Epilogue

160 23 12
                                    

Min: Kindly play the multimedia above while reading. Hehehe, para ma-feels

~~•°•°•°•°•~~

"Are you ready?" Hindi siya nagsalita, like always, ngumiti lang siya.

Bago ako lumabas ng kotse binuksan ko muna yung stereo at nilakasan ang volume nito.

Plano ko siyang dalhin dito last month pa, kaso laging nauurong dahil sa therapy niya at tugtog ng banda.

I called one of the radio stations and asked them to play the song of our band, 'yung kantang isinulat ko para lang sa kaniya. I also told them at exact 6pm—time of sunset.

I look at my wristwatch...

5:47 pm

In a while magpe-play na rin ang song. Bumaba na ako ng kotse.

Sumalubong sa akin ang napakasarap na simoy ng hangin. Kita na rin ang kumikinang na mga bituin at ang araw na papalubog na.

"Perfect." I smiled.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayang bumaba. Nang makababa siya ay agad niyang inilibot ang paningin. Namamangha ang kaniyang itsura.

Sa isang tahimik, mapuno, at walang katao-taong lugar. Around Antipolo lang.

Puro sreet lights na lang ang nagpapaliwanag ng daan, pero hindi gano'n kadilim dahil palubog pa lang ang araw.

Lumingon siya sa akin. Kumukinang ang mapupungay niyang mga mata dahil sa saya.

May isinuot siyang sumbrero sa ulo ko. Ngumisi siya nang makita ang gulat at namumula kong mukha.

Alam niya pa lang mahilig ako doon. Kinikilig tuloy ako. Bigla kong nakagat ang dulo ng dila.

The fuck James? Para kang bakla!

Inanyayahan ko siyang umupo sa harapang parte ng kotse.

The thought of watching the sunset with her is really romantic, that's why I planned to bring her here.

The scenery is calming. The air is refreshing. And the most important thing, the girl I love the most is now smiling.

I know she's happy, and that's what I wished for more than 3 years, since I started loving her.

Narinig ko na ang instrumental intro ng kanta. Tuluyan nang lumubog ang araw at mas tumingkad ang kinang ng mga bituin.

Tinititigan ko lang siya mula pa kanina. I just can't take my eyes off her. Lalo na ngayong nagiging maayos na siya. Mas maaliwalas at mas gumaganda siya sa paningin ko.

Nakapikit lang siya. Dinadama ang simoy ng hangin at ang katahimikang nakakagaan ng pakiramdam.

I wonder kung narinig na ba niya ang kantang nagpasikat sa amin. Alam naman niyang sikat ang banda, e.

And it is because of her. She's my inspiration for writing that song.

Close your eyes

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon