HYH #20 - Kismet?

1.7K 51 4
                                    

Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ni Lala. Anong nangyayari dito? Tumingin ako kay Lala ng what-is-she-doing-here-look.

Imbis na sumagot ay nginitian lang ako ni Lala.

"Ahm. Magandang gabi." bati ni Excell saka siya ngumiti.

"Magandang gabi rin." tugon ko at ngumiti din. "Ah, heto oh. Kumuha ka." nilapit ko sa kanya ang Mangkok na naglalaman ng Red Grapes.

"Wow. Grapes. Salamat." pinagmamasdan ko lang siyang kumakain.

"Gusto mo rin ba ng Grapes, Iha?" tanung ni Lala kay Excell. Bakit naman niya natanong?

"Po? Ah, opo. Paborito ko nga po 'to eh." ewan ko pero natuwa ako na pareho pala namanp gusto ang mga Ubas.

"Pareho pala kayo ni Zaimyl, paborito niya rin yan."

Huh?

"Lala naman." sabi ko. Binubuking ba naman ako.

Natigilan naman si Excell sa pagkain. "Naku, pasensya na. Mauubos ko pa yata."

"Wag ka nang mahiya, Excellen. May sariling Ref yan na naglalaman ng mga Ubas."

"La." grabe na 'tong si Lola. Ang daldal.

Sinunod naman siya ni Excell dahil kumain uli siya.

"Ngapala, Apo. Kinuha ko si Excellen bilang magbabantay sakin sa loob ng Isang linggo."

Di nga?

"Buti pinayagan ka?" tanung ko kay Excell.

"Hindi nga sana eh, pero mapilit si Lola hahaha."

Natural lang na sundin nila si Lola dahil sa amin ang Ospital na yun at kung ayaw nilang mawalan ng trabaho.

Tsk.

Ito na rin siguro ang plano ni Lala. Grabe lang talaga.

Dumaan ang oras. Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan kaya napagpasyahan narin naming pumasok ng tawagin kami ng maid para kumain na.

"Ang laki talaga ng bahay niyo." namamanghang sabi ni Excell.

"Masanay ka na Iha dahil dito ka na matutulog ng Isang linggo." ani ni lala.

"Opo.

Napatingin ako kay Lala na hindi makapaniwala na siya namang nginitian ako.

Dito niya patutugin si Excell?

Ibang klase talaga 'tong si Lala. Bilib na talaga ako sa kanya.

Abala kami ngayon sa pagkain.

Kitang kita ko naman sa mukha ni Excell ang pagkatakam niya sa mga pagkain.

"Wow. Ang dami naman ng mga 'to at mukhang masasarap pa."

"Kumain ka lang, Iha." natutuwang sabi ni Lala sa siya tumingin sa akin. "Ngapala, Apo. Bukas samahan mo kaming mamili. Tutal wala ka namang pasok."

"Sige po." sagot ko.

Nanatili lang kami sa pagkain ng biglang dumating si Xairyl.

"Good evening everyone!" Tsk. Ano naman kayang trip niyan? Gabing gabi na ah.

Lumapit siya sa amin para humalik sa pisngi nami ni Lala pero napatigil siya sa tabi ni Excell.

"Am i missing something? By the way, maya niyo na lang sagutin ang tanong ko. Just wait me here guys!" lumabas siya sa kitchen na parang may kukunin.

Maya maya'y may dala na siyang kahon. For sure, nagbake na naman 'tong babaeng 'to.

"Para sayo 'to Lala, Cheese cake and to Zaimyl, a Grapes cake! Yay! Haha Zachary!"

Huh?

Pati ba naman gabing gabi na magkasama parin sila?

Hindi kaya.

No!

Hindi nila magagawa yun.

Lumapit si Zachary na may dalang tatlo pang box ng cake.

Tumabi naman si Xairyl kay Excell. "And for you, what do you want? Hmm, Mango cake, Apple cake, o strawberry cake?"

"Ah eh."

"She prefered, Grapes cake. Magshare nalang kami." sabi ko.

"Yay! That's what we called: Destiny! Tadhana! Kismet! o ano pa yan!"

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata ko kaya napatingin ako kay Zachary. Nakangiti siya ng konti at kay Xairyl lang siya nakatingin. Kay Xairyl na daldal ng daldal.

Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan. Naipakilala na rin ni Xairyl si Zachary kay Lala.

Pinatago niya ang Mango cake para kay Daddy at yung strawberry cake binigay niya sa mga maid.

Tsk.

Nag-aaksaya lang siya.

Limang cake.

Limang cake ang ginawa niya? Nakaya niya yun? Kung sabagay, marunong naman siya eh.

Heal Your Heart 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon