"Ma, okay lang ba?" Tinawag ko si Mama para makuha ang atensyon niya. She looked and me and inspected what I'm wearing right now.
"Okay lang." She shrugged and made a face.
I scoffed and pouted at her. "Ma, naman..."
Tumawa lang si Mama bago sumagot. "Maganda ka naman, 'nak. Pero maiba nga tayo... Sigurado ka ba diyan sa pinapasok mo?" naging seryoso ang ekspresyon ni Mama.
"Opo, 'Ma. Saka date lang naman 'to. Hindi naman sure kung magiging kami." Sagot ko at tinalikuran siya para humarap ulit sa salamin. I'm wearing a dress right now. I'll pair this with black boots. Nagsuot din ako ng accessories para maging maayos pa lalo ang itsura ko.
"Hindi ka sure."
"Basta, 'Ma, hanggang du'n lang siguro 'yun. Okay na po ako duon."
"Hay, anak, you're still young." I looked at my Mom's reflection on the mirror.
"Anong ibig sabihin nun, 'Ma." Lumingon ako sa kanya.
"Wala. Mag-ayos na ka diyan. Sa susunod ay ipakilala mo na sa akin 'yan, ha?" Tinaasan niya ako ng kilay, naka halukipkip pa ito. "Pinagbigyan kita ngayon kasi ngayon ka lang naman humiling sa akin ng ganyan. Pero 'wag mong isiping gumawa ng kalokohan."
"Wala namang kalokohan, 'Ma!" Pagtanggi ko.
Totoo naman...
"Kahit na! Sa susunod dalhin mo na sa bahay 'yang ka-date mo. Pasalamat ka at pinagtakpan kita sa Papa mo ngayon. Nako kang bata ka!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
I made a peace sign with my hand. "Thanks, 'Ma. You're the best." Pagpuri ko sa kanya.
"Oo na! Hay nako! Mga kabataan ngayon." Nanlulumo pa niyang reklamo at sinapo pa ang noo.
"Wala nga po, 'Ma." Tanggi ko ulit. "Pero okay lang talaga ma?" Pagngungulit ko sa kanya.
"Oo nga! Umalis ka na ngang bata ka at nakukunsumi ako sa'yo." Pagtutulak niya sa akin. Napasimangot ako sa ginawa niya.
"Hi. You look beautiful, baby." Nag-init ang pisngi ko sa papuri ni Max.
"Thanks." Tinignan ko ang itsura niya. Muntik na akong mag laway. He's wearing a tree piece suit. Ang dalawang butones ng polo niya ay nakabukas kaya kitang kita ko ang dibdib niya. He also smell so good. Parang gusto ko na lang siya yayain sa condo niya.
Napakahalay na ng isip mo, Rein...
"You look good, also." Syempre balik puri tayo kay pogi.
He chuckled. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ko siya. Jusko. Ang pogi talaga nito. I bit my lip.
May iniabot ito mula sa back seat. "Flowers for my date, tonight." Nilapag niya sa lap ko ang bouquet.
Kinuha ko ang bouquet at hinaplos haplos. Inamoy ko pa ito at niyakap. I love this...
"Thank you." I thanked him sincerely. Hinalikan niya naman ako sa labi bilang sagot.
"I got you, baby. Ready?"
"This way, Sir Max and Ma'am Rein." Nagulat ako ng tawagin ko ng waiter sa pangalan ko. Magkahawak kami ni Max na sinundan ang waiter. Napunta kami sa mas tahimik na part ng restaurant. Nakatapat ito sa garden na may pond.
BINABASA MO ANG
Bringing You With Me (Dating App Series) - Omegle
Roman d'amourRein's friends dared her to meet up with a guy she met online. With that, her life took a sharp turn. Talking to a stranger is no big deal but meeting up and go on a date with them? Hell no! First Book of ADS (Dating App Series) - Omegle Warning!! ...