Fifth

11 2 0
                                    

"Ang landi mo!"

"Aray!" Reklamo ko nang sigawan at hatakin ni Kellie ang buhok ko. Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari.

"Boba, nagulat ako sa ginawa mo," dumagdag pa si Dani. Nasa bahay kami ni Liezel ulit. As usual kaming mga babae na naman ang magkakasama. Ang mga boys naman ay wala ulit dahil sa inuman lang naman madalas sumama 'yun.

Hindi na ako masyadong nagpagabi sa condo ni Max. We decided to grab dinner outside after our little session. Well, may term na pala dun and it's called momol.

Max was my first kiss and first momol. Wow.

Hindi naman ako nagsisi sa nangyari. He's so gentle to me that night, asking me if I'm fine and comfortable around his presence. He kept on insisting pa na ihatid niya ako but I turned down his offer.

Nag-Grab na lang ako para less hassle sa pag-commute. Wala naman siyang nagawa dahil may biglaan ding emergency sa business niya.

Yes, he's a businessman. Kaya nalilito ako kung bakit nasa dating app(Omegle) siya that time.

Well, let's finally call it a dating app.

"Eh, malay ko ba! Akala ko normal lang 'yun," I pouted a bit.

"Hmm..."

Mukhang napaisip naman sila sa sagot ko. Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ito. Kinuha ko ito mula sa coffee table nila Liezel. Napakagat ako sa labi nang makitang galing may mensahe ako galing kay Max.


From: Mr. Stranger <3

Hi, baby. I hope you're doing fine.


"Rein! Male-late ka na!" Minadali ko naman ang pag-aayos nang marinig ko ang sigaw ni Mama. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na sa kwarto. Pagbaba ko mula sa hagdan ay nakita ko si Mama na naglilinis sa sala.


"Alis na ako, 'Ma," nagmamadali kong paalam. Mabilis akong pumunta sa kanya para mahalikan siya sa pisngi.


Tumango ito at tinitigan ako. "Mamaya nan ay makipag-date ka pa ah. Isusumbong talaga kita sa Papa mo." Pagbabanta pa nito.


Muntik akong mapairap sa sinabi niya. "Hindi po. Sige na, 'Ma. Alis na po ako." Pagpapaalam ko ulit at lumabas na sa bahay.


Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang buwan na simula nung magkita kami ni Max. Hindi na ulit kami nagkita ulit simula nun. Pagdadahilan niya ay marami siyang inaasikaso sa businesses niya. Naiintindihan ko naman dahil wala naman akong karapatang mag reklamo.


Hello? Feeling girlfriend?


Soon...

hihi


"Good morning, Rein." Napatingin ako sa kaklase kong binati ako. Medyo nagulat pa ako kasi kakapasok ko lang sa room at hindi naman kami talaga close.


Tipid akong ngumiti. "Good morning." Naupo ako sa harapan. Wala naman akong masyadong kilala sa kanila. Bigla ko tuloy na-miss sila Kellie. Kaming dalawa lang kasi ni Kat ang magkasama sa isang school. Iba rin ang school ni Liezel at Dani at magkasama sa iisang school si Bryan at Clyde. Si Kellie lang ang nagtatrabaho saming magkakaibigan.


Kalagitnaan ng lesson ng professor namin ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko mula sa bulso. Naiirita ko itong kinuha at pahilim na napa-irap dahil malamang si Kellie na naman ang nag-text. Mangungulit lang siguro ito.


From: Max <3

Hey, baby. Are you free later? Let's go out.


Lumawak ang ngiti ko sa nakita. Napatingin ako saglit sa Professor ko bago nag-reply.


Bringing You With Me (Dating App Series) - OmegleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon