HYH #51 - True

1.5K 39 3
                                    

"Zaimyl!!!!" Umagos ang aking luha ng walang tigil.

Yinapos ko agad si Zaimyl dahil sa kondisyon. Ayokong maniwalang nangyayari 'to sa kanya.

"Brocolli!! Please!! Lumaban ka!! Wag mo akong iiwan please.."

"Caulif...." rinig ko ang mabigat niyang paghinga at hirap magsalita.

"Brocolli.... Please.... Wag mo akong iwan." humahagulgol na ako sa sakit ng nararamdaman ko. Sana ako na lang ang inuna nilang pinatay.

Luminga linga ako pero wala akong makitang ibang tao dahil sa sobrang dilim.

"Kayo!!! Mga demonyo kayo!!! Walang siyang ginagawang masama pero binaril niyo parin siya!!! Ako naman ang habol niyo diba??!! Bakit niyo pa siya dinamay??!!" Sabi ko pero walang nagsalita.

"Caulif...."

"Sshh.... Wag ka munang magsalita please.. Pagkatapos nito madadala na kita sa ospital.... Lumaban ka please...."

Inuubo na siya at nagtatalsikan ang dugo sa bibig niya. "Hi-ndi na ako aa-bot Caulif...."

"Wag.... wag mong sabihin yan.... Please.... Lumaban ka.... Isipin mo yung mga taong nagmamahal sayo Zaimyl...." napaiyak ako lalo dahil alam kong nagmamahal din sa kanya si Michelle.

"Sorry.... S-sorry kung nasaktan kita.... Patawarin mo ako...."

So, totoo palang masaya na siya kay Michelle. Patunay nito ang paghingi niya ng tawad.

"Okay lang yun.... Wag mo ng isipin yun sa ngayon.... Ang importante ay magamot yang sugat mo...."

"I-inaantok na ako C-caulif...."

"Hindi!!! Wag!!! Wag kang matulog!!! Hindi ako makakapayag!!!" Niyakap ko ng mahigpit si Zaimyl.

"P-pagod na pagod n-na ako Caulif...."

"Hindi! Hindi! Hindi!!!!! Mahal na mahal kita!!!! Wag mong gawin sa akin 'to!! Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko!!! Mamamatay ako!!! Please Brocolli!! Please!!!" Inaalog alog ko na siya para lang hindi pumikit ang mga mata niya.

"M-ma.. M-mahal na r-in kit-a Caulif.... Ang laki kong t-tanga para hindi m-malaman yun...."

Napatingin ako sa mukha niya. Totoo ba 'to? Mahal na rin niya ako? Pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung nasa peligro ang buhay niya?

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa nalaman kong mahal na rin niya ako o malulungkot dahil hindi pa naman kami nag-uumpisa ay agad ng winakasan ng tadhana.

Ang lupit ng tadhana.

Bakit ngayon pa?

"Brocolli...."

"Caulif.... M-mahal mo p-arin ba ako?"

"Anong pinagsasabi mo?! Mahal na mahal kita at hindi magbabago yun! Kaya please.. Lumaban ka naman oh.."

"Ma-papatawad mo ba ako?"

"Hindi ko kayang magalit sayo dahil mahal kita."

"I love you Caulif...."

"I love you too Brocolli.. So please, live for me.. Please.."

*Tak! Tak! Tak! Tak!*

Nagulat ako sa sunod sunod na sindi ng ilaw. Napatingin ako sa paligid. Napaluha at napatakip ako ng bibig ko lalo na sa mga nakita ko.

Anong ginagawa namin dito?

"Hintayin mo ako saglit Brocolli. Saglit lang." Tumayo ako at binitiwan muna si Zaimyl para alamin kung anong nangyayari.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon