Yvane Salmedo's Point of View
Kasulukuyang nagaganap ang burol ng aking ama ngayon. At lahat kami ay nag iiyakan dahil sa buhay na nawala saaming magpapamilya. Bagama't ang iba ay hindi namin kaano ano ay sila rin ay nag iiyakan. Dahil alam nilang kung gaano kabait ang aking ama, sa katunayan ay halos ata na kabit bahay namin ay nabigyan at natulungan ng aking Ama. Katulad ni Aleng Nena na kanina pa umiiyak tulungan ng aking Ama nung siya ay manganganak na, siya ang nagbayad sa gastusin sa hospital. Andito rin si Mang Fernan pinahiraman siya ng tatay ko nung walang wala siya sa pera para sa pag aaral ng anak niya si Fernando na ngayon ay isang Engineer. Andito rin siya. Kahit lalaking lalaki si Mang Fernan ay naiiyak parin ito. Hindi ko na rin maiwasang maiyak dahil halos ng natulungan ng aking ama ay andito at kita sa kanilang mukha ang labis na kalungkutan dahil sa pagpanay niya. Isa nalang ang gusto kung makita nandito, ang boss niya sa kanyang pinagtratrabahuhan, alam ko naman ang estado ng buhay namin sa buhay nila. Oo, mahirap kami at mayaman sila pero ang laki ng tulong ng aking ama sa kanila ni isa man sa mga katrabaho niya ay wala dito. Alam ko rin na may naitulong ang Boss niya sa mha bayarin pero kahit na. Hayaan mo na!. Sabi ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang aking mga luha na pumapatak dahil sa lungkot at galit na aking nararamdaman nakita ko na umiiyak na rin ang mga kapatid ko dahil dito at katulad ng dati ang ina ay walang sawang iyak ng iyak ng napakalakas. Ibinaba naman ng mga tao ang ataul ng aking ama sa hukay pero natigilan iyon nang may sabihin ang aking ina.
"T--Teka lang w--wag niyo munang i--ibaba" sabi ng aking ina na paputol putol ang kanyang boses dahil sa pag iyak nito habang nagsasalita.
"B--Bakit po ma anu yun?" Sabi ko habang hawak ang balikat ng aking ama hindi ako nakatanggap ng sagot sa aking tanong sa aking ama. Agad na lamg siyang lumapit sa kabaong at binuksan ito. May inilagay siyang panyo, ang panyong inilagay niya ay ang regalo mg aking Ama kay Ina nung nililigawan pa siya ng aking Ama. Naiyak ako sa nakikita ko agad kung pinunasan ang aking luha pero patuloy parin ito sa pagpatak ng napakaraming luha sa aking mata. Hinagkan ng aking Ina ang noo ng aking Ama.
"Mahal na Mahal kita Juan." Sabi ng aking ama at umiyak na ito. Nakita ko kung gaano ka totoo ang sinabi ng aking ina sa katawan ng aking ama. Naiyak kaming magkakapatid sa nang yari halos lahat ng naririnig mo diyo sa Sementeryo ay puro iyak dahil sa ginawa ng aking Ina.
Napadapa ang aking Ina sa kakaiyak nito kahit hindi sinabi ng aking Ina na ibaba na ito, ay agad namang ibinaba na ang kanyang kabaong sa hukay.
" Tayo po ay manalangin" sabi ni Father Franco. ada itong nanalangin at lahat ng maririnig mo ay tangis ko at tangis ng mga nangungulila sumabay rin ang panalangin ni Father Franco. Pagkatapos ng panalangin.
" Tayo ay kumuha ng bulaklak para ibigay sa ating minamahal na si Juan " sabi ni Father Franco. Nauna ang aking ina na kumuha sumunod si Joan at Si Joey at ako naman ang nasa huli pagkatapos naming maghagis na mag papamilya ay agad namang sumunod ang aming kapit bahay na nakakakilala sa aking ama.
Isang Oras ang lumipas natapos na ang pagbibigay ng bulaklak. Agad nang ibilalik ang binungkal na putik at ibinalik sa hukay. unti unti naring natatabunan ang Kabaong ng aking Ama.
Nang ito at natabunan na ay agad nang umalis ang mga tao.
" Oh Mareng Jessica. Paano yan aalis na kami " sabi ni Aleng Maria isa rin sa natulungan mg aking ama. Hindi umimik si nanay at tumango lang ito.
" Kayo na ang bahala sa Nanay niyo.Ha! Joshua,Joan,Joey " sabi saamin ni Aleng Maria.
" Opo " sabay sabay namin sinabi sa kanya. Umalis na rin siya.
Nagpaalam na rin ang mga ibang kapit bahay namin.
Umuwi na kami sa bahay ni isa ay wala kang maririnig na mga salita saamin. Nakatulala lamg sila. Binasag ko ang katahimikan ng agad akong nagsalita.
YOU ARE READING
The Secretary's Son And The Boss
RomanceMag iiba ang takbo ng kanyang buhay ng dumating siya. Alam niyang hindi niya kayang magmahal ng katulad niya pero nag hindi niya ito maiwasan. Never niya pang naranasang mag mahal ng mga kagaya. Pero saan kaya aabot ang pag mamahal niya. Alam niyan...