Yvane Salmedo's Point of View
Maaga akong na gising dahil maghahanap pa ako ng trabaho ko. Ano kaya ang magandang trabaho?
Tumayo ako sa aking higaan at inayos ito. Agad na akong dumeretso sa banyo at maliligo.
Pagkatapos kung naligo ay agad akong nagbihis.
Pagkababa ko sa baba ng aming bahay ay nakita ko ang aking ina. Napatingin siya saakin at ngumiti siya saakin.
" Saan naman punta mo anak? " Tanong niya saakin. At muling tumingin sa ginagawa nito nagtitimpla siya ng kanyang kape. Napangiti naman ako dahil parang okay na aking ina. Ako rin naman ay unti unti na ring nawawala ang sakit sa aking puso sa nangyari sa aking ama. Kailangan lang talagang matanggap ang isang bagay na wala na lalo pa at hindi na ito kayang bumalik pa. Pero kahit ganun paman ay hindi siya mawawala sa aming puso.
" Maghahanap ako ng trabaho ma.Para sa atin " sabi ko sa kanya at nginitian siya.
" Ganun ba. Sorry Anak kung ganito si Mama " sabi niya saakin. Hindi naman siya ang may kasalanan alam ko rin naman ang nararamdaman ng aking ina kasi anak niya rin naman ako. Anak ako ni tatay.
" Okay lang naman po yun. Ma, wala po kayong kasalanan eh " at ningitian ko siya.
" Tama na nga ito at tanggap ko naman na. Gusto mo bang magkape? " Sabi saakin ng aking Ina akmang kukuha siya ng baso pero pinigilan ko na lang ito dahil sinabi ko na aalis na ako.
Nagpaalam ako sakanya at umalis.
Pag labas ko ng bahay ay agad akong huminga ng malalim. Kaya mo yan Yvane.Kaya mo yan!. Sabi ko sarili ko at agad pumara ng masasakyang papunta sa bayan. Agad naman akong nakasakay.
Isang oras ang nakalipas at nakarating na kami sa bayan. Maaga pa naman kaya napagdesisyonan kung kumain muna sa isang kainan.
" Pabili nga Miss " sabi ko sa babae sa counter. Ang ganda niya. Siguro ang daming manliligaw ito isa na siguro ako sa manliligaw sa kanya.
" Ano po yun? " Sabi niya saakin at agad ki namang tinuro ang kukunin ko. Agad naman akomg umupo. Sa kahihintay ko ay inilibot ko ang aking mata sa kainan na ito nang may nahagip ang aking mata. Pupuntahan ko sana iyon pero meron na si Magandang Dalaga.
" Eto na po yung order niyo " sabi niya ,nagpasalamat ako at agad na itong umalis. Ang tanga mo!Yvane tinanong mo sana kung available pa iyon o kung available rin siya.Haiyts!
Mamaya ko nalang tanungin at kakain pa ako hindi pa naman ako kumain sa bahay kaya.
Pagkatapos kung kumain ay nagpahinga muna ako tapos pumunta sa counter para magbayad. Tatanungin ko na rin kung available ang trabahong iyon kahit ganung tagahugas lang ay basta may sahod.Ok lang saakin.
Iba na ang nagbabantay at hindi na yung dalaga kanina. Takte naman! mura ko sa sarili ko. Hindi ko kasi agad natanong pangalan niya at nakuha number niya.Sayang talaga.
" Matanong po Ma'am. " Sabi ko sa matandang babae na siyanv pumalit sa dalaga. Baka nanay niya ito o kaya siya ang may ari ng kainan.
" Ano iyon hijo " sabi niya saakin.
" Ah.. Available po ba ang trabahong alok niyo na dish washer " sabi ko sa kanya at agad tinuro yung nakadikit sa harap nila at agad niya naman tinignan ang tinuturo ko.
" Ay Diyos ko po! Sinabi kong tanggalin nila yan hindi pala nila tinanggal. Sorry hijo may nakakuha na kasi ng trabahong iyon.. Sorry hijo " sabi niya. Anu ba naman niyan. Kala ko makakapagtrabaho na ako. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at nagbayad rin. Agad akong lumabas para masimulan na ang pag hahanap ng trabaho ko.
Ilang Oras ang lumipas ni isa ay wala tumanggap saakin. Lahat ng nagtanungan ko ay hindi ako tinanggap. Yung iba pununa tapos yung iba ang hanap is yung mga nakatapos na. Yung iba naman ayaw saakin.
Dahil sa paghahanap ng trabaho at pagod,pinapawisan ako at napagdesisyonan kung pumasok sa isang mall. Para magpalamig at magtingin tingin na rin kung may nangangailangan ng mga worker. Kahit ano pa ay papasukin ko iyon. Pero ni isa ay wala akong nakitang napaksil na kailangan nila ng trabahador.
Napabuntong hininga nalang ako. Ang sakit na rin ng paa ko dahil sa kakalakad kaya umupo muna ako sa upuan na nandito sa mall.
Tatlong palapag ang Mall at ni isa wala akong nakitang nangangailangan sila ng workers. Iba iba kasi ang nasa mall may kainan, may nagtitinda ng damit, may nagtitinda ng laruan at mga appliances.
Ang hirap pala maghanap ng trabaho lalo na at hindi pa ako na kapagraduate. Sana itinuloy ko na lang ang pag aaral ko para hindi ganito na naghihirap ako para makahanap ng trabaho. Paano na yan. Nagastos na rin ang ilang perang naiwan saamin ni Papa. Dahil sa mga pang araw araw na gastusin at pati na rin sa pag aaral ng dalawa kong kapatid.
Paano na kami niyan kung hindi parin ako makahanap ng trabaho. Edi ligwak kaming lahat. Bigla ko nalang naalala ang alok saamin ng lalaking mayabang nayon.Haiyst! Kung hindi parin ako makahanap ng trabaho kukunin ko ang offer niya.
Pero sana makahanap ako para namab hindi ako mapunta o magtrabaho sa kanya.
Ilang minuto ang nakalipas nang nagpahinga ako akmang tatayo na sana ako para umalis at mag gagabi na rin.
Nang biglang may humawak sa likod ko.
Nilingon ko kung sino siya.
Laking gulat ko nang nakita ko siya.
Imposible! Imposible! Na makita ko ang taong ito sa lugar na ito. Hindi ko rin akalain na dito ko siya makikita sa lugar na ito sa lugar na ito.
" How are you? " tanong niya saakin hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.
" Im Fine " sabi ko sa kanya.
Nakiupo na lang ito saakin. Ang tagal ko nang hindi siya na kita. Madaming nagbago sa kanya. Ang kanyang mukha.
" Its been a years na hindi tayo nagkita. " sabi niya saakin ag tumingin saakin. Ang ganda parin ng mga mata niya at ang mga mahahaba niyang mga pilik mata.
" Oo nga eh.Ano pala ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya.
" Ah. Andito pala kami ng asawa ko. Bumibili ng gamit kararating lang namin nung nakaraang araw. Ikaw anong ginagawa mo dito " sabi niya.
" Ah wala taumambay lang ako dito " pagsisinungaling ko sa kanya.
Bigla na lang may lunapit saamin i think iyo yung asawa niya. Tapos na atang bumili. Agad naman siyang nagpaalam saakin. Pinagmasdan ko sipang dalawa ng kanyang asawa habang papalayo sila saakin.
Napangiti nalang ako para sa kanya.
Hindi ko na sila nakita.
YOU ARE READING
The Secretary's Son And The Boss
RomanceMag iiba ang takbo ng kanyang buhay ng dumating siya. Alam niyang hindi niya kayang magmahal ng katulad niya pero nag hindi niya ito maiwasan. Never niya pang naranasang mag mahal ng mga kagaya. Pero saan kaya aabot ang pag mamahal niya. Alam niyan...