Sa third floor ang condo unit ni Joy.Sa unang tingin, it looked small.
Pagpasok namin sa makipot na hallway, there was a wooden rack for our coats and a metal rack for our shoes.
I took off my high heels after she took off hers.
May nakasabit na framed movie posters sa dingding.
The first one I saw was that of Angelina Jolie as Lara Croft.
Sino kaya ang favorite niya?
Si Angelina o si Lara?
"Come on in." Kumaway si Joy at pumasok ako.
The hardwood floor was smooth and clean.
Nang lumapit ako, doon ko narealize na ang hallway lang ang makipot dahil the living room was bigger.
Big enough to fit a sectional, a wide-screen TV and a four-layer bookshelf that was filled with vinyl records not books.
"Have a seat. Would you like a drink?" Papasok na siya sa kusina.
Sinundan ko siya ng tingin.
The appliances were made of chrome and the shelves were charcoal gray.
How much money does a medical office assistant make?
"Here," Bumalik siya na may hawak na dalawang bote ng Corona.
Umupo siya sa tabi ko at uminom.
"Gutom ka ba?"
"Hindi naman. Ikaw?"
"Medyo. Hindi kasi ako masyado nakakain." Tumayo siya ulit.
"Do you mind if we stay in the kitchen? I think may natira pa akong pizza from last time."
"I don't mind." Tumayo ako at sumunod sa kanya.
The kitchen was spotless.
May three-layer tier chrome dish rack kung saan maayos na nakasalansan ang plato, bowls at glasses specifically in that order.
May anti-fatigue mat din malapit sa lababo at dishwasher.
Granite ang countertops at kumikinang sa kintab.
Sa dining table ay may glass bowl na may lamang apples, oranges, lemons and bananas.
Pinatong ni Joy ang bote ng beer sa lamesa bago lumapit sa ref.
Nilabas niya ang isang kahon ng Domino's Hawaiian Pizza.
"Okay lang ba 'to sa'yo?" Nahihiyang tanong niya.
"Oo naman."
"Nakakahiya naman kasi. If you want, I can order something else."
"Ano ka ba? I was the one who came uninvited."
"You weren't uninvited. Niyaya kita remember?" Binuksan niya ang cupboard at kumuha ng dalawang plato.
Naglagay siya ng tig-dalawang slice sa plato bago lumapit sa microwave na nasa ibabaw ng stove.
"How long do you want it?"
"A minute is good."
Pinindot niya ang control panel for the one-minute setting at bumalik sa lamesa.
Hinila niya ang kitchen stool sa tabi ko.
"Mag-isa ka lang ba dito?"
"Yes."
Nilibot ko ulit ng tingin ang paligid.
The condo smelled of apples and cinnamon at mukhang bago ang building kung ang layout at pintura ang pagbabasehan.
BINABASA MO ANG
Forever Live & Die
General FictionThe only thing that Emerald wanted was to die. TRIGGER WARNING: This story contains depictions of suicide. *** All rights reserved. No part of this work may be published, distributed, extracted, re-utilized, or reproduced in any material form, incl...