Black's POV
Matapos yung tatlong araw sa medical mission, hindi na ako muli kinausap ni Aerah, at alam ko dahil iyon sa nangyari nung mga isang araw, ano kaya ang kailangan ng estranghero na yun kay Aerah, ni hindi ko nga alam kung ano talaga ang sadya ng estranghero na yun sa akin at bakit niya kami ginugulo? Naalala ko din ang sinabi niya sa akin nung mga gabi nayun "Balang araw malalaman mo din Harold" ano ang dapat kong malaman?
Nang- icheck ko ulit yung kwento ko na inupload ko sa I-read, napansnin ko na wala pang nilabas na bagong chapter yung magnanakaw na yun, isa pa yun isang malaking sagabal sa akin ang magnanakaw na yun, paano ko matatapos tung misyon ko kung ginugulo niya? Bago ko mahanap yung Secret Author na yun, hahanapin ko muna yung kumuha sa story ko.
"Goodmorning Aerah, nasan si Harold?"- Rhea
"A-ah nandon sa loob pasukin mo nalang"- Aerah
"Okay thank you"- Rhea
Bigla namang pumasok si Rhea at hinalikan ako , napapadalas na yung maganda nyang mood, this days, matapos yung medical misyon parati wala sa kanya yung atensyon ko pero nanatili pa din syang andyan sa tabi ko kahit ilang beses kong iniiwasan yung lambing at halik nya, hindi parin sya nagagalit.
"Babe lets eat?"- pangyaya nya sa akin
"Nagugutom ka na ba?"- tanong ko
"Oo ei kanina pa"- reply nya
" Ok wait for a moment liligpitin ko lang tong mga gamit ko"- sabi ko sa kanya , at nang matapos na ako magligpit ay sabay na kaming lumbas ni Rhea sa office ko at nakasalubong pa namin si Aerah.
" Aerah, would you like to come with us, we will having our lunch, I guess hindi ka pa kumakain?"- Rhea
"Ahh.. hinihintay ko pa matapos si Ynnah eh, kaya mauna nalang kayo"- sabi nya
" Ganun ba? By the way kamusta yung naging experience mo sa medical mission nyo?"- Tanong ni Rhea, napapansin ko rin ang pagiging hindi komportable ni Aerah sa mga nakakasalamuha niya, lalo na kay Rhea.
" A-ah .. okay lang naman, medyo nakakapagod"- sabi nya
"Hahaha ganun talaga, first time mo pa ei, but don't worry masasanay ka rin soon"- sabi ni Rhea at nagpaalam naman sya pagkatapos
" Harold, what happen to Aerah, it seems she so silent this past few days ? "- tanong nya
"Hindi ko rin alam, siguro napagod lang sa community service" sagot ko sa kanya
"Hindi mo naman pinagod?" tanong niya ulit but I felt something weird with that question, sasagot na sana ako ng agad siyang sumapaw
"Bakit walang update yung story mo ngayon?"- tanoong nya
"I think napagod yata " ako
" Mas mabuti na lang din talaga na tumigil na siya"- sabi nya, hindi naman ako kumibo sa pinagsasabi nya at nagpatuloy lang ako sa pagkain , nang matapos na kami pareho ay umalis na kami at bumalik sa hospital, nakita rin namin pareho ang kababalik lang nila Aerah sa hospital , pero bigla sila napatigil nang biglang may humawak sa braso ni Aerah na isang batang babae.
" Ma'am tulungan nyo ang mama ko, nahihirapan na po syang huminga kaso hindi po kami pinagtuonan nang pansin sa hospital na ito kasi wala daw kaming pambayad"- sabi nung bata, nanliit naman ang mata ko dahil sa sinabi nung bata
"Yan yung bata kanina na kumausap kay Director Jang na gamutin yung mama nya pero hindi ko akalain na tatanggihan sila ni Director Jang "- wika ni Rhea, ramdam ko ang galit sa tono ng boses niya
BINABASA MO ANG
Chased by the Villain
ФэнтезиAerah Cortez, is a writer and her only reason for making the story is to get revenge on this hospital that caused the death of her parents . One year passed by, and her work became popular and the hospital noticed her desire for revenge, and event...