng Resulta ngayon. Nagmatch sayo. You're AB+ and There's only one thing we want to clarify if it's true. Kung may balat ka na hugis Star sa.. sa.. sa.." hindi maituloy tuloy ang sasabihin ni Zaimyl dahil bigla siyang namula.

Balat? Hmm.

Hugis Star? Hmm

Sa--

O_O

What?!

Napatayo ako bigla at namula.

Oh noes!

Hindi!

Kailangan ba talaga nilang tignan ang Balat ko sa mismong dibdib ko?!

Heck no!!

Nakakahiya!

O///O

Tumingin ako sa kanila. "W-wag niyong s-sabihing kaila-ngan niyo p-pang t-tig-na-an ang d-dib-dib ko????!!!!"

Pasigaw kong tanong.

Grabe naman kasi!

Maya maya'y yumakap bigla sakin si Zaimyl. Natulala ako. Ang bango kasi boyfriend ko pero hindi na ngayon. T_T

"So, it's true? You're the real Dianara Real. My girlfriend and My Long Lost Fiancee!"

O_O

I am what?

I am Dianara Real?

His Girlfriend

And his Long lost fiancee?!

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung matutuwa ba dahil hindi mawawala sakin si Zaimyl o magagalit dahil inilihim sakin nila Inay at Itay 'to sakin at kung bakit hindi nila sinabi ang totoo.

Pero walang sinabi sakin ni Inay at Itay. Tumanda na ako sa poder nila pero wala man lang makapagsabi ni isa sa kanila. Kaya ba lagi akong napapagalitan, napagkakaitan, at laging nasisisi sa mga kamalasang dumating sa buhay nila?

Ni Pera at mismong laruang Barbie. Kahit ulo lang ni Barbie ay hindi man lang nila ako bigyan. Lagi akong napagdadamutan. Kesyo matanda na daw ako at kailangan ko ng magbanat ng buto kahit na Grade2 palang ako nun.

Ginawa ko ang lahat lahat. Ang lahat ng makakaya ko para matulungan sila sa pagaakalang tunay ko siyang pamilya pero hindi pala.

T_T

Ang sasama nila.

"Ssshh. Don't Cry. Everything will be alright, Cauli."

Ewan ko pero iyak na ako ng iyak na punong puno ng hirap ang puso ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon