Nakakagod ang araw na to. Una, pagkatapos ng pageant, nilibre nga ako ni Renzon. Pero! Sa SM Megamall! Nagpunta kami sa arcade. Nilaro namin yung paborito naming slot. Yung kuhanan ng mga stuffed toys? Pag nakakuha ka kasi ng isang stuffed toy, may makukuha kang 5 tokens with 25 tickets. Bihasa kaming dalawa ni Renzon dito. Kasi since Highschool, nilalaro na namin to.
After 30 mins..
Naka-5 kaming stuffed toys.. pero yung nga tokens na natira, 3 nalang..125 naman yung tickets.
And ang dati naming gawi, ipamigay sa mga cute na bata yung mga stuffed toys na nakuha namin. Ganun na kami dati pa.
Pangalawa, mag DotA. May pustahan kasi galing sa kabilang university. Eh nagkatagpuan sa mall. So dun naglaban. Talo pa kami.
Haiist! Napahiga nalang ako sa kama sa sobrang pagod. Pinikit ko yung mata ko. Nang biglang nag ring yung Iphone ko.
From:Pareng Renzon
Uy..bukas hah??! B reddy..:))
Ano na naman? Anong kaylangan neto? Pinapagod na naman ako. Tsk. Makatulog na nga..
*dong ding*
"HOOOY! Kaaga Pa! Nang aabala ka na ng tao!" sigaw ko. Pano ba naman , 6:30 ng umaga ng sabado. may manggigising sa akin.
"Pare, samahan mo ako ngayon sa Presto Grill. "Sabi nung tao.
"RENZOOOON! Anokabanaman!!!" Sabi ko habang nakahiga pa.
"Sige na please?" Sabi niya.
Tumayo ako, nagtreasure hunting, naghilamos, and binuksan ang pinto.
"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko.
"Di mo ba natatandaan?" Sabi niya
"Ano??" Sabi ko
"Lalabas kami ni Zynar!" Sabi niya
"Kayong dalawa lang diba? Di kasi ako kasama." Sabi ko
"Eh kaylangan ko ng gabay." Sabi niya
"Dami mong alam.. oh sige. Upo ka muna. Liligo muna ako ah?" Sabi ko.
"Geh.. tik-yur-taym pare" sabi niya
Pumasok na ako sa CR. Habang siya, naghahanap muna ng DVD para panuorin.
After 30 mins..
"Oh? Antagal mo ah? Anong ginawa mo?" Tanong niya
"Ikaw talaga. Naligo syempre!" Sabi ko.
"Tara na!" Sabi niya.
Lumabas na kami ng condo. Dala pala niya yung Ford niya. And nagbyahe na kami. Habang nasa daan, pinatugtog namin yung Baby Blue Eyes-The Rocket to the moon. Paborito namin yun ni Renzon.
"Pare, kinakabahan ako." Sabi ni Renzon.
"Bakit naman? Lalabas lang kayo. " sabi ko
"Eh baka kung ano ang sabihin niya eh. " sabi niya
"Bakit ba? Mahal mo na ba siya.?" Tanong ko
"Oo ata pare " sabi niya
"Naku. Hirap niyan. Pero ang tanging solusyon lang dyan, huwag kang magpakatorpe. Wag mong isipin yung sasabihin niya. Basta ipakita mo sa kanyang mahal mo siya." Sabi ko
"Eh hindi ko pa naman siya liligawan eh." Sabi niya
"Kaylan pa? Pag naging totoo na mga panaginip mo? " sabi ko
"Basta pare." Sabi niya
Kumanta nalang ako. Masyadong complicated ang situation ngayon ni Bespren. Natotorpe siya kay Zynar eh lalabas palang sila! Tsaka first time nilang lumabas ngayon. Ano to? Love at first date? Alanganin si Renzon dito.
Nakarating na kami ngayon sa Presto Grill. Excited na bumaba si Renzon. Ako naman, sumunod nalang.
"Hello! Sorry medyo late ako. Gusto kasing sumama ni Jerome eh. Eh di ako makatanggi." Sabi niya. Ano daw?! At ako pa ang gustong sumama? Eh samantalang ayokong gumising kanina. Nakakainis talaga.
"Pare, dun muna ako." Sabay turo sa pinagbibilhan ng mga softdrinks
"Jerome, join ka nalang sa amin. " sabi ni Zynar
"Naku. Nakakahiya naman sa inyo. Date niyo to eh." Sabi ko.
"Haha don't worry. Date nating tatlo." Sabi niya
"Eh? Basta dun nalang ako. Coconect nalang naman ako ng WiFi eh. Sige" sabay alis ko.
Nakaupo ako habang kumakain at nag susurf ng internet. Tingnan ko sila, mukhang komportable na talaga sa isa't isa. Nagtatawanan na nga. Naka-move on na talaga si Zynar. Kasi diba nabanggit niya na ang love ang sobrang nanakit sa kanya? Siguro, handa ng umibig muli si Zynar. Kung kay Renzon man, walang imposible. Gwapo nga naman si Renzon. May pagka chinito din. Maputi.
Nakita ko. Binigay ni Zynar yung contact number niya kay Renzon.
What da F! Ang sweet nila. Pero bakit ang pinagtataka ko, unang araw palang nilang magkasama ngayon! And kahapon lang sila nagkakilala. Nakakapagduda.
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Die[ON GOING]
Teen FictionAng hirap. Oo ang hirap magmahal. Love needs sacrifice ika nga. Pero wala, ikaw pa rin ang lumalabas na tanga. Minsan, nagmuka ka pa ngang siopao. Laging ASAdo. Ano ba talaga ang purpose ng love sa buhay ko? Papatayin ba ako neto o Papaasahin lang?