CHAPTER 7 - "Fading"

20 6 0
                                    

CHAPTER 7 - Fading


CTTO.

Aerah POV


Natataranta kami pareho ni Reign dahil late kaming nagising, wala kaming duty ngayon , pero kailngan naming bumalik sa hospital na pinagdudtyhan namin kasi we need to do our case study, yung case ko ngayon is tungkol don sa mommy na may Rhd, I need to gather more information about it para mas may maisusupport ako sa case ko.

Nang matapos kami sa morning routine namin ay naghiwalay na kami nang landas ni Reign, nauna syang sumakay nang jeep kesa sa akin, mga ilang minuto lang din ay nakasakay na din ako, mabuti nalang at mabilis yung takbo nang jeep at walang masyadong traffic nakarating agad ako sa hospital na ito, mga limang minuto lang din naman yung ikinalate ko, pagpasok ko sa hospital nakita ko si Ynnah pero we don't have time na magusap kasi nagsisimula na sya sa kanyang interview, ghad ako nalang yung nahuli.

Hinanap ko si Nurse Jane dahil alam ko na alam nya yung Doctor na nag opera don sa babae na pinaanak namin kahapn, nang makarating ako sa nurses station, agad ako nagtanong kong nasan si Nurse Jane.

"Oh sis hinahanap mo ko? Bakkit may problema ba?"- tanong nya

"Wala naman, I just want to ask kung kilala mo ba yung doctor na nag opera doon sa babae na nanganak kahapon na may RHD?"- ako

" Ahh, si Dr. Dela Fuerte , yung nag opera kahapon, bakit?'- sabi nya , I was stunned nang malaman ko na maghaharap na naman kami, bakit parating pinag cocross lagi yung landas namin

"Nasa office na ba sya ngayon, kailangan ko kasi syang mainterview para sa case study ko ei, kulang pa ako nang information "- wika ko

"Wait tatawagan ko sya "- sabi nya at pumunta naman sya don sa telephone, at nakinig sa kanilang pinagusapan

"Goodmorning Dr. Dela Fuerte, hinahanap po kayo ni Ms. Cortez .... ahh kailngan nya po kasing mainterview ka, para sa case report nya bukas... okay po sige po"- binaba na ni Nurse Jane yung tawag saka pinuntahan ako.

"Pumunta ka lang daw sa office nya hintayin mo lang daw sya doon, may opeartion pa daw kasi sya ei"- sabi nya

"Okay, salamat"-nagpaalam naman ako sa kanya, at papunta na ako sa kanyang office, ngayon lang ako nakaramdam nang kaba sa paghaharap namin , hindi ko alam kung bakit, nalaman ko din na nagiba na pala nang office si Rhea , I wonder kung sino yung secretary nya ngayon.

Nag-antay lang ako sa labas nang office nya , umupo ako sa isa sa mga long wooden chair doon, walang masyadong pasyente si Harold ngayon, tsaka hindi rin busy yung mga tao dito siguro napagod sa party kahapon, while waiting , binuksan ko muna yung cellphone ko at kinuha yung earphone ko para makinig nang music tapos binuksan ko ang I-read para sana basahin yung di ko pa natapos kaso napindot ko yung story ni Black at nagbukas ito nang bagong chapter , napanganga ako anng makita ang laman nito , yung nangyari kahapon sa party nung sinayaw ako ni Harold, then nung nag scroll pa ako na next part na iyon nakita ko yung sarili ko at si Paolo sa garden kagabi, tapos nakita ko rin si Harold at Rhea nung hinalikan niya sa Rhea , ano ba yung role ko sa story na yun? Bakit nalalagay sa story nayun bawat eksenang nangyayari sa akin? Pero ang mas ikinagulat ko nakita ko ulit yung sarili ko na nagiglitch, kung nung una nagsimula lang sa kamay ko ngayon umabot na sa balikat ko.

"Ba't to ganito?"- tanong ko sa sarili ko,sabay kapa ko sa balikat ko

" Aerah?"- may tumawag sa pangalan ko ngunit natulala parin ako , bakit parang dahan dahan akong nalulusaw

"Aerah?"- tawag nya ulit sa akin this time kinalabit nya ako, nakita ko si Harold , I was still in shock dahilan para di ako makapagsalita

" Look may pupuntahan pa ako pagkatapos nito, ano ba yung kailangan  mo sa akin?"- sya

Chased by the VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon