Chapter: 8

89 24 6
                                    

PAULA?

"CHEERS!"

Nakatambay ulit kami dito sa beer house malapit dito sa Marilao.

Simula noong mapunta kami sa lugar na ito doon na rin nagsimula ang lahat ng magagandang opportunities ng banda.

Kaya dito na kami lagi pumupunta kapag may celebration at yayaan. Minsan-minsan lang naman. Once a month siguro.

Medyo malayo man sa Quezon City kung saan kami nakatira ngayon ay hindi naging dahilan iyon, dahil itong lugar na ito ay naging importante na rin sa pagtatagumpay ng buong grupo.

"Ano na, James? It's been two years pero siya pa rin ba?" Lei suddenly asked.

I'm holding a glass with alcohol in it. I nodded and then drank it. Straight. Bottoms up.

"Tibay mo talaga." He tapped my shoulder.

"I love her. It will never change," I said.

"Pero hindi ka ba nangangamba?" I faced him seriously with a pucker between my brows. "No offense, bro, but think of it... What if she's already married to someone else? Or what if, hindi naman talaga siya babalik dahil wala naman talaga siyang babalikan?"

Natigil ako sa pagsasalin ng alak sa shot glass. Napaisip sa sinabi niya. He may be right, but I can't lose any single hope. I know nandiyan lang siya. Makikita ko ulit siya.

"Remember, there's nothing between you and her back then... Ayaw ka lang namin masaktan, dahil hanggang ngayon umaasa ka pa ring babalik siya."

I felt down after he said that, and suddenly heard a faint crack inside my chest. Totoo nga naman. Wala namang 'kami' noon at baka nalimutan na rin niya ako.

Pero heto pa rin ako umaasa na babalik siya. Ni hindi nga ako sigurado kung mahal niya rin ako, e.

But I can't give up... I don't want to give up... I know the string that connects between me and her is still sturdy and rigid, and it won't cut off that easily.

I have to believe and have faith, that someday, the string connected to us will make us come closer to each other.

Hindi ako susuko. Alam ko at ramdam kong hindi pa huli ang lahat.

Magkikita pa kami at magkakasama. Gagawa ng maraming magagandang memories at kakapit sa isa't-isa hanggang sa huling hininga.

Maya maya pa ay binaba ng isang waiter na babae ang isang case ng beer.

Bigla namang bumilis ang pagbayo ng dibdib ko. Napatitig na lang ako sa kaniya.

Nakaharang ang hanggang balikat niyang buhok sa mukha kaya hindi mo agad makikilala.

Nakayuko siya at isa-isang nilalagay ang bawat bote ng beer sa mesa.

Hanggang sa mapatingin siya sa akin. Natutop ang mga tingin namin sa isa't-isa hanggang sa makilala ko siya.

Napatayo ako sa gulat kaya agad akong tinignan ng mga kasama ko.

Wala silang kaide-ideya kung bakit, dahil hindi naman nila alam na si Paula ang nakikita ko ngayon. Hindi nila kilala ang babaeng minamahal ko.

Tumayo si Paula at nag-bow bago umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa isang pinto sa likod ng counter.

Nakakita ako ng pag-asa ngayon. I can't believe it. All these years, nandito lang pala siya!

Then, something emerged in my memory. Hindi lang pala ako namalikmata noong makita ko siya dito mismo; noong unang punta namin dito dahil sa pagkapanalo sa Battle of the Bands.

Totoo nga ang sinabi nung ale sa akin noon tungkol sa kaniya na sa isang bar siya nagtatrabaho.

Pero bakit kailangan niyang gawin 'to? Bakit sa bar pa?

Hindi ko maiwasang mainis dahil sa bali-balitang kumalat sa kaniya. Hindi siya bayarang babae. Marangal naman ang trabaho niya. Pero hindi ko mapigilan ang galit sa lahat ng taong umalipusta sa kaniya.

"Hey, bro, what happened?"

Nabaling ang tingin ko sa kanila. Nagtataka silang pabalik-balik na tumitingin sa akin pati na rin sa lugar kung saan pumunta si Paula.

"S-she's here. P-paula's here." My voice cracked a little. Sa dalawang taong paghihintay ko sa kaniya, nasa tabi lang pala siya.

Bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit ngayon lang?!

"T-that's her?" Rhys suddenly asked.

"S-she's Paula?" Dale asked, too.

"The dumb girl is—holy shit, bro! Why didn't you tell us that's her? Matagal na dito 'yan. Laging siya ang nagse-serve ng drinks dito. She's one of the waiters," Jude said.

"WHAT?! WHY DIDN'T YOU TELL ME?!"

"Cut it out, dude! You're the one who didn't told us," napipikong sagot ni Jude.

So lagi rin siyang nandidito para uminom? Bullshit! Bakit kasi hindi ko napansin?!

"Oh... I remember it. So, I was right then? The first time we drank here you asked for her name. Now I get it, Paula is her name and you're in love with the dumb—."

"Don't you dare finish your words, Lei!" I cursed.

He raised both of his hands as he surrendered. "Unconditional love definitely exists." They laughed.

Click the ☆ button...

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon