FOREVER?!!

8 0 0
                                    

November 28, 2013

1:06 pm

    “Gaano ang awang bugsi sa dibdib

     Ng may karamdamang maanyong tumitig,

    Kung ang panambita’t daing ay marinig,

   Nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?”

                                                        Aralin 6, 37

Bakit ba ayaw ng papa niya magkagirl-friend si Derry?! It's unfair! Kung sinasabi man nila na hindi totoo yung FOREVER na yan edi hindi rin totoo yung FOREVER ALONE. Siguro nung panahon na yon na nag-away sila dahil doon eh mejo bata-bata pa siguro si Derry nun.

May pinahatid sakin yung teacher namin sa faculty ng mga libro. Yung rubber shoes ko natanggal yung sintas. Naapak-apakan ko tuloy. Habang palapit  na ako sa faculty, natapilok pa ako tapos ang masaklap may tamaan ata ako..teka sino yon? Andami kasing libro eh harang sa daan.

"Ano ka ba naman!" sigaw niya

"ayy..sorry..pwe..pwede favor naman..pakuha yung kalahati ng libro..Bigat eh!" favor ko sakanya kung sino man yon

"Aba naman! Ikaw na nga nakabangga, ikaw pa ngayon hihingi ng pabor?! SWERTE MO NAMAN!" huh? teka..bo..bos..boses ni DERRY YUN AH!!!!

"Teka sino po ba kayo?" tanong ko

"Ako nga dapat magtano-"

"SAGUTIN MO NA LANG!" kainis eh!

"Derry Lei"

huh? ba't si Derry- "Hahahaa! Ba't ka nandito Derry?" kahit tinatanong ko siya, hindi pa rin niya gusto kunin yung kalahati ng librong nakaharang sa mukha ko!

"Ako errand eh!  Ba't ikaw ha?!"

"inutus-"

"Hoy Anto! dalhin mo na nga yung libro!" bigla sumabat yung teacher na yon.

Pag-lakad ko. Lalampa-lampa na naman ako. Ayun, tuluyan na ako na-fall..na-fall sa sahig at hinding hindi sa masamang Derring yon! Pero kinuha nya yung libro at hindi ako tinulungan sa pagtayo.

"Grabe ka naman di mo ako tinulungan kanina" reklamo ko

"Babae ka?" asar nun

"Hindi"

"o yun pala eh!"

Pero kahit na, tinulungan pa rin niya ako sa librong dala ko. Hindi ko iisipin na nang nalaman niyang may karamay siya sa problema sa magulang ay mejo napapansin ko na bumabait siya. Ano ba kasi talaga nangyari sakanya sa past?

A Goodbye to my old selfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon