CHAPTER 1 - They have the same features
AERAH POV
"Aerahhh!!!, gumising ka na dyan malelate na tayo oh?!" - sigaw ng kasama ko sa boarding house, naramdaman ko na pumunta sya sa higaan ko at kinuha yung libro na binabasa ko.
" Aerah naman oh!kaya nalelate tayo kasi magdamag ka naman nagbasa "
" Reign.. mauna ka nalang kaya kaysa sinesermonan mo pa ako, daig mo pa mama ko ei"
" bahala ka na nga dyan, basta bawal umabsent ngayon may mga quizzes tayo Aerah tandaan mo yan ?" wika nya habang kinukuha yung mga gamit nya.
" Opo maa, " wika ko
Nang makaalis na si Reign ay agad ko kinuha yung cellphone ko at tiningnan kung anong oras na, napamura nalang ako dahil malapit na mag 7:30 kaya kumilos na agad ako , pumunta na ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay sinuot ko na ang uniporme ko at nag ayos nang sarili, napagdesisyunan ko nalang na sa canteen na ako kumain ng breakfast ko. Lumabas na ako sa boarding house at nag abang na nang tricycle.
Pagkarating ko sa school ay agad sumalubong sa akin si Ynnah , kaklase ko rin at kaibigan , sa classroom apat kami na palaging magkasama, ako si Ynnah , Reign at si Hannah , si Ynnah sya yung ka vibes ko pagdating sa mga books , mahilig din kasi sya magbasa kaso nga lang mas mahilih sya sa teen fiction love story while ako naman mas mahilig ako sa mystery gusto ko kasi yung napapaisip rin ako sa bawat scenaryo ng story ei.
"Aerah, nabasa mo na ba yuung bagong story sa I-read ?" tanong ni Ynnah
"Hindi pa? Wait... bakit ka ba nandito, kanina pa nagsisimula yung first period natin ah"
" Ikaw bakit ka ba nandito rin sa canteen kanina pa nagstastart yung first period ?" tanong nya pabalik sa akin, napamaang nalang ako dahil alam na namin yung sagot sa tanong namin pareho kaming late kasi magdamag kami nagbasa.
"Alam mo Aerah magbestfriend talaga tayo no?" wika nya
" tss, samahan mo nalang ako mag breakfast"ako
Habang pumipila kami upang mag order , napapansin ko lang yung mga estudyante pare-pareho yung mga pinaguusapan tungkol sa bagong story sa I-read.
" Ynnah may bago bang publish story sa I-read?"tanong ko
" Ha? Ahh.... oo kaso hindi pa completed mga nasa chapter 5 pa yata yung story, ang title is " My Strange Hero" doctor yung bida na lalaki doon at naghahanap sya ng hustisya para sa Papa nya na namatay na habang sinasagawa yung surgery nang papa nya, kasi he thinks na may mali sa operasyon sa kanyang papa kaya namatay ito kaya ayun nag-aral sya at naging doctor at nagapply doon sa hospital na gusto nyang paggantihan, then yung partner nyang babae doon is super cute , secretary naman sya doon ..... " naputol yung kwento sa akin ni Ynnah nang bigla akong nagtanong.
"wait anong pangalan nung doctor na bida ?" - tanong ko
" ahh sya si Harold yung name naman ng babae ay si Rhea , basta basahin mo nalang feel ko kasi maganda yung story ei, at saka diba type mo yung mystery, may pagka mystery din yung story tsaka fit rin sya sa kurso natin marami tayong matutunan doon, then diba type mo doctor kaya feel ko para sayo talaga yung story nayun"- wika nya
"Sino ba yung author? , may hindi pa ako natatapos sa I-read eh, isusunod ko nalang yun taz may binabasa pa ako sa libro" sabi ko
" Ang name ng author is "HiIMBlack" medyo weird yung name nya ei, nakaktakot "
"Anong hitsura nung profile pic nya?"- tanong ko
"Plain black din?"- sagot nya
Napatigil ako sa pagkain dahil nakita ko nayung story at yung author ang wierd nga ng author, wala syang finollow at marami din syang followers at kaisa isang story lang din ang nandoon.
BINABASA MO ANG
Chased by the Villain
FantasyAerah Cortez, is a writer and her only reason for making the story is to get revenge on this hospital that caused the death of her parents . One year passed by, and her work became popular and the hospital noticed her desire for revenge, and event...