ZAIMYL POV
Pagkatapos kong magpasalamat sa mga manunood ay pumunta na agad ako sa backstage at pumunta sa likod para lumapit kina Lala. Mukhang may pinaguusapan ata.
Teka, nasaan na sila Xairyl at Zachary?
"Lala? Where's Xairyl and Zachary?"
"Kaaalis lang nila Apo. Binabakuran mo yata kambal mo ah?"
"No, Lala. I trust them both. Especially, Zachary."
"I see." ngiting tugon ni Lala.
"Uh-hum. So, give me all your paper bags." at nauna na akong maglakad.
WAIT.
Hindi ko pinansin si Excellen.
Oo.
Well, sinadya ko talaga yun dahil nahihiya ako.
Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko kanina which is true naman.
Pero.
Pero baka hindi narin niya ako pansinin.
Hays!
Bahala na nga!
Bumalik ako at humarap sa kanila.
Nakatingin lang ako sa mga paa ko at feeling ko namumula na ang pisngi ko ngayon dahil sa kahihiyan.
"Ah. M-may nakalimutan k-ka ba Z-zaimyl?"
Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang baby face niyang mukha.
"Oo eh."
"A-ano naman y-yun?"
Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko ah.
Paano ba 'to?
Argh!
Ewan!
Dila, kaw ng bahala!
"Nakalimutan ko kasing sabihin na mas lalo ka pang gumanda sa suot mo ngayon!"saka na uli ako naglakad ng mabilis papuntang parking.
Im blushing right now!
Nang makasakay na sila sa kotse ko hanggang ngayon ay tahimik parin kami. Katabi ko pa naman si Excellen saka sa likod si Lala.
Ah.
Please break the ice.
"Ahem." tumikhim si Lala.
Thanks Lala.
Napansin niya yatang masyado kaming tahimik ni Excellen at nahihiya sa isa't isa.
"Apo?"
"Bakit po?"
Tinignan ko siya sa salamin. Nakangisi na tila may panunukso at kalokohang nalalaman.
"Ang galing mo talagang kumanta. Bumuo ka kaya ng banda?"
Tsk.
"Lala naman."
"Halata namang nagenjoy ka eh hihihi. Tama naman ako, diba Excellen?"
"Ah. Eh. Opo." tumingin sakin si Excellen. "Saka ang ganda ng boses mo para ngang nakita na kita eh."
"Excell, Apo. Hindi ba nabanggit ni Zaimyl sayo na isa siyang model?"
Nanlalaki ang mga mata ni Excell ng tumingin uli sakin. "M-model?"
"Oo iha. Makikita mo siya sa mga malalaking billboard."
"Kaya p-pala."
Napailing na lang ako habang nakatuon ang mga mata sa daan.
Maayos kaming nakauwi sa bahay bumaba na si Lala sa may main door habang kasama ko pa si Excell dahil tutulungan daw niya akong magdala ng mga pinamili namin.
Hinihindi ko na nga dahil ako ang lalaki na dapat naman talagang magdala pero nakakahiya naman daw pa hindi siya tumulong.
Grabe talaga siya.
Wala akong masabi.
Hindi siya tulad ng iba na mukhang ingrata at wala man lang utang na loob.
Matapos kong ipark ang kotse sa garahe ko ay mabilis akong bumaba para buksan ang kabilang pinto saka siya bumaba at sabay naming kinuha ang mga pinamili sa likod ng kotse.
"Whoah. Ang dami namang mga kotse." manghang sabi ni Excellen
"Ah, yeah. Akin lahat ng mga Red, kay Xairyl ang mga Dark Green, kay Mama ang mga Purple at kay Daddy ang mga Blue. Yung Yellow na yun naman ay kina Lolo at Lala."
"Ang dami naman."
"Nangongolekta kasi kami."
"Uhm."
"Tara na?"
"Sige."
Nagelevator na kami papuntang taas. Since nasa underground ang garahe namin.
Napanganga na naman siya nung sumakay kami ng elevator kasi glass lang yun at kitang kita ang iba't ibang klase pa ng kotse.
BINABASA MO ANG
Heal Your Heart 1 ✔
Roman d'amourSi Zaimyl Miguel ay masayahing tao, gwapo, mabait, mayaman, sweet at mapagmahal hanggang sa makilala niya si Michelle Cruz na girlfriend niya. Tumagal sila ng Isang Taon pero nangyari ang hindi niya inaasahan dahilan para maghiwalay sila at kung bak...