Jerome's POV
Ang saya saya nung araw na naging kami ni Loise. Dahil sa isang Kiss, naging kami. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan niya sa akin. Hindi naman ako gaanong kagwapuhan. Anyway, nagkukwentuhan kami. Masayang kulitan. Pero biglang..
*krrriinng!*
Si pareng Renzon, tumawag.
"Hello pare?" Sabi ko.
"Punta ako sa condo mo. Inom tayo." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya yung iphone niya.
Anong problema niya? May nangyare kaya? Ganun yun. Basta pag nag ayang uminom, kaylangang may pagusapan kasi may problema. Naku Renzon, kilalang kilala na kita.
Nagpaalam ako kay Loise para puntahan ang kaibigan ko. Nag commute at pumasok sa condo. Agad kong nadatnan si Renzo, naka-3 bote na siya ng Pulang Kabayo.
"Di mo ako hinintay. Bakit anong problema?" Tanong ko.
"Naging masama ba akong kaibigan sayo?" Sabi niya
"Huh? Hindi ah. San mo naman napulot ang chismis na yan?" Sabi ko
"Kay Zynar.." sabi niya.
"Bakit? Anong ginawa sayo ng Girlfriend mo?"
"Ex Girlfriend pare.." sabi niya.
Ano? Anniversary pa naman nila! Bakit ganun? Ganun na ba mga babae ngayon? Paasa? Sana di naman ganun. Yung iba lang.
"Hah.!? Break na kayo? Bakit?" Tanong ko.
"Dahil sa isang tanong.." sabi niya. At umupo na ako kaharap niya. Then nagbukas ng 1 bote.
"Anong tanong? At bakit yun lang?" Balik na tanong ko.
"Tinatanong ko lang sa kanya kung sino yung kasama niya sa mall. Tapos ang mga sinasabi na niya, mga wala na sa pinaguusapan. Iniiba na yung sitwasyon kanina. Nakakabwiset na nakakasakit. Bakit ganun ang lahat na ba ng babae, manloloko? " sabi niya.
"Hayaan mo na yun pare. At least nalaman mo na habang maaga." Sabi ko at sabay tungga.
"Hindi eh! Masyado akong nagpakatanga. Di ko inisip na pwede siyang makahanap ng ibang lalaking mas gusto niya. Masyado siyang malandi! " sabi niya. Nakita kong tumulo na ang mga luha niya. Nasaktan talaga tong pare ko kahit may experience na.
"Hindi ka tanga pare. Tandaan mo, ang love ay parang isang malaking Quiapo. Pwede at pwede kang maagawan dyan. Tsaka siya din ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon. Alam mo ba yun? Nagkaroon siya ng Boyfriend na respetado. Yung mas masarap mahalin dahil ikaw yung lalaking sincere sa babae pag minamahal mo! Pero pinalitan ka lang!" Sabi ko. Minomotivate ko lang siyang mag move on.
"Mahal ko siya pare. Hindi k--"hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Oo mahal mo nga. Pero naramdaman ba niya na mahal mo siya? Hindi dahil simulat sapul, sa isang taong pagsasama niyo, hindi ko kayo nakitang nagsabihan ng I love you na galing sa puso. Hindi ko kayo nakitang nagkulitan ni minsan. Alam mo ba yun? Nagbulagbulagan kA pare para lang makuha yung Beauty Queen na yun! Alam mo ba na mahigit 1 bilyon ang babae sa mundo! Hindi lang siya! " sabi ko.
Di ko namalayan na naka 5 na siya at ako naman ay naka 2 na. Tapos humahagugol na siya. Iba to! Best actor!
"Pero gusto ko lang sabihin sayo to. Sana sa bawat babaeng makilala mo, tignan mo yung puso. Pakiramdaman mo. Para di ka maging tanga katulad ko. Hula ko, may GF ka na ngayon?" Sabi niya.
"Oo, panu mo nalaman?" Tanong ko
"Wala lang. Tandaan mo, ang tunay na pagmamahal ,yung paghihirapan mo. Hindi yung pa easy easy. " sabi niya.
"Mabait si Loise. Mahal niya ako." Sabi ko.
"Oo. Pero mag ingat ka din. " sabi niya.
Agad akong napaisip sa sinabi niya. Pero imposibleng mangyare sa akin yun. Mahal ako ni Loise. Nagmamahalan kami. Bakit kaylangan kong mag ingat? Baka makagat ng aso? Baka nga.
"Parehh..kayahh moh pah bah?" Sabi ni Renzon sa akin. Lasing na siya.
"Oo parehh. Kungh gustoh moh, ditoh kah nah matuloghh.." sabi ko
"Sigeh pareh.." sabi niya.
"Salamathh pala. " sabi ulet niya.
"Parah saan?" Sabi ko
"Sah pagdamay moh. " sabi niya.
"Pare tayoh eh.." sabi niya..
Sininop na namin ang pinaginuman at nahiga sa kama. Lasing na lasing kami. Naka isang Case kami.
San bukas ,ayos na tong kaibigan ko. At sana, di mangyare sa akin ang nangyare sa kanya. *knock on the wood*.
^_^
BINABASA MO ANG
Dumb Ways To Die[ON GOING]
Novela JuvenilAng hirap. Oo ang hirap magmahal. Love needs sacrifice ika nga. Pero wala, ikaw pa rin ang lumalabas na tanga. Minsan, nagmuka ka pa ngang siopao. Laging ASAdo. Ano ba talaga ang purpose ng love sa buhay ko? Papatayin ba ako neto o Papaasahin lang?