Chapter: 7

96 23 6
                                    

JUAN BAND

"Let us all welcome...JUAN BAAAAAAND!"

Hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa amin. Lahat sila sinisigaw ang bawat pangalan ng member ng banda.

Hindi ko maisip na dati ay tumutugtog lang ako para maging masaya, ngunit ngayon ang pagtugtog na ang naging dahilan upang magtagumpay ako.

Ngayon napakasarap sa pakiramdam na maraming tao ang nakaka-appreciate sayo.

Maraming tao ang umiidolo at gustong maka-usap, mahawakan, o makita ka man lang.

Sobrang overwhelming ng mainit na pagtanggap sa amin ng mga tao. Lahat ng taong nanonood dito ay iniidolo na kami.

Nagsimula na kaming tumugtog ng banda. Halos lahat nakikisabay sa pagkanta at todo hiyawan pa.

"I LOVE YOU, JAMES!"

"IDOL LEI... ANG POGI MOOOO!"

"JUDE, YOU'RE' THE ONE!"

Tinugtog namin ngayon ang kantang isinulat ko at nagpanalo sa amin sa 20th Philippine Music Awards.

"GO RHYSSSS!"

"DAAAALE! WOOOHH!"

Ang kantang isinulat ko para sa kaniya. At siya rin ang naging inspirasyon ko upang mabuo ang bawat linya.

"GO, JUAN BAAAAAND!"

"WUUUHHHUUUH!!! YEAHHHH!"

Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko maaabot itong rurok na dating pinapangarap ko lang.

Dalawang taon ko na siyang hindi nakikita. At makalipas ang isang taong pagsikat ng banda, hanggang ngayon, wala pa ring Paula ang nagpapakita.

Patapos na ang kanta. Lahat ng tao nakikisabay sa bawat linyang binibigkas namin.

Hawak ko ang gitara at pilit pinapakawalan ang pangungulila sa babaeng minamahal ko ng sobra.

Itong kantang ito ang nagbibigay lakas at pag-asang makikita kong muli siya—Ang babaeng nagpabago ng aking buhay at nagbigay sa akin ng pag-asa.

"That was a great one, Juan Band!" Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao.

"Thank you, everyone," sabi ni Jude, habang may hawak ng mic. Ipinasa naman niya sa amin at sunod-sunod kaming nagsalita.

"Thank you for supporting us," sabi naman ni Lei

"Salamat sa inyooo! WOOOHHH!" si Rhyss, kasabay ng malakas na hiyawan ng lahat.

"Juan Band...YEAAH! Hahaha," natatawang usal naman ni Dale.

Lahat ng tao nakikisabay sa amin. Ramdan mo talaga ang mainit nilang pagtanggap.

Napunta na sa akin ang mic at ako na ang susunod na magsasalita. Parang gusto ko tuloy isigaw sa lahat kung gaano ako nagpapasalamat.

"Thank you for the warm welcome for us, everyone. This is our first guesting in this kind of music concert. Salamat sa suporta ninyo. Maraming maraming salamat."

Nagsigawan na naman sila at isa-isang sinisigaw ang pangalan namin.

"This is a sweet start for your career, Juan Band... But there's something your fans wanted to know. Right?" Sabay baling ng host sa lahat ng nanonood at sigawan na naman nila ang nagpapaingay ng paligid.

My face lit up with gladness and joy. "What is it?" I asked, 'cause I'm the one who's holding the mic.

"Tell us what's the story behind that song."

Nagkantiyawan ang banda. Lahat ako ang itinuturo. Ako naman kasi ang nagsulat, e.

"Well... That song is for the only girl I love the most. She's my inspiration for writing that song."

Lahat nakikinig sa usapan kaya medyo naging tahimik ang paligid.

"Pero bakit parang ang sakit?" Medyo natawa naman ako dahil feel na feel niya ang sakit. "Is there something behind that song? Would you please tell us? Anong nangyari?"

"Hmm... Yeah, something bad happened." Natahimik ako. Hindi magawang sabihin kung anong nangyari.

"Papa James, we're here. Loyal kami sayo!"

Napangisi na lang ako't napapa-iling. Ang banda nakikinig lang at medyo natatawa rin.

Parang gusto kong ibigay na lang ang mic sa kanila, pero mukhang wala naman silang planong saluhin ako. Mga tukmol!

Personal na kasi ang katanungan. Hindi ko maiwasang mailang. Pero siguro ito na rin ang chance para masabi ko sa buong mundo na siya lang babaeng minamahal ko nang sobra.

"I wrote that song for her. Everything I wanted to say for her is all written in the lyrics..."

Nakikinig lang ang lahat habang tumutugtog ang background music ng kanta.

Humangin ng malakas kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Dinama ko lang ang tugtog. Unti-unting ipinikit ang mga mata. Bumalik na naman ang mga alaala magmula noong una at huli ko siyang nakita.

Nagmulat na ako. Ramdam kong nag-iinit ang mga nangingild na luha. At maya maya lang, isa-isa na rin itong nagsibagsakan. Hindi ko na napigilan kaya hinayaan ko na lang.

I don't care what others might think. Magmukha man akong tanga, basta ang alam ko... mahal na mahal ko siya.

"And I want her to know that... When the light disappears... When everything's unclear... When nobody hears her scream... And when this world's insincere..."

Itinapat ko ang kaliwang palad sa dibdib. Tumingin sa kawalan, remembering her innocent yet woeful face while saying the title of the song just like visualising and telling it to her.

"You'll be safe here."

Kahit gaano pa katagal, handa akong maghintay hanggang sa dumating ang araw na makasama kong muli siya.

At ipinapangako ko, hinding-hindi ko na siya bibitawan at pakakawalan pa.

Click the ☆ button...

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon