Chapter 10 " Second Encounter"

15 5 0
                                    

Aerah POV


" Hindi ko lubos maisip, matagal ko na pala nakakaharap ang babaeng gumawa sa mala-teleserye kung buhay"  sabi niya habang hinigpitan pa niya yung pagkahawak sa leeg ko, nahihirapan na akong huminga habang paunti-unti niya akong nabubuhat.

"H-Harold p-please.." pilit kong pagpapakawala mula sa pagkakasakal niya kaso habang ginagawa ko yun mas lalo pa niyang hinihigpitan niyong pagkakasakal niya sa akin

"Kung nais mong patumbahin ang hospital na iyon, hayaan mo ako na ang gagawa sayo nun, at ngayong gabi eto na ang huli mong hininga Rhea"

"Aack--" impit ko ng hinigpitan pa niya yung pagkakasakal niya sa akin, nararamdaman ko na unti unti na akong nalalagutan ng hininga, papayag lang ba ako na dito ako magtatapos?

Pilit kong nilabanan iyong mga kamay niyang nakapulopot mula sa leeg ko, at gamit ng paa ko sinipa ko yung gitna niya dahilan para lumuwag yung pagkahawak niya sa akin saka ko pilit na tinulak palayo sa akin, dahil na rin siguro sa lakas ng pagkasipa ko don sa may ari niya napaupo siya sakit.

Hindi na ako nagatubili pa na tumakbo palayo sa kanya, narinig ko pa syang sumigaw at tinawag yung pangalan ko, pero di na ako lumingon muli at patuloy lang sa pagtakbo sa kalagitnaan ng kakahuyan na ito, mukhang naliligaw pa yata ako, napahawak naman ako sa leeg ko, gusto kong sumigaw ng tulong ngunit namamaos yung boses ko.

"Rheaaaa!!!!" rinig kong sigaw ulit ni Harold, napatakip naman ako sa tenga ko ayaw ko siyang marinig na tinatawag ako sa ganyang pangalan. Patuloy parin ako sa pagtakbo, nasan na ba ang lagusan nitong kakahuyan na ito! kulang nalang hihimatayin na ako dito sa kaba at pagod.

Di ko mapigilan ang mapaiyak, gusto ko nang matapos ang gabi na ito, na sana ay panaginip lang ang lahat ng to, napahawak ako sa isang puno nang makaramdam ako ng hilo, nararamdaman ko rin ang unti-unti paglapit sa akin ni Harold, kung eto na talaga yung huling gabi ko, gusto ko paring lumaban.

"Rhea kailan ka pa ba mapapagod sa kakatakbo palayo sa akin"

"Please... lu-lubayan mo na ako.." ako

"Do you think na papayag ako don! pagkatapos mong paglaruan ang buhay ko!" sigaw niya, kinuha ko  yung isang malaking kahoy sa harap ko at sinubukan kong ihampas sa kanya iyon, ngunit sobrang bilis at nakailag siya dito, nagawa pa niyang agawin sa akin yung hawak ko, kulang din ako sa lakas. 

"Huwag mo nang pilitin ang sarili mo Rhea! tanggapin mo nalang ang kapalaran mo ngayong gabi!" sabi niya, napapikit naman ako ng makitang kong ihahampas na niya sa akin yung kahoy na dala ko kanina, ngunit napatigil siya ng may marinig kaming boses mula sa likuran ko. 

"Aerah!!!!" sigaw niya

Lumingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon , di ko maiwasan ang mapaiyak, nanlalabo ang paningin ko ngunit kilala ko ang lalaki na dumating para tumulong sa akin, mabilis siyang tumakbo papunta sa harap ko at sinangga niya gamit nang braso niya ang paghampas ng kahoy na iyon, hindi ako makapaniwala, nalilito ako ng sobra sa mga nakikita ko ngayon, hanggang sa naramdaman ko ulit ang pagkahilo at bigla nalang nagdilim yung paningin ko. Sana ay maging okay lang siya.


Harold POV

Nagising ako dahil sa malakas na hangin na bumugso sa mukha ko, hindi ko alam kung may dumaan ba o sadyang ganun lang talaga ang klima dito, malakas ang hangin at malamig din kaya naisipan kong bumangon muna upang kunin yung blanket ko sa bag, di ako makatiis sa jacket lang. Nang tumayo ako upang kunin yung kakailanganin ko, napansin ko na wala si Aerah don sa pwesto niya, saan na naman kaya nagpunta yung babaeng yun?

Chased by the VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon