A/N:
Hello.
Let me give you an overview about this story.
I was looking for something to do today and came across old files.
Dahil ayokong maglinis ng bahay, naisipan kong linisin ang computer files to free up some space at para na din maghousekeeping virtually.
Ang ending?
Hindi natapos ang pagdedelete ng mga unwanted files kasi I found this story :)
The first time I wrote this, iba ang ending.
When I edited this today, iba pa din ang ending :)
But enough of my rambling.
There is a trigger warning in the story description.
Mental illness and mental health are two subjects that are important to me.
We all struggle.
There shouldn't be any shame about it.
LCC
***
Gusto ko ng mamatay.
Ilang beses na akong nag-attempt pero so far, hindi pa din ako successful.
Minsan nga naiisip ko na pati ba naman sa pagsusuicide, failure pa din ako?
Para siguro sa iba, napakaselfish ko.
Una, hindi naman kami naghihirap sa buhay.
Hindi man mayaman ang family ko pero nakakaraos naman kami.
When I was five years old, nagmigrate kami sa Canada.
Si Mama, she worked as a caregiver ng tita ko na nagkastroke.
Kinuha siyang tagapag-alaga kahit pa maayos ang trabaho niya bilang nurse sa PGH.
Tinanggap niya ang work kasi that time, natanggal si Papa sa trabaho niya bilang sales manager.
Pero ng makaalis si Mama, hindi ito nag-aksaya ng panahon at nag-apply agad para makuha niya kami.
I was the youngest of three kids.
Back then, hindi ko masyadong ininda ang pag-alis.
Basta ang alam ko, magkakasama na kami nina Mama and that's what matters.
I was thirteen when I first attempted to commit suicide.
Naglaslas ako nun pero mintis.
Hindi ko nadali ang tamang ugat sa pulsuhan para matuluyan ako.
Mama found me in my room na nakahandusay sa kama.
Iyak siya ng iyak nung marevive ako.
Nakiusap sa akin na huwag na huwag ko ng gagawin ulit ang ginawa ko.
It was around that time na nakipagkita ako sa therapist.
We found out that I was bipolar.
At that age, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
May diagnosis so pwede ng gawan ng paraan di ba?
Si Mama, hindi makapaniwala.
Naghanap ng second opinion.
Pero ganun pa din ang lumabas.
Gusto pa niya sana ng third opinion pero pinigil na siya ni Papa.
Mas in-denial pa si Mama kumpara sa akin.
BINABASA MO ANG
Forever Live & Die
General FictionThe only thing that Emerald wanted was to die. TRIGGER WARNING: This story contains depictions of suicide. *** All rights reserved. No part of this work may be published, distributed, extracted, re-utilized, or reproduced in any material form, incl...