"You were having a baby! Congrats Mr. Quiambao!" Sabi nung physician.
Pagkasabing pagkasabi ng doctor yun, natulala ako. Di ako alam kung anong gagawin ko. Napaupo nalang ako. Wala ni isang salita ang umiikot sa mundo ko. Dahil minsan palang akong nagmahal, at ikaw yun Loise.
"May problema ba? " tanong nung physician.
"Doc, may sasabihin..may sasabihin ako sa inyo.." sabi ko
"Ano yun hijo?" Sabi niya
"Hindi..hindi ko .."sabi ko. Hindi ko matuloy dahil nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.
"Sige hijo, ilabas mo lang. Bakit anong hindi mo?" Tanong niya.
"Hindi..hindi ko kayang alagaan ang girlfriend ko doc..hindi ko kayang panindigan yung batang hindi naman sa akin.." sabi ko. Sabay napahagulgol ako. "Hindi ko mahawakan ang batang iluluwal niya dahil hindi naman sa akin yun." Dagdag ko pa
"So ibig sabihin, walang nangyare sa inyo?" Tanong nung doctor. Tumango nalang ako. Dahil di ko na makayanan.
"Alam mo, isa ka din pala sa mga nalokong lalaki eh. Ganyan ang sitwasyon ko nung college student palang ako. Pang 3 ko nang girlfriend yung babaeng yun. Nagtagal kami ng 3 years. At sa loob ng 3 years na yun, di ko alam na niloloko na niya ako. Binigyan ko siya ng Cellphone, nililibre ko siya ng pamasahe lagi at higit sa lahat, ako ang laging humahabol sa kanya kahit kami na. Mantakin mo? 3years niya akong niloko. Tapos, nalaman ko na ngang engage na siya sa ibang bansa. At iniwan niya ako. Alam mo ba, hindi niya ako kayang ipaglaban sa mga magulang niya. " sabi niya. Parehas din pala kami ng sitwasyon. Pero yung sa kanya, 3 years. Ako 3 months.
"Oo nung una masakit. Syempre nakakadepress. Pero sinabi ko sa sarili ko na, Ako na nga yung naloko, ako pa yung susuko? Kaya agad akong nagpatuloy ng pag aaral ko. Kinalimutan ko ang love love na yan. " sabi niya.
Wala pa din ako sa sarili ko habang nakikinig ng kwento niya.
"Kaya ikaw hijo, mag move on ka na. Dahil ikaw din ang masasaktan pag pinagpatuloy mo pa yan. O sige. Bye." sabi niya. Agad namang akong tumango.
Pumasok ako sa ER, at nakita ko si Loise. Di ko mapigilang umiyak.Tinabihan ko siya. Hinintay ko siyang magising.
"Jerome.." sabi niya.
"Oh? Kamusta ka na? Okay lang ba kayo?" Sabi ko.
"Sinong kasama ko? Eh ako lang naman" sabi niya.
"Diba kasama mo yung bata? "Sabi ko
"Paano mo nalaman? Tsa--" hindi ko na siya pinatapos.
"Niloko mo ako. Hindi mo sinabi sa akin na buntis ka na pala. At alam ko na hindi ako ang ama. " sabi ko. Lumuluha na naman ako
"Hindi ko kagustuhan na malaman mo ito. Malandi ako eh! Anong magagawa mo. Tsaka simula't sapul palang, mahal ko na si Warren, ang tatay ng bata. Sorry jerome pero wala talaga. This relationship is so boring. Kaylangan ng sex." Sabi niya. Napaluha ako ng mas grabe pa.
"We're over Loise. Kung sex lang ang habol mo, you can't deserve me anymore. Hindi ako ganong lalaki para pumatol agad sa mga babae. I Love you but the way you treat me? I was so hurt. Di ko man kayang iwanan ka, pero kaylangan ko din tong tapusin. Ako din ang kawawa. Alam mo ba yun?" Sabi ko.
"Then, okay. Get out and forget me. Although, before I got pregnant, kinalimutan na kita. Wala na akong kakilalang JEROME QUIAMBAO." Sabi niya. Nagtalukbong na siya ng kumot. At wala na talagang pakialam si Loise sa nangyayare.
Tumayo na ako habang mugto ang mata. Nakayuko, di ko alam ang pinupuntahan ko, di ko alam kung ano na ang mangyayare sa akin, at wala na talaga akong alam.
HINDI KO NA KAYA..
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Die[ON GOING]
Teen FictionAng hirap. Oo ang hirap magmahal. Love needs sacrifice ika nga. Pero wala, ikaw pa rin ang lumalabas na tanga. Minsan, nagmuka ka pa ngang siopao. Laging ASAdo. Ano ba talaga ang purpose ng love sa buhay ko? Papatayin ba ako neto o Papaasahin lang?