Chapter 14 - "First Round"

14 5 0
                                    

Harold's POV

" The tumor started from the lungs then kumalat ito sa right heart chamber to the polmunary artery and the aorta , at ipapaalam ko sa inyo misis na maaring magkahemmorhage ang inyong asawa, hindi rin ako sure kung makakayanan nya ito"- sabi ko habang pinapaliwanag ko sa magkapamilyang ito ang maaring mangyari sa tatay nila pagkatapos nang surgery, ayaw ko na may umasa sa mga kamay ko kaya sinasabi ko sa kanila yung mga risk sa surgery na ito

" Sinasabi mo ba Doc, na malabong magsucess ang ang surgery nang asawa ko?"- tanong nung misis

" Opo at ngayon anong maging desisyon nyo sa asawa nyo?"- tanong ko, tiningnan naman nya yung anak nyang dalaga na umiiyak

"Ma, alam ko po na lalaban si Papa, hindi nya tayo iiwan"- sabi nung dalaga

"Doc, ipagpapatuloy po namin yung surgery nang asawa ko, at hanggang maari gawin nyo ang lahat nang makakaya nyo"- sabi nung Misis, pinapirma ko agad sya ng waiver tatlong beses para masiguro na pumayag sila sa naging surgery sa kanyang asawa despite of the risk that may happen

Ang challenge ngayon sa competition na ito ay , hindi pabilisan kundi kaninong pasyente ang unang makasurvive within  3 days, both our patients had the same condition, at kung sakali mauna  man yung patient ko within 3 days panalo ako. Magstastart yung competition about 30 mins. Kaya nag prepare na kaming lahat, bago pa man ako pumasok sa operating room nakita ko si Paolo na papasok na rin sa kabilang OR pero tumigil sya nang makita ako

"Dr. Hernandez lets think about saving the patient"- sabi ko sa kanya , nag nod lamang sya na bilang pag aggree sa sinabi ko, sinabihan ko naman sya na hindi ako seryoso sa competition na ito, tinulungan ko lang si Rhea na makalabas sa gulong iyon , to be honest mas malaki yung porsyento na magsurvive yung pasyente ni Paolo kesa sa pasyente ko kaya alam ko na mapapanalo nya tung first round of the competition.

Nagkaharap -harap na kami ngayon nang team, at nagsisinyisan na hindi isipin yung competition kundi yung maisalba namin ang pasyente

"I know Dr. Dela Fuerte you can do this, let's do what you've got"- sabi ni Nurse Jane, tumingin ako sa itaas at nakita ko yung iba pang mga doctor , nandun din ang Director at yung fake na Ceo, pero yung Director ang naagaw nang atensyon ko it seems hindi sya mapakali , siguro kinakabahan sa maaring mangyari sa ex-wife  nya , nahagip naman nang mga mata ko si Rhea na ngumiti sa akin bilang pangpalakas nang loob, nginitian ko naman siya pabalik para iparating na magiging okay ang operasyon kong ito. 

"Okay lets start" sabi ko , nakita ko naman ang kabila na nagsisimula na din sa operasyon nila

Paolo's POV

 " Scalpel"- utos ko sa scrub nurse sa harap ko ,  I start the incision from the chest next to the breastbone

"Scissor"- utos ko ulit, habang isinasagawa ko yung pagremove ng tumor at ang tissue na nakapalibot sa tumor, napapansin ko ang kakaibang kinikilos ng first assistant ko. 

" What are you doing?"- tanong ko

"Nothing just focus on what you're doing "- sabi niya , kaya ibinalik ko na ang atensyon ko sa pasyente

"The vital sign?" tanong ko sa Anesthetist 

"Normal lang po Doc" sagot niya, for the second time na nagreremove ako ng tissues I stop for a moment because I notice again his motives, ano bang pinaplano nito? 

" Dr. Velasquez, ano bang ginagawa mo?"- tanong nung circulating nurse, ang ayaw ko pa naman sa lahat ay nadidistract yung kasama ko sa loob ng surgery room dahil naapektuhan din  ang konsentrasyon ko dito

"Just shut all your mouth, focus on what you are doing! "- sigaw ko, para bumalik sila sa katinuan nila

"Pero Doc, kailangan nating palitan si Dr. Velasquez, sa tingin ko po ay sinusubukan niyang palpakin tung operasyon mo" wika nung isang member ng team ko

Chased by the VillainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon