Nasaksihan ni Dianara ang inasal ni Zaimyl. Kitang kita niya sa mukha ng binata ang sakit at hapdi na naranasan nito dati pa.
Hindi man lang niya napansing may likido ng pumapatak galing sa mga mata niya. Dahil sa nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil nabigo siyang tulungan ang binata mula sa kanyang nakaraan. Nasasaktan siya dahil sa pagaakalang mahal pa ng binata ang kanyang dating kasintahan.
Ngayon. Hindi niya alam kung saan siya lulugar. Nagsisialisan at uwian narin ang mga bisita. Saan siya pupunta? Paano kung magkabalikan uli sila? Ano ang gagawin niya? Sino ang sasalo sa kanya? Wala. Wala na.
Mabilis siyang tumakbo palabas ng Mansyon. Hindi niya na inisip kong saan siya pupunta at kung saan siya dadalhin ng kanyang nananakit na mga paa dahil sa sapatos na suot. Basta gusto niya lang makalayo sa lugar na yun.
Nang nakaramdam na siya ng sakit ng paa ay huminto siya sa gitna ng daan para matanggal niya ang kanyang sapatos at itinapon lang sa Kahit saan pero nasinagan na siya ng ilaw ng sasakyan.
Sa mga oras na yun. Wala na siyang inisip pa. Nanlalabo narin ang mga mata niya dahil sa kaiiyak. Inisip niyang mas mabuti narin sigurong mawala na siya para mawala na ang sakit na nararamdaman niya.
Dahil sa haba at layo ng tinakbo at pagod sa kaiiyak nawalan narin siya ng malay.
Nakahandusay na lamang siya sa daan habang ang driver ng kotse naman ay mabilis namang nakapagpreno upang hindi siya masagasaan nito.
Mabilis na lumabas ang driver at matamang tinignan ang walang malay na babae saka binuhat ito papasok sa kanyang kotse.
---*****---
DIANARA POV
Nagising nalang ako dahil amoy na nalanghap ko. Parang nakaramdam tuloy ako ng gutom ng maamoy ko yun.
Bumangon na ako. Teka? Hindi ko kwarto to ah? Nasaan ako? Bakit puro Color Gray lang ang mga gamit dito pati pintura?
"Oh! Gising ka na pala!"
Nagitla ako ng may marinig akong boses ng lalaki. Bakit? Anong ginagawa ko rito?
Agad akong tumayo at sumilip sa may kusina. Nakaapron siya at may pagkabrownish din ang buhok niya.
"Di mo na kailangang sumilip. Halika na dito para makakain ka na." Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman na sumisilip ako?
Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto saka ko lang nakita ng malaking salamin sa tapat ng kwarto at siya namang may salamin sa may harap niya. Sa palagay ko nama'y, Condo niya 'to.
"So, does that answered you're question?" Humarap siya sa akin ng nakangiti ng mapagtanto ko yun.
Himala. Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking palaging nakangiti at aminado naman akong gwapo siya. Mukhang may lahi pa.
"Upo ka na dito. Sige ka, uubusin ko 'tong masarap kong luto hahaha"
Sinunod ko naman ang sabi niya. Sinaluhan ko siya sa pagkain. Ang sarap nga niyang magluto. Bakit kaya hindi ako natatakot sa kanya? Pakiramdam ko'y magaan na ang loob ko sa kanya kahit ngayon ko palang siya nakita.
"Teka, ano nga palang pangalan mo?" Napatulala ako ng wala sa oras. Sasabihin ko ba? "Pfft. Sabi ko na nga ba makakalimutan mo pangalan mo kapag natikman mo luto ko eh hahahaha."
Ha?
Loading..
"Ano, nagloloading ka parin ba? Pasensya na, ang korni ko! Haha."
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Grabe. Ibang klase siya. Napakasigla niyang kumilos at magsalita.
Sa dami biyang niluto. Ang dami niya ring kwenento. Ang daldal niya para sa isang lalaki. Salita lang siya ng salita. Kwento ng kwento sa mga pinaggagawa niya pati yung pusa niya ikwenento pa. Puro mga nakakatawang bagay yun. Hindi aiya nauubusan ng sasabihin. Ni hindi niya ako pinagsalita. Tawa lang ako ng tawa. Ewan ko ba. Ang saya niyang kasama.
BINABASA MO ANG
Heal Your Heart 1 ✔
Storie d'amoreSi Zaimyl Miguel ay masayahing tao, gwapo, mabait, mayaman, sweet at mapagmahal hanggang sa makilala niya si Michelle Cruz na girlfriend niya. Tumagal sila ng Isang Taon pero nangyari ang hindi niya inaasahan dahilan para maghiwalay sila at kung bak...