Third

12 2 0
                                    

Kellie, tangina ka. Hindi ko alam kung 'bat kita naging kaibigan.

Paano mo nagawa sa'kin ito? Bakit? Bakit?!

Gigil na gigil akong tumingin sa repleksyon ko sa salamin. I bit the insides of my cheeks to stop myself from screaming.

Kellie!!!!

"Rein, calm down. Kaibigan mo siya," It's been my mantra ever since Kellie and I became friends.

Maraming kalokohan na ang ginawa ni Kellie sa'kin. Katulad nung nireto niya ako sa buong klase nila. Punong puno ng chats ang phone ko nun. Hindi ko mawari kung ano bang sumasapi kay Kellie tuwing naiisip niya ako.

Bakit lagi ako ang bunot ni gaga?

Napatawad ko agad siya nun, kahit nung mga sumunod ay nagaalburoto sa galit sa mga kalokohan niya. Pero eto!

I cannot accept this! Never in my life.

I didn't expect na makikipag date ako, lalo na sa stranger!

My concerns were immediately turned down by my friends. Saying I'm safe with them and they're with me throughout the entire date.

I didn't comfort me, even a bit. Ni hindi nga ako nakikipag date eh.

Napasapo ako ng noo sa mga nangyari.

I looked again at my reflection. I'm here for almost 1 hour, staring at my dress. Namimili ako sa dalawa kong napiling dress kung ano ba ang susuotin ko.


Sa kanang kamay ko ay hawak ko ang off-shoulder dress ko. Kulay creme ito at sabi ni Dani ay bagay na bagay sa akin. Sa kaliwang kamay ko naman ay hawak ko ang black wrap dress ko. Madalas ko itong suotin pag may event sa school namin.


Hindi naman ako mahilig mag-ayos. Mas gusto ko pa nga ang naka-jeans, lagi akong pinapagalitan ni Mama dahil sa pag-upo ko. I'm comfortable whenever I'm wearing jeans. Kaya lang ay pinayuhan ako ni Kellie na dapat daw ay mag-ayos ako.


It's my first ever formal date and it's with a stranger. Maski sa ex ko dati ay hindi kami nakapag-date ng maayos. Sabay lang kaming uuwi at kakain minsan sa karinderya or sa fishball stand. Hindi naman ako umaangal dahil ayokong gumastos masyado.


Eh, kung mag-shorts na lang kaya ako? That's a one-time thing only. I'm sure he wouldn't ask for more.



I sighed. Bahala na nga.


"Dun ka maupo!" Turo ni Kellie sa malayong mesa mula sa kanila sabay tulak sa akin.


"Pucha," Mahinang mura ko, napahawak pa ako sa parte ng balikat ko na tinulak niya. "Patabi muna sa inyo!"


"Huwag na! Doon ka na. Mamaya dumating na yung date mo, eh," Tanggi ni Liezel. Hindi man lang sila umusog para paupuin ako.


"Eh, maaga pa naman," Pagrarason ko. Totoo naman na maaga pa talaga. I'm 30 minutes early. 30 minutes! Pumunta kasi sila sa bahay para sunduin ako. Inayusan pa ako ni Kellie para kahit papaano ay masarap daw ako sa paningin.


Napangiwi ako nang maalala ko ang sinabi niya.


"Kahit na. Malay mo early bird din si Mr. Stranger," sabi ni Kat, pangiti ngit pa si gaga. Umoo kasi yung crush niyang makipag-date sa kanya. Kaya ayun, mukhang tanga si gagang nakangiti.


"Ewan ko sa inyo. Damay niyo ako ng kape," Hindi ko na sila pinilit pa. Alam ko naman na hindi talaga sila papayag.


"'Wag na rin. Baka makahalata siya na maaga ka. Isipin pa nun excited kang makita siya," pagtutol ni Dani. Expert si gaga sa mga ganito, actually lahat pala sila. Kaya kanina pa punong puno yung isip ko nga mga advice nila.


Bringing You With Me (Dating App Series) - OmegleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon