February 14 , 2014
"Sa tamis ng tinig na kahalak-halak
ng nag-aawiting masasayang nimfas,
naanyayahan sampung lumilipad-
sari-saring ibong agawan ng dilag."
Aralin16, 194
"Baliw ko din no! Tignan nyo binabaan ako. LUPET MO TOMBOY! " habang tumaktabo ako. Sinisigaw ko yon! nakakainis o!
Pagdating ko sa room, nakita ko kaagad si Derry. "HOYYY !" tinatawag ko siya, pero hindi niya ako pinapansin. Hinahanap ko si Jad kasama pala sina Maki at Derry. “Teka ano..ano yun?!! Kaakbay ni Derry si Maki.?? Anong ginagawa mo Jad?!!” Nilapitan ko sila, pero lumalayo sila saakin.
Halos lalabas na yung ugat ko sa kamay ko sa sobrang galit na gusto ko nang bugubugin yung Derry na yon. "Sila ba?" tanong ko sa mga kaklase ko. Hindi naman daw pero may hinala ako eh.
Sinundan ko sila hanggang sa bintana. Nasa open-field namin sila. Nasa ilalim ng puno. Masaya si Maki kasama yung lalaking yon..Oo alam kong magbestfriend na sila pero bakit ganon
“Pinaghihinalaan ko na sina Maki at Derry. “ halos patulo na luha ko. Pero pinunasan ko, ayoko nga umiyak. “tomboy ako. Tomboy ako!!” pero di ko din natiis umiyak.
May group activity kami nung P.E class. Nakalimutan ko na ang tawag sa game pero ang mechanics: 2pairs-one boy one girl. Babae ang magpi-piggy back ride sa likod ng lalaki habang nasa race. Kailangan hindi mahulog ang girl sa likod habang tumatakbo ang boy, then the girl must get the one flag at the finish line. Pinagpair kami ni Sir
'Awkward naman' sabi ko sa sarili ko. Nasa likuran ko na siya.
"ONE. TWO. THREE. RUN"
Napansin kong hindi umiimik si Derry kanina pa. Hanggang sa tinanong ko siya
"ok ka lang ba? Hindi ba nabibigatan?" sabi ko.
“Ambigat mo engot!" sabi nya sakin. Yun pa lang ang sinasabi niya sakin.
Di ko alam kung tama ba ginagawa nya habang tumatakbo? Malayo na ba kami? Pero nagaalala din ako kung galit sya. Nagisip isip ako kung ako pa ba to. Pero mukhang hindi na
"Mahal kita." bulong ko
Napahinto siya.
"Mahal kita Derry!" bulong ko. Mangiyak ngiyak na ako.
Were half-way na papuntang finish line. Tinignan niya ako. Pulang pula na yung pisngi ko. Pero ngumiti sya.
"DERRY, ANTO! Bat kayo huminto?" sabi ni sir.
"well..I've already reached the finish line." Sabi niya. Nasa likuran pa din ako.
“h..ho..hoy..tumakbo ka na..talo na tayo…!!! “ sigaw ko habang nakalagay yung mukha ko sa likod niya dahil sa nararamdaman ko.
“huh?? Panalo ako. Talo ka.” Sabi ni Derry sakin. “Kanina pa kita tinignan eh. Selos na selos ka na. hahahaha… Bat antagal mo sabihin yan?!”
“hoyy tumakbo ka na lang kaya. Talo na tayo.” Iniiba ko ang topic
“Ayoko. Panalo ako. Kaso Talo ka.”
“Bat ikaw lang yung panalo??? “ sabi ko. Andaya nya!!! Iyak na iyak na ako.
“Hoy tumakbo na kayo or else 50 kayo sa quiz.” Walang pumapansin kay sir.
“Eh kasi nanalo ako dahil nabago kita Anto. Mamamahal mo din pala ako. Sabi ko sayo eh, babae at babae ka pa din, and it will never ever change. Kahit i-50 tayo ni sir, 100 naman ako sayo. Ok na ako” seryoso guys.. natatawa ako sa banat ni Derry na to.
“Ahh ok lang sainyo 50 ha..” sabi ni Sir. Pero di talaga naming siya pinapakielaman.
“Nakakainis ka Derry… !!”
Ngumiti siya.. “Kahit andami kong kaagaw na babae, sabi ko sayo eh babae at babae ka pa din, lalaki din ang mapipili mo. Date tayo?” Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na tong hindi naming pinapansin si sir, itong araw na naging babae na ako, ngayong nranasan ko ang 1st love ko na hindi ko pa nararanasan. Si Derry ang nagbago ng lahat.
Masaya ako ngayon, hinding hindi ko makakalimutan kong memorable ang February 14 na to. Ibibigay ko sakanya ang Diary na to. Wala ng dahilan sakin kung bakit hindi ko ibibigay saknya, mahal ko siya at alam kong gusto nya malaman lahat ng sinasabi at napapagisipan ko nang panahon na nagbabago pa ako.
BINABASA MO ANG
A Goodbye to my old self
Genç KurguNalaman ni Derry ang Diary ni Anto, nabasa niya ito at lahat ng bagay nalaman niya Hindi naman pala lahat ng tao magiging ganon habang buhay.. nagbabago din sila.. pero bakit kaya si Anto nagbago?? Love nga ba dahilan o pagkakaibigan?