Fourth

10 2 0
                                    




Ilang beses pa akong nakakurap bago natauhan.


"Hey." I smiled at him.


Lo and behold. He's standing in front of me. He's wearing white long sleeves and black jeans. May hawak itong phone, kakababa niya lang ata sa tawag.


"Are you the one?" Muntik akong mapamura sa boses niya. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba 'to o ano eh.


"From the dating app?" Pagkumpirma ko.


He nodded his head. "Sorry. I'm a bit late. May dinaanan pa ako."


"No. It's fine. Upo ka." Turo ko sa upuan na inupuan kanina nung nagbenta ng Pastillas saka yema.


Umupo naman ito. He smiled a bit while looking at me. "It's nice to finally meet you. You look nice."


Puta. Ang gwapo, mestizo pa ito at matangkad. His aura screams wealth and power.


Ramdam ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng phone ko. Alam ko mga, dai. Alam ko...


Puwedeng kiligin diba?


"Nice to meet you, too. Thanks."


Wala akong masabi, dai.


"Are you hungry? Want something here?" Umapos ito nang upo at lumapit nang konti sa akin.


Nailang naman ako pero hindi ko pinahalata ito. I bit my lip. "Uhh...Ikaw ba? Gutom ka?" Binalik ko ang tanong sa kanya.


He chuckled. "Wanna go somewhere?" He cocked his head, waiting for my answer.


Jusko. Ano 'to? Required ba 'to? Sabagay wala naman kaming concrete plan for this date. Meeting place lang talaga ang napag-usapan.


Sabi naman nila Kellie, go lang sa lahat.


I smiled, again. "Sure."


"Great. Let's go." Sabay kaming tumyo. Saglit akong napatingin sa mga kaibigan ko. Gulat din sila, palihim akong kumaway bago sumunod sa ka-date ko.


I got startled when he held my waist. My heart rate doubled, it almost took my breath away.


Tama ba'to?


Hindi nakatakas sa paningin ko ang atensyon na nakuha ng ka-date ko mula sa mga taong nakasalubong namin. Naka nganga pa ang ibang babae.


That was my first reaction, too.


Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Tahimik lang din siyang naglalakad. Tumigil kami sa naka-park na Toyota FJ Cruiser. Hinatid at pinagbuksan niya ako ng car door para maka-upo sa passenger seat.


Pinanood ko siyang umikot para makapunta sa driver's seat.


"Seatbelt, please." Saka pa lang ako nakapag suot ng seatbelt nang sabihin niya 'yun,"


"Oh yeah. Sorry." Inabala ko ang sarili sa pag-ayos ng seatbelt ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kasama ko. Baka sabihin weird pa ako dahil naka nganga ako every time na mapapatingin ako sa kanya.


"By the way, I forgot to introduce myself. It's rude na nauna ka pang makasakay sa kotse ko bago mo ako makilala," he extended his hand to me. "I'm Max."

My heart fluttered when I touched his hand but I still shook it. "Call me Rein." I hate to let go of his hand but my hands are getting clammy. Lalo na ang hawak hawak niya.

Bringing You With Me (Dating App Series) - OmegleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon