REALIZATION
Ilang araw ko na siyang pinupuntahan tuwing lunchtime sa likod ng school building. Buti na lang at hindi niya ako nakikita.
Napaglaman ko ring SPED student siya. May kakulangan nga talaga siya. Medyo naaawa ako sa kalagayan niya.
Sa ilang linggo ko ring pagsunod sa kaniya, nakabisado ko na rin ang bawat paggalaw niya.
Hindi ko na talaga alam kung bakit ko ginagawa 'to. Masyado akong nagiging stalker sa araw-araw kong pagsunod sa kaniya.
There's a time na sinundan ko rin siya pauwi. Ewan ko, gusto ko rin malaman kung saan ang bahay niya.
Masyado na bang OA?
Pero hindi talaga ako pinapatahimik ng second thought ko. Gusto ko talagang kilalanin siya.
Paano naman? Kakausapin ko ba?
Para akong timang kakaisip dito kung paano ko ba dapat siya i-approach. May kung ano kasi sa loob ko na pinipilit akong kilalanin siya.
Ewan. Nasisiraan na yata ako ng ulo at parang ikamamatay ko kapag hindi ko ginawa 'yon.
Uwian na at nandito na ako sa waiting shed ng school malapit sa gate. Hinihintay ang paglabas niya.
Lagi siyang lumalabas tuwing wala nang taong makakakita sa kaniya. Gano'n din siya kapag pumapasok.
Laging may 1 hour sa pagitan ng time ng pagpasok at pag-uwi niya. Pero bakit naman niya ginagawa iyon?
Lagi na rin akong pumapasok ng 1 hour earlier than time at umuuwi rin kapag nakita ko na siyang pauwi.
Hindi ako magtagumpay na sundan siya pauwi dahil lagi siyang nawawala sa paningin ko.
Hindi kaya alam niyang sinusundan ko siya?
Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag may sumusunod sayo? Baliw na lang siguro ang gano'n.
Kahit naman ako hindi ako matutuwa, pero I really want to know her.
Yes, we already met each other when I first followed her. But now? I still don't know her personally, even her name.
Hindi ko naman matanong sa iba kasi panigurado malaking issue 'yon dito sa school. Ayoko nang madagdagan pa ang pambubully sa kaniya.
Hindi ko rin siya malapitan dahil kada hinihintay ko siya tuwing papasok or tuwing uwian dito sa gate bigla-bigla siyang nawawala. Tinataguan niya talaga ako.
Hindi ko rin naman siya pwedeng kausapin in public. Maraming makakakita at ma-i-issue talaga.
Kaya hangga't maaari sa walang nakakakita ko siya gustong makilala ng maayos o kahit makapagpakilala man lang.
Maybe she knew me already, kasi nga sikat ang banda namin lalo na at nanalo kami sa Battle of the Bands. Pero ako? Even her name I certainly don't know.
Stupid right? Maybe I am stupidly in love with her. Kahit na hindi ko siya kilala personally, or kahit may kapansan man siya. Para sa akin, hindi dahilan iyon para wala nang magmahal pa sa kaniya.
Her actions, her gestures, her movements, her physical appearance and especially those eyes of her with full of mystery.
Alam ko namang hindi niya ko kakausapin dahil hindi niya kayang magsalita. But my thoughts really want to meet her.
Kahit na hindi siya magsalita. Kahit na sign language lang ang gamitin niya. Pag-aaralan ko pa para magkaintindihan kaming dalawa.
This past many weeks or mostly months, I just realized, I can't live without her.
Just seeing her in a bit of time makes my day complete. Kapag hindi ko siya nakita o nasulyapan parang nahihirapan na akong kumilos sa araw-araw.
Siya lang ang taong nagpakaba at nagpalabas ng totoong ako. I may be strong outside, but deep inside I am really a dicky.
Siya ang nagpa-realize sa akin kung paano pa magiging masaya. Kung ano pang magandang bagay ang makikita ko. Dahil sa kaniya nagbago ang pananaw ko.
Akala ko dati kaya ko nang mag-isa, na kaya kong mabuhay sa mundo na walang ibang kasama.
But when she suddenly entered my life, everything chaged. All things had changed, even me.
She changed James Anderson into someone I don't know.
Pinahahalagahan ko na ang lahat ng bagay. Kahit simple lang or kahit mukhang walang ka kwenta-kwenta ay hindi na basura para sa akin.
She made me realize, without a simple matter there will never be more precious and valuable things we may treasure and cherish in our entire life.
Sa simpleng pagkurap niya ng mata, sa simpeng pagkagat ng labi niya, at sa simpleng paghawi ng buhok niyang humaharang sa mukha tuwing nagbabasa ng libro niya, hindi ko na alam kung malilimutan ko pa ang bawat bagay na ginagawa niya.
Nakita ko siyang papalabas na ng school. Hindi niya pa ako napapansin dahil sa bigat ng mga librong dala niya.
Sobrang seryoso talaga siya sa pag-aaral, unlike me na puro bulakbol, cuttings, and banda lang ang inaatupag.
Napatayo na lang ako nang magsibagsakan ang lahat ng librong makakapal na dala niya. Agad akong lumapit para tulungan siya.
Napahinto pa siya't napatayo sa gulat nang makita akong inaabot ang ibang librong nahulog niya. Hindi yata siya aware sa paglapit ko.
"Ah... I-ito oh." Pilit kong inaabot sa kaniya ang isa pang makapal na libro.
Bakit ba sobrang seryoso niya sa pag-aaral?
Dapat hindi niya lang binubuhos ang buhay niya sa mga test, lessons, or even that obnoxiously thesis.
Kailangan din naman ng isang estudyante ang magsaya at mag-chill.
Parang isang dosenang libro yata itong hiniram niya sa library. Ako ang nahihirapan sa lagay niya, e.
Parang gusto ko siyang tulungan magbitbit at ihatid pauwi. Tutal lagi naman niya akong tinatakasan.
Nakayuko niyang kinuha ang libro sa akin at agad ring umalis. Mabilis ang naging takbo niya paalis.
Kanina lang bigat na bigat ang itsura niya sa pagbibitbit ng mga libro, pero ngayon patakbo pa niyang buhat-buhat ang mga iyon.
Sobrang kabado ba niya kagaya ko? Pati adrenaline rush niya ay nakikisama sa kaniya.
Napadako ang tingin ko sa paanan nang mapansin ang isang nakatuping maliit na papel.
Dinampot ko ito at agad na tumakbo palabas ng gate. Baka sakaling nandito pa siya, ibabalik ko lang sana.
Hinanap ko siya, pero pabalik-balik lang ako sa kaliwa at kanan. Siguro nakaalis na.
Ang bilis niya talaga sa takbuhan at taguan. Hindi lang ito ang unang beses, maraming beses na niya akong tinatakbuhan at tinataguan.
Binuklat ko na lang ang pagkakatupi ng pink na papel. Siguro love letter 'to dahil may mga fancy designs pa sa bawat gilid.
Pero mali pala, iba ang nakasulat. Nang mabasa ko kung ano ang nakasulat, nagkaroon ako ng pag-asang makilala siya.
"Sa wakas kilala na kita," nakangiting usal ko sa sarili. Hindi ko mawari ang saya at galak ngayon sa puso ko.
Sobrang tagal kong hinintay na malaman ang pangalan niya, ngunit ito nasa harapan ko na.
Kitang-kita ko pa ang kulay pink na tintang ginamit panulat. Pink talaga ang paborito niya, hindi ako nagkamali.
H'wag kang mag-alala. Nandito na ako...
Paula Benitez
Click the ☆ button...
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
Romance||COMPLETED ✔|| James was living like hell. He had nothing but his band. All his life, he never thought he'd be happy in spite of being miserable, until he met this girl who would change his world. His unconditional love will be his strength to sav...