I know Omegle is not a dating app. Sort of. Lol. Personally, it was kinda a dating app for me. I met guys from there na naka-date ko. Not a desperate move by the way but it was fun. Be careful lang whenever you're about to give your personal info. Hindi lahat ng taong mame-meet mo dun may magandang intensyon. That's all. Enjoy!
-----
From: Mr. Stranger
Good morning.
I sighed. Last night was a nightmare. I found a guy last night on an online dating app. Specifically on Omegle. Nakakaloka.
He's kinda secretive when it comes to his personal information. He prefers to talk about it in person.
...and yes. I'm going on a date. Ayon ang nagpag-usapan namin kagabi. Not sure about the date but I told him I'm free naman.
Buti na nga lang at tumapat ang dare na ito sa bakasyon. Kundi ay isa pa ito sa iisipin ko sa klase. Hay. Kalokohan talaga ni Kellie.
Napasapo na lang ako ng noo sa nangyari. I groaned. Oh my goodness.
Bumaba ulit ako ng hagdan para makapunta sa kusina. Umaga na naman at kumakalam na ang sikmura ko.
Wala namang hangover sa ininom namin kagabi. Umidlip lang kami saglit sa bahay ni Liezel. Nang sumapit ang umaga ay umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay.
Nakita ko naman si Mama na abala na naman sa phone niya. Naka-upo ulit ito sa sofa at abalang abala sa pagkalikot. Nagpaalam naman ako sa kanya na may sleepover kami kila Liezel. Hindi naman siya mahigpit sa mga gano'n lalo na't bakasyon.
My phone beeped again and I immediately saw our group chat. Nang binuksan ko ito ay nakita agad ang kaguluhan nila Kellie.
Dani: You guys are evil! Yung phone ko kanina pa tumutunog kasi tinatawagan na ako ng boyfriend ko!
Kellie: Ngayon na ba ako magla-live? Pwede kumain muna?
Liezel: Samahan niyo akong bumili ng gift. Pucha. Pag yung ex ko nakipagbalikan, lagot kayo sa'kin, animal.
Kat: OYY! bka nakaklimot kyo! Yunb crush ko!
Clyde: Ano na namang kalokohan ang ginawa niyo kagabi?
Bryan: Yataps oyat. Go, girls!
Natawa ako sa mga chat nila. Nag-type naman ako at ni-send ko sa kanila.
Me: Baka kayo ang nakakalimot. :))
Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapit kay Kellie at naisipang ipagawa sa akin yung dare.
"REIN!!! Help me!" Dinamba agad ako ni Liezel nang magkita kami sa kanto ng street nila. Medyo magkalapit lang naman ang bahay naming dalawa ni Lizel, kumpara sa iba naming mga kaibigan.
"O, bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Naka nguso ito at yamot na yamot ang itsura.
"Yung ex ko! Nakakainis. Punyeta. Anong akala niyo totoo 'yun? Nag-aayang makipag-date!"
"Bakit hindi ka pumayag?" May halong pang-aasar ang boses kong sagot sa kanya. Lalong lumukot ang mukha nito sa suhestiyon ko.
"Abno ka ba? Hindi na ako tanga no! Hello? Sayang mga advice niyo sa akin," umirap pa ito at nag-inarte pa lalo.
BINABASA MO ANG
Bringing You With Me (Dating App Series) - Omegle
RomanceRein's friends dared her to meet up with a guy she met online. With that, her life took a sharp turn. Talking to a stranger is no big deal but meeting up and go on a date with them? Hell no! First Book of ADS (Dating App Series) - Omegle Warning!! ...