This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Omegle is a great way to meet new friends. We pick someone else at random and let you talk one-on-one. To help you stay safe, chats are anonymous unless you tell someone who you are (not suggested!), and you can stop a chat at any time. (Omegle.com, 2020)
——————
"Ma, anong almusal?" pagkagising ko lang ay hinanap ko na agad ang aking nanay. Hindi kasi ako sanay nang hindi nagaalmusal sa umaga.
"Tignan mo diyan sa lamesa. Mag-ayos ka na at baka ma-late ka," walang tingin na sabi sa akin ni Mama. Abala ito sa pagkalikot sa cellphone niya at naka-upo pa sa sofa.
Lumakad naman ako papunta sa kusina. Nang makita ko ang nakatakip na pinggan ay agad kong tinignan ang laman sa loob. Muntik na akong mapahiyaw nang makita ang tinapa, itlog at sinangag na kanina. Hay. Mapaparami na naman ang kain ko nito.
"Rein! I miss you!" hindi ako nakapiglas nang bigla akong dinamba ng kaibigan. Wala akong nagawa kundi yakapin na lamang siya pabalik.
"I miss you, too, Kat," kumalas ako sa yakapan namin at tinignan siya. "Kamusta na? Nakapag-enroll ka na?" tanong ko dito.
"Oo naman! Magbabayad lang ako ng down payment para officially enrolled na raw ako. Eto'ng school natin kala mo tatakbuhan pag bayaran na eh. Walang kawala," umirap pa ito pagtapos. Natawa naman ako sa ginawa niya, ngunit sumang-ayon din.
"Sige na. Kita na lang tayo mamaya sa bahay nila Liezel. Session na naman ba?"
"Wow! Maka-arte ka nang ganyan kala mo hindi ikaw yung nagturo sakin ah?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Tinanong ko lang! Baka mamaya hindi na naman tuloy eh." Pinitik ko pa ang noo niya.
Umismid siya sa akin at umirap ulit. "Gaga, tuloy nga raw. Eh kailan pa tayo ulit nagkita. Dios mio. Nung bakasyon naman iilan lang tayong natuloy. Mga talkshit,".
Kala mo siya hindi.
"Oo na. Wala pa nga pero nag-aamok ka na,"
"Ay! Sige na! Mag-enroll ka na ah! Hihi. Sana nga maraming pogi sa block ko para naman may inspiration ako," pagde-daydream nito.
Napa-iling na lang ako sa kalokohan niya.
"Anong program, Miss?" tanong sakin ng Admin sa school.
"BSBA, po, Ma'am." simpleng sagot ko. Nilipat niya ang tingin sa monitor.
"Your papers?" nilahad nito ang kamay kaya iniabot ko sa kanya ang envelope ko na naglalaman ng aking mga requirements.
Saglit niyang tinignan ito para i-check kung tama ba ang mga dinala ko.
"Okay. Enrolled ka na. Magbayad ka na lang sa Accounting ng down payment. Bumalik ka next week para sa schedule, registration form, and ID mo. Next," mabilis niya sinabi iyo kaya tumayo ako para maka-upo ang susunod na mage-enroll sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bringing You With Me (Dating App Series) - Omegle
RomanceRein's friends dared her to meet up with a guy she met online. With that, her life took a sharp turn. Talking to a stranger is no big deal but meeting up and go on a date with them? Hell no! First Book of ADS (Dating App Series) - Omegle Warning!! ...