C-5

3 0 0
                                    

Jerome's POV

Bukas na yung anniversary nila Renzon. Ano kaya ang plano niya? Isusurprise kaya niya?

"Hoy! Tulala ka dyan." Sabi ni Karen, kaklase kong epal.

"Wag ka nga dyan." Sabi ko

"Ang suplado mo naman. " sabi niya

Wala na akong binanat. Wala lang siyang magawa sa buhay.

"Balita ko ngayon daw dadating yung bagong transferee. I'm so excited to meet her!" Sabi niya. Ibig sabihin, babae.

"Oh ano ngayon? " sabi niya

"I want her to be a member of my best friends list. I'm so excited na talaga." Sabi niya. Huh? Kaylan siya nagkaroon ng bestfriends? Eh lahat ng kaibigan siya, nilalayuan siya. Naku Karen, mahirap mag assume ha?

"Oh ayan na ata siya! " agad siyang napalakad papunta dun sa bagong transferee.

Kasama ng adviser and also si Dean, sinamahan yung bagong transferee. Oo maganda siya.

Di ko nalang namalayan na kusang lumalapit at naglalakad yung paa ko papalapit sa babaeng yun.

"Oh! Mr. Quiambao, here's Loise Laine Tecson. Your new classmate. " sabi nung adviser namin.

"Hi. Nice to meet you!" Sabi niya sabay abot yung kamay niya.

"Nice to meet you too. " sabi ko.

"You will sit beside him Ms. Tecson" sabi ni Adviser

"..ahh..okay.?" Sabi ko

Ayun. Nagkwentuhan din kami kahit konti. Maganda siya. Pero parang ..Ano siya..yung.. basta. Mahirap manghusga.

~Kinabukasan..

Renzon's POV

Nag alarm ako ng 12 am. Syempre para batiin si Zynar.

Calling..Zynar<3

Hello?

Oh..bakit?

Wala ka bang naaalala?

Sabihin mo na kasi!

*nainis ko ata siya?*

Happy Anniversary!

Hmm. Happy Anniversary too. Iloveyou.

Iloveyou to--*toot*

Ha? Anong problema nun? Anniversary pa naman namin! Nagdududa na ako sa kanya.

*kriiinng!!*

Bad morning to me. Tsk tsk. Magtapat ka nga sa akin, Zynar. Sino yung sinasabi nila na kasama mo sa SM Megamall?

Sa totoo lang, parang buhat ko ang mundo. Hindi pa kami break nito! Pero nasasaktan na talaga ako. Niloloko na ba niya ako? Mission Today!: Itanong kay Zynar kung sino yung lalaking kasama niya.

Nag commute nalang ako papunta sa University. Medyo nababadtrip talaga ako. Agad akong pumunta sa First Unit room ko. At sa di inaasahang pangyayari, nagkasalubong kami.

"Hello. I Love You.." sabi ko

"Hi. I Love you too." Sabi niya then tumuloy na sa upuan niya.

Agad ko naman siyang tinabihan.

"Bakit? Anong problema?" Tanung niya.

"May gusto lang sana akong itanung sayo." Sabi ko

"What is that?" tanung niya.

"Nabalitaan ko, may kasama ka daw sa Mall na lalaki. Sino ba yun?" Tanong ko

"Oh, yan ang problema sa inyong mga lalaki eh! Porke may kasama na, ibig sabihin, malandi na? May kalaguyo ng iba? No way! " pasigaw na sagot niya.

"Wala akong sinasabing ganun, Zynar. Ang gusto ko lang, makilala yung lalaking kasama mo." Sabi ko

"And ano namang karapatan mo?" Sabi niya. 0_o

"Zynar, BOYFRIEND mo ako. Kaylangan ko ding malaman kung sino yung mga kinakasama mo. " sabi ko.

"So ibig sabihin, pag boyfriend na, kaylangan ng isuko ang lahat para sa kanya? FYI, yan ang pinaka ayoko sa lahat. Yung ibibigay lahat para sa mahal mo. That's so annoying!" Sabi niya.

"Zynar, iniiba mo ang usapan. Gusto ko lang makilala kung sino yung kasama mo!" Sabi ko. Halos magsitinginan na yung ibang students dito sa room. Napasigaw na kasi ako.

"Gusto mo makilala? Kapag sinabi ko sayong..

ITUTULOY..

Dumb Ways To Die[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon