HYH #38 - Long Lost Fiancee

1.4K 42 4
                                    

5AM

Maaga ako nagising ngayon. Ewan ko kung bakit. Puyat naman ako. 12am na kasi kami nagsiakyatan pero 2am ako nakatulog dahil sa nangyari kahapon at sa sobrang kilig.

Pinili ko na lang manatili sa kwarto at mahiga kaysa lumabas. Baka kasi makaistorbo lang ako at magising sila.

Hays.

Parang kailan lang nung magkakilala kami ni Zaimyl pero heto kami ngayon. Ang hirap talagang paniwalaan dahil sino ba naman ako? Isang mahirap at working student lang naman ako pero totoo to.

Isang linggo na ako dito kaya kailangan ko na palang ayusin ang mga gamit ko saka magaling naman na si Lola Elena.

Naligo na ako at nagbihis. Inayos ko narin ang kwarto saka nilinis. Nakakahiya naman kung iiwan ko 'tong marumi.

Dalawang oras ng nakakalipas. Kailangan ko na ring bumaba baka gising na sila kaya magpapaalam na rin ako.

Tahimik akong lumabas ng kwarto nang may marinig akong nag-uusap sa living room. Hindi naman sa tsismosa ako pero nagtago ako sa Corridor habang sinisilip ko sinu sino sila.

Sina Lolo Kael, Tito Zeke at Zaimyl. Ano naman kayang pinag-uusapan nila? Nahihiya naman akong bumaba dahil mukhang seryoso ang pag-uusap nila.

"Ano naman kung nahanap niyo na siya?" tanong ni Zaimyl

Nahanap?

Sino?

"Apo, may kasunduan tayo at alam talo ako kaya tutuparin ko yun pero sana ayos lang sayo kung dito na lang natin siya patirahin for good."

Kasunduan?

Walang imik si Brocolli.

"Anak, alalahanin mo. Ulila ng lubos ang magiging fiancee mo sana." sabi ni Tito Zeke

Magiging fiancee?

Ah. Oo nga pala. Nabanggit narin niya sakin yun.

Kapag hindi pa siya nagkagirlfriend at nahanap na nila yung Apo ng kaibigan ni Lolo Kael ay ifi-fixed marriage niya sila.

Mabuti na lang dahil hindi nila nahanap agad bago maging kami ni Brocolli kundi, I'm so doom!

"Alam narin namin kung saan ang probinsya ng nakapulot sa kanya at balita namin dito sa nag-aaral. Sa Menesis Academy." - Lolo Kael

Wow naman.

"Pinalitan rin ang pangalan niya pero Dianara Real ang totoo niyang pangalan." dagdag ni Tito Zeke

Mukhang mayaman at may Class ang magiging Fiancee sana ni Brocolli kung nagkataon na hindi kami nagkakilala.

Pero, magpapatalo pa ba ako?

I mean, mahal ko siya. Should i give him up easily?

No. </3

Iisipin ko palang ay hindi ko na kinakaya. Yung mangyari pa kaya?

"Fine. If that's what you want." pagsuko ni Brocolli

"But if ever na magustuhan ka niya. Well, wala na kaming magagawa dun Anak. Isipin mo na lang na nagmerge na ang mga business natin at hindi na pwedeng paghiwalayin."

"Oo, Apo. Pasensya na."

"Any suggestions?" tanong ni Brocolli sa Ama't Lolo

"Do what she wants and Learn to love her if she demands."

"What? But Lolo? You know that I have Excellen! What about her?! I don't want to lose her!"

Oo, andito ako.

"But, Dianara is your true fiancee Yang. Keep that in mind! Im sorry, Apo." sabi ni Lolo Kael saka lumabas na ng Mansyon.

Sino si Dianara?

Tsk.

Walang iba kundi yung fiancee ni Brocolli.

Tahimik akong bumalik sa kwarto at naupo sa gilid ng kama.

Inaamin ko.

Nakakaramdam ako ng inggit dahil gustuhin niya man ay mapapasakanya agad si Brocolli ko. Samantalang ako Inabot pa ng tatlong buwan para lang mapalapit ng husto.

Naiinis ako.

Argh!

Sa sobrang inis ay bigla nalang may pumatak na likido sa aking mga hita.

T_T

Ang sakit.

Hindi pa naman kami nagtatagal mukhang mawawakasan na agad.

Hindi pa naman niya ako mahal pero mukhang hanggang dun na lang talaga.

Ang daya. Ang daya daya naman ng Dianara na yun!

Wala akong kalaban laban dun. Di hamak din namang mayaman yun panigurado. At ako? Sino ba ako?

Walang tigil sa pag-agos ng mga likido galing sa mga mata ko.

Siguradong maiitsapwera ako pagdating niya. Pagdating ng Long Lost Fiancee ng Brocolli ko.

Wala na bang pag-asa ang Chopsuey Loveteam?

*Tok.Tok.Tok*

Marahas kong pinunas ang mga luha ko ng walang bakas ng pag-iyak saka ko binuksan ang pinto.

Nagulat ako ng siya ang tumambad pero hindi ko na lang pinahalata.

"Oh, Brocolli. Goodmorning!" sabi ko ng may masiglang tono at malapad na ngiti sa labi

Pero nakakunot noo at nakamaang lang siyang nakatingin sakin.

Sana hindi niya mapansin.

"Cauli? Are you okay?" tanong niya at hinawakan ako bigla sa magkabilang balikat.

Cauli tawag niya sakin. Short cut ng Cauliflower. Masyadong mahaba daw kasi eh.

Napatawa ako ng peke. "Oo naman. Medyo masama lang pakiramdam ko." sana gumana. Sana gumana.

"I thought. You're... crying." mahina niyang sabi pero pakiramdam ko maiiyak na naman ako kaya agad ko siyang niyakap at marahang pinunas ang luha ko.

Nakatingin lang ako sa taas para mapigilan ang pagbagsak ng mga luha.

"Brocolli talaga! 2AM na kasi ako nakatulog at 5AM ako nagising!"

"Really?" alinlangan niyang tanong. Pakiramdam ko'y gusto niyang sabihin sakin pero hindi niya alam kung saan at paano mag-uumpisa.

"Yep." sagot ko.

Maya maya'y dumating si Maria. Isa sa mga maid nila. Tinawag na kami para mag-almusal. Hulog siya ng langit.

Nagdahilan akong maghihilamos at magbibihis lang saka susunod na pero mapilit si Zaimyl. Sabay na daw kami bumaba kaya wala na akong nagawa.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon