Harold POV
Ngayon yung araw na magigising yung pasyente namin ni Paolo, kasama ko yung team ko ngayon pati si Aerah ay nandito rin, kakapasok lang din ng team nila Paolo, mas nag-alala ako sa kalagayan ng pasyente ni Paolo kesa sa akin, ayon kasi sa napagkasunduan nila ni Director Jang nung nakaraang araw sa Conference Room, papalampasin niya ang kapalpakan na ginawa ni Paolo kapag nagising yung pasyente niya, nakausap ko naman yung scrub nurse sa team niya at sinabing wala talagang kasalanan si Paolo sa surgery na iyon kundi yung first assistant niya, nakita nila ito na talagang sinasadya niyang tamaan yung instrument na hawak ni Paolo sanhi ng aksidenteng iyon.
Sinimulan na ng dalawang team buksan yung BIS device (Bispectral Index)ginagamit iyon upang gisingin ang pasyente pagkatapos mailagay sa anesthesia, gamit ang device na ito malalaman dito kung magigising ang pasyente mo kung tataas yung numero sa bispectral index value, dito rin malalaman kung sino ang mananalo sa laban na ito.
Ikinabit naman nung dalawang nurse sa magkabilang team ang sensor sa noo ng dalawang pasyente at sinimulan na ang paggising sa pasyente, nakahinga ako ng maluwag ng umaakyat ang numero nito ng tingnan ko sa side nila Paolo it seems to have a problem.
"Do you think gigising yung pasyente nila?" tanong ni Rhea
"It will"
"Dad!"
Napatingin naman ako sa pasyente ko, tiningnan ko yung range at umakyat ito sa 95 pataas it means fully awake yung pasyente ko.
"Sir maari po bang ipikit nag iyong mga mata kung naririnig niyo ako" utos ko sa pasyente at sumunod naman sa sinabi ko, nakahinga ako ng maluwag na naunang nagising ang pasyente ko it means panalo ako sa round na ito, kita ko naman sa mga mata ng team ko ang saya sa pagkapanalo namin ngunit hindi parin ako mapakali, kami dalawa ni Rhea hangga't hindi nagigising ang pasyente ni Harold.
"Good job Dr. Dela Fuerte" wika ni Nurse Jane
"Congrats Dr. Dela Fuerte" bati naman ni Aerah pero alam kong mas nagalala siya sa kalagayan ng pasyente ni Paolo
"So we have a winner" galak na sabi ni Director Jang, wala naman sa mood ang lahat upang maging masaya sa sinabi niya dahil kaming lahat ay nakatitig sa kondisyon ng pasyente ni Paolo.Nasa 72 numerical range ang pasyente ni Paolo.
"Ma" pag-alala ng boses ni Abby habang niyuyugyug niya ang braso ng pasyente alam kong gigising ang pasyente nato pero bakit ang tagal.
"I think we know the result of this Dr. Hernandez" wika ni Director Jang
"You should prepared your--"
"Ma'am!"
Napatigil naman kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Aerah , lahat sa kanya dito sa ICU sa kanya ngayon nakatitig
"Ma! Mama!" wika ni Abby at ng ilipat ko ang paningin sa pasyente, gumalaw ang ulo nito.
"Ma'am naririnig niyo ba kami?" tanong ni Paolo at tumango naman yung pasyente, tuluyan ng nakahinga ng maluwag yung mga tao dito pati si Rhea
" I thought it will be all over" sabi niya
"A-Abby" ani ng Ginang
"Mama!!" iyak naman nung bata
Napalingon naman ako kay Director Jang at ni isa wala siyang masabi kundi umalis na lang dito sa loob, napatingin naman ako kay Aerah na ngayon ay nakatitig rin sa pasyente
" You did a great thing" wika ko sa kanya, tiningnan niya ako na para bang mangingiyak, wala akong alam kung bakit ganito ang reaksyon ni Aerah na muntik na niyang ipahamak yung sarili niya para maisalba lang ang ginang ito, gayun din si Rhea.
BINABASA MO ANG
Chased by the Villain
FantasyAerah Cortez, is a writer and her only reason for making the story is to get revenge on this hospital that caused the death of her parents . One year passed by, and her work became popular and the hospital noticed her desire for revenge, and event...