Chapter: 6

88 22 4
                                    

PROMISE

Taon na ang lumipas pero wala pa rin akong balita tungkol sa kaniya. Graduated na rin ako ng college.

Iba rin pala ang pakiramdam kapag natapos na ang paghihirap mo. Ang madugong college life natapos din.

Kung dati wala akong pakielam sa pag-aaral, pero simula noong dumating siya sa buhay ko lahat na ng bagay pinahalagahan ko.

Nalaman ko ang kahalagahan ng bawat bagay. At lahat ng iyon ay hindi mo maaabot at maipagmamalaki kung hindi mo ito paghihirapan.

Naghahanap pa rin ako ng trabaho na pasok sa Bussines Ad na tinapos ko. Marami na rin ang mga naging gigs namin ng banda.

At oo, buo pa rin kami hanggang ngayon. Lahat sila may mga girlfriend na, at natutunan na rin nilang magseryoso sa buhay.

Pero ako? Heto, may hinihintay pa rin. Wala mang kasiguraduhan na babalik siya, nananatili pa rin ako dahil mahal ko siya.

Hinding-hindi magbabago iyon. Siya lang babaeng mamahalin ko hanggang dulo.

"Bro, ano na? Wala pa rin?"

Bumaling ako sa kaniya. Hindi sinagot ang tanong niya't sinaid ang natitirang alkohol sa baso.

"Magsaya ka naman kahit minsan. Kinukulong mo ang sarili sa babaeng iyon." Pumintig ang tainga ko sa narinig.

Hinawakan ko agad siya sa kwelyo. Nanlilisik ang mga matang tinignan siya. Nag-iinit ang kamao kong gustong dumapo sa pagmumukha niya.

"Wala kang alam, Lei. Si Paula lang ang minahal ko nang ganito. Hinding-hindi na magbabago iyon. Kaya hihintayin ko siya hanggang kamatayan man!"

"Chill, bro. I'm just trying to help." Hawak niya ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kwelyo niya.

"I don't need your fucking help. What I need is her! So shut your mouth before my fist gets to your freakin' face!"

Marahas kong binitawan ang kwelyo niya at pabatong hinagis ang basong hawak.

"Calm down, bro. You're drunk. Come on, hatid ka na namin sa condo mo."

"I'm not drunk. Get off!" Nagpupumiglas ko.

Agad ko namang hinablot at tinungga hanggang maubos ang laman ng isa pang bote ng beer na naiwan sa mesa.

Hinayaan na lang nila ako. Alam nila ang pinagdadaanan ko kung kaya't pati sila hindi alam kung ano ang gagawin sa akin sa tuwing nakakainom.

Bumalik kami dito sa beer house malapit sa Marilao kung saan kami unang nag-celebrate noong manalo kami sa Battle of the Bands para sana mag-celebrate sa binigay ng isang record company sa amin.

Binigyan nila kami ng recording contract para sa kantang isinulat ko.

'Yung kantang iyon ay tungkol sa kaniya. Nakapaloob ang lahat ng gusto kong sabihin para sa kaniya. At gusto ko sana na marinig niya iyon kahit wala pa ako sa tabi niya.

Pero ngayon nagsisimula na naman akong maging miserable. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayong wala siya.

Ang hirap gumising sa araw-araw na hindi ko siya nakikita. Hindi ako makakilos ng maayos ngayong walang Paula ang nakikita ng mga mata ko.

Isang taon na ang nakalipas pero siya pa rin ang laman ng puso ko. Hindi mawala ang sakit at pighati sa tuwing maaalala kong iniwan niya ako.

Wala mang nabuong relasyon noon sa pagitan namin at hindi man nagkaroon ng oras na kaming dalawa lang, pero isa lang ang alam ko, ang puso namin sa isa't-isa ay magkakonekta.

Kaya hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Umaasa na balang araw makikita ko rin siya.

And when that happens, I will never let her go. I promise, I won't go anywhere without my hands holding her.

I really miss her. And I do love her so much, I really do.

I want to see her eyes once again, and I won't take my eyes off her... Ever again.

Click the ☆ button...

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon