P.E uniform

5 0 0
                                    

December 6, 2013

"At kung ang hapis ko'y hindi masawata,

sa pilik-mata mo'y dadaloy ang luha;

napasaan ngayon ang gayong aruga,

sa dala kong sakit ay di iapula?"

                                  Aralin 7,54

      He was so shocked nang biglang nagtext ang Dad 7:48 am. Dalawang dahilan kung bakit daw siya nagulat. Una, after 4 years uli siya nagparamdam and next reason “LATE NA AKO!!!!” 

Nagmadali siya magbihis. Nako nako nako. Shower. Kain.  Toothbrush. “UNIFORM! TAE ! lagot daw siya sakin??? ABA SYEMPRE PAG MAY NALATE AKO SISISIHIN AKO PRESIDENT EH.

HAHAHHA nung time kasi na to. Inaabangan ko siya sa harap ng gate ng school. "Lagot sakin yon. "  Pagkapasok niya dinahan dahan niya lang lakad . Sakto pa eh nasa harapan niya ako. Nang lumingon ako lumayo siya. 

“HAHAHAH! HULI KA!”  sabi ko

“Pa-paki mo ba! Gusto ko ma-late eh!”  hahha bilis magdahilan ni Derry.

“Hay ano pa ba magagawa ko sayo ha? Ano na mali pa yang uniform mo. P.E tayo ngayon no! “ sabi ko 

Tuminginsiya sa damit ko at sa damit niya. Mali nga.  “Peram ako ng extra uniform mo!” utosniya.

“te-teka lang...a-ayoko nga ! di sayo kasya yon! Ayoko!” reklamo ko

“sige na! Paki ko ba sayo! Tomboy ka naman eh ! dali na. Makita pa ako ni sir nyan! DALI!” Nu banaman pati pa ako idadamay nito. 

        Pinahiram ko ung sakin. Bale wala na sakanya kung makita niya abs niya sa harap ko?!!!.  "Kahit makita mo  abs ko pakielam ko "  nako, kapal ng mukha mo.

“hoy!wag naman sa harap ko oh!” sigaw ko. KADEREE EHH!!

“manahimik ka nga. Umiiwas lang ako sa gulo.” Kinukurot niya yung pisngi ko habang papunta kaming gym.Pero aleast, nakaP.E na siya. HAHAHA

“Aray ko naman. Te-teka lang oh!” sabi ko  “kakaiba ka ngayon ah. Nagiging mainit na ng sobra ulo mo sakin.” 

“oh ano iba dun? “

“wala naman Derry. May problema ka ba?” tanong ko

“mamaya na. Pinapalaro na ako ni sir ng bola. “ sabi niya

 (P.E NA)

        Habang naglalaro sina Derry, napansin ko yung phone niya 28 missed calls and 43 text messages puro pangalan ng Dad niya. Binalewala ko. “GO Derry!Go Jad !! woohhoo!! FIGHT FIGHT FIGHT!”  di ko napansin si Maki. Nakatingin na pala sakin. 

“Nagkakamabutihan na ata kayo ni Derry? Ha? “ lait niya sakin

“Nako Maki ang sama niya. Baka mamaya mabugbog ko na yun eh. Yung uniform niya nga sakin eh. Pinilit pa niya ako pahiramin ko siya. Nako!” sabi ko.

“yun nga yon Anto eh.. ikaw ah. Baka maging babae ka na niyan. Hahah” kulit ni Maki 

“HELL NO! DI KO SIYA TYPE- teka.. nanalo sila Derry at Jad-“

“nako....” sabay ngiti ni Maki

        Nang matapos yung laro unang nilapitan ni Maki si Jad. Tapos ako naman nakaupo lang. Pero nilapitan ako ng pawis na pawis na Derry. “M-may nagmessage and calls ka. Kanina pa.”

Tinignan ni Derry yung phone niya. Nagkaroon ng long silence sa pagitan namin. 

“masaya na siya doon. Hayaan mo na si Dad. May bagong asawa na daw siya. Tapos bukas pupunta siya sa bahay.” Bigla siyang umiyak. 

        Nagpanic na ako. “umm..eto oh..tubig!” inabot ko na sakanya kahit tanggi siya ng tanggi. Sobrang tagal din niya umiyak ah. Hindi ko akalain na sa lupet nitong Derry na to eh iyakin din pala. 

Kaya guys, lahat ng tao may feelings din!

        Niyakap ko na lang si Derry. Kawawa eh. Alam kong ayaw niya maging malungkot ang papa niya “ayos lang yan. Mabuti na nga pupunta sila sayo eh.S-M-I-L-E!”  nagpapatawa na lang ako sa kanya. “Dadamayan kita. Wag kang mag-alala, tutulungan kita.” Tuloy tuloy siyang umiyak sa mga braso ko habang yakap-yakap ko ang masungit pero iyakin kong kaibigan.

A Goodbye to my old selfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon