Chapter: 5

100 25 5
                                    

WHERE ARE YOU?

Ilang araw na ang nakalipas. Mag-iisang linggo na rin, pero hindi ko pa siya nakikita. Hindi na ba siya pumapasok?

Tanging sa school ko lang siya nakikita. Hindi ko rin naman alam ang bahay niya.

Nag-try na rin akong magtanong sa SPED teacher nila, pero kahit siya ay hindi alam kung bakit hindi na pumapasok si Paula.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Sana agad ko na lang siyang sinundan noong huling kita ko sa kaniya.

Sana noong inabot ko sa kaniya ang librong nahulog niya dapat kinausap ko na siya.

Ano na kayang nangyayari sa kaniya? Nakakakain ba siya? Ayos lang ba ang lagay niya?

Sa tuwing pumapasok kasi siya ng school nakikita ko kung kumakain ba siya o kahit ayos lang ba ang lagay niya.

Ngayon kahit isang balita tungkol sa kaniya, wala akong mahagilap.

Sinubukan ko na ring magtanong sa banda kung kilala nila si Paula, pero lagi lang nilang sagot sa akin ay isang tanong kung bago ko raw ba siyang chix.

Mga tukmol talaga. Hindi talaga nila kilala na yung piping babae ay si Paula.

Dalawang linggo na ang nakalipas, pero ni anino niya wala akong makita.

Maka-ilang balik na rin ako sa manggahan sa gilid ng field kung saan madalas ang tambayan niya, pati na rin sa likod ng school building kung saan siya kumakain ng lunch pero wala talaga eh. Wala talagang Paula ang nandodoon.

Iyon na ba ang huling pagkikita namin? Sana pala nagtapat na ako. Kung nagtapat na sana ako agad siguro ay mas madalas ko na siyang makikita at makakasama.

Hindi ko na itatago ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala na rin akong pakielam sa mga sasabihin ng iba. Basta ako minamahal ko siya at ipagtatanggol ko siya kahit kanino.

Tatlong linggo. Malapit na mag-isang buwan simula no'ng huling kita ko sa kaniya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi na akong walang tulog at parang nababaliw na.

Sinubukan kong hingin ang address niya, pero noong puntahan ko iyon ay nakalipat na raw ang may-ari.

Hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kaniya. Nawawalan na ako ng pag-asang makikita ko ulit siya.

Sobra akong nagsisisi na hindi ko agad siya ipinaglaban sa una pa lang.

Sana noon pa lang na nakikita ko siya ay kinilala ko na agad siya. Sana simula pa lang ay nakita ko na ang mga mata niyang nagpapatigil ng mundo ko.

Isang buwan na. Naka-ilang balik na rin ako sa address na binigay sa akin ng teacher niya. Pero makailang tawag na ako wala pa rin.

Hanggang sa may isang ale ang kumausap sa akin...

"Hijo, bakit ba lagi kang nandidito? Wala nang nakatira d'yan. Lumipat na ang mag-ama noong namatay ang nanay ni Paula," sabi niya.

"N-namatay po?"

"Oo, hijo, nabalitaan na lang namin dito isang araw ay patay na si Lara, 'yung nanay ni Paula. Naku madalas din mag-away yung mag-asawa, e. Lagi na lang maingay ang bahay na 'yan noon. Buti nga ngayon ay tahimik na."

Sa pagkakataong iyon biglang bumayo ng mabilis ang dibdib ko sa kaba.

"A-ano po bang ikinamatay ng nanay ni P-paula?" Ayokong mag-isip ng masama dahil sa oras na ito ramdam kong may mali na sa pamilya nila.

"Hindi rin namin alam, hijo. Basta maka-ilang araw pagkatapos ng gabing nagsisigawan ang mag-asawa, nabalitaan na lang namin na wala na si Lara. Ang sabi lang naman ni Paul, 'yung tatay naman ni Paula, biglang inatake ito sa puso."

Kumonot ang noo ko. Hindi siguro maayos ang takbo ng pamilya nila.

"Bago umalis ang mag-ama sinubukan naming kausapin si Paula. Pero kahit ano, wala kaming nakuhang sagot sa kaniya." Bakas ng pagkadismaya ang makikita sa itsura niya.

"Dati-rati naman ay nagsasalita siya noong bata pa. Pero simula noong magdalaga na, wala nang lumabas na kahit na anong salita mula sa kaniya."

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. May hinala na ako na hindi maayos ang lagay niya.

Kaya ba gano'n na lang siya?

Kaya ba pakiramdam ko kagaya ko siya na pulos lungkot na lang ang meron sa buhay?

Kaya ba madilim na lang ang nakikita ko sa likod ng mga mata niya?

"Dati kasi nahuli ni Paul na nanlalalaki si Lara, kaya madalas na rin silang mag-away. Si Paula naman na anak nila napabayaan na. Marami ring nagsasabi na nakikita nilang laging may kasamang lalaki si Paula, at napag-alaman naming nagtatrabaho siya sa isang bar. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may mali siyang ginagawa, e."

Hindi! Mali sila. Hinding-hindi magagawa ni Paula ang mga paratang nila.

Alam ko ang bawat kilos niya. Nakita ko kung gaano kahirap ang buhay niya. Nakita ko rin ang lungkot sa bawat kilos lalong-lalo na sa mga mata niya.

Hindi ako naninawala sa mga sinabi niya. Hindi si Paula ang ganoong klaseng babae. Alam ko 'yon. Ramdam ko 'yon!

Umalis na ako. Hindi ko kinaya ang balitang nalaman ko tungkol sa kaniya.

Hindi ko alam pero nagdadalawang-isip ako. Baka sakaling totoo nga ang sinabi nung ale.

Natandaan ko ang huling pagbangga ni Vanessa sa kaniya. Pero hindi ko naman kailangan paniwalaan iyon.

Mahal ko si Paula, kaya dapat sa kaniya lang ako maniwala.

Paula, nasaan ka na ba?

Click the ☆ button...

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon