" So ibig mong sabihin na si Ms. Cortez at si Ms.Secret Author ay iisa?" tanong ng Ceo, habang ang mukha naman ni Director Jang ay hindi makapaniwala
"H-How she can do that?" tanong ni Director Jang
"Of course she knows everything what happened wayback 11 years ago Director Jang, at sa tingin mo ba ganun ka bobo si Dr. Cortez? Na basta mapapayag mo nalang siya sa gusto mo? " wika ng Ceo
"Maybe Director Jang may hawak siya na mabibigat na ebidensya laban sa inyo at ngayon naghahanap pa siya ng mas matibay na ebidensya laban sa inyo at sa hospital na ito" wika ko
"Why are you doing all of this?" napingisi naman ako sa tanong niya
"It because I had something to deal with her" ako
"And you trying to say that you want to be in partner with us" wika ng Ceo
"Yes let's work together to get rid of our enemy" sabi ko
Napatingin naman ako sa ingay na nagmula sa labas ng pintuan
"May nakarinig yata sa atin?" wika ni Director Jang
Mabilis ko namang pinuntahan ang pintuan na yon at binuksan kung sino man ang pumasok doon, ngunit wala akong nakita pero napangisi naman ako ng may iniwan siyang bakas mula sa tresspasser na yun at kilala ko kung kanino tung keychain na ito.
"Sino iyon?"tanong ng Ceo
"Don't worry, kilala ko ang may ari nito, I will the one who takes care of her"
Aerah POV
Nakaupo lang ako dito sa pwesto ko sa opisina ni Harold habang nagtitipa dito sa laptop ko, akala ko madali din tong trabaho na yung nakaupo ka lang whole day at nakaharap sa laptop mo pero mas nakakapagod pala, nanakit na yung puwet at batok ko kasi halos limang oras na yata ako dito sa pwesto ko paminsan-minsan lang din ako nakatayo upang magkuha ng tubig o magbukas ng pinto.
Saglit ko lang din nakita si Harold kanina dahil may paguusapan daw sila sa conference room, napaisip tuloy ako kung ano ang naging resulta nung kompetisyon nila, sino kaya nanalo sa first round?
Napatingin naman ako sa pintuan ng may narinig akong kumatok dito, ng buksan ko ay si Ynnah pala
"Oh Ynnah, ba't ka naparito?" tanong ko sa kanya
"Yayayain sana kitang maglunch na ei" wika niya
Napatingin naman ako sa relo at lunchbreak na nga namin, grabe hindi ko man lang napansin yung oras, kumilos naman agad ako at niligpit muna yung gamit ko saka kami lumabas ni Ynnah papunta doon sa usual na kinakainan namin. Habang nasa linya kaming dalawa napansin ko na parang may something missing kay Ynnah
"Uh, Ynnah nasan yung keychain na binigay ko sayo?"tanong ko sa kanya
Agad naman siya napatingin sa bag niya at bahagya pa siyang nagulat ng mapansin nga niya na nawala iyon,napansin ko naman yung pagkabahala sa mukha niya
"Nakuu... nalaglag yata sa bag ko" sabi niya
"Nahh.. gift ko pa naman yun sayo nung 18th birthday mo " kunwari ay nagtatampo ako
"S-sorry talagaa Aerah, try ko nalang hanapin yun ulit baka kasi sa hospital ko yun nawala" sabi niya
"Wag na, okay na yun, malabo mo na din yun mahanap" sagot ko at hindi naman siya ulit nagsalita nung turn na namin sa pag-order
Pagkatapos naming ibigay yung order namin ay pumunta na kami doon sa napili naming upuan, ngayon ko lang din napansin na hindi sumabay sa amin si Paolo ngayon sa lunch, ganun ba talaga kahaba yung naging diskusyon nila sa Conference room
BINABASA MO ANG
Chased by the Villain
FantasyAerah Cortez, is a writer and her only reason for making the story is to get revenge on this hospital that caused the death of her parents . One year passed by, and her work became popular and the hospital noticed her desire for revenge, and event...