Third Person's POV
ATLANTIS
"Kamahalan"
Napatingin ang lahat sa isang bagong dating na sireno— Si Silvero, ang prinsipe at sunod sa trono bilang hari nang Atlas.
"Ano ang iyong pakay sa aking kaharian, Prinsipe Silvero?" ani ni Hari Reveno— hari nang Atlantis "Alam mong ayaw ko sayo para sa aking nag-iisang prinsesa"
Lihim na napakuyom ang prinsipe sa hari mang Atlantis— he was pursuing to have the king's only daughter to be his Queen— pero mariing tumatangi lagi ang hari sa kanyang desisyon, ayaw nang hari na mahaluan nang dugong mangkukulam ang kanyang unica iha sapagka't hindi yun nakakabuti sa kaniyang kaharian lalo pa at ang ama nito ay naging kaaway nang kanilang kaharian dahilan para magkaroon nang matinding digmaan noon sa pagitan nang dalawang kaharian.
"Kamahalan, bakit ba ayaw niyo sa akin?" mariing tanong nito sa hari "Hindi ako katulad nang aking ama, pina pangako ko iyan— mahal ko si prinsesa Edotheia, ang inyong anak, sana'y pahintulutan niyo ko sa aking desisyong ligawan siya't mahalin"
Pagak na tumawa ang hari sa kanya.
"Umalis ka na sa aking palasyo, Silvero" asik nang hari sa kanya "Kapag hindi ka pa umalis ay ipapakaladkad kita mismo sa aking mga tauhang syokoy"
Hindi na napigilan pa ni Silvero ang emosyon at sinamaan nang tingin ang hari nang Atlantis.
"Napakahirap niyong suyuin— tatlong taon ko na itong ginagawa pero ito kayo, binabastos ako"
Tumawa nang mapanguyaw ang hari sa kanya.
"Hindi ako pinanganak kahapon para ibigay sayo ang kaisa isang prinsesa ko" ani nang hari "Masyado siyang perpekto para mapasayo— alam ko ang plano niyong mga taga-Atlas, nais niyong makipagsanib sa amin sa pamamagitan nang pagpapakasal mo sa aking prinsesa at kapag kasal na kayo— kukunin mo ang sibat ko bilang hari upang masakop ang aming pinakamamahal na kaharian. Hindi niyo ko maiisahan. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang masama mong plano"
"Mali kayo nang iniisip!" sagot ni Prinsipe Silvero "Hindi namin naisip yan! Mahal ko si Edotheia! Alin ba ron ang hindi niyo maintindihan, kamahalan?!"
Nainis ang hari sa pagbubulyaw sa kanya ni Prinsipe Silvero kaya agad siyang tumingin sa mga syokoy sa nagbabantay sa paligid at tumango— tumango naman sila pabalik sa hari at agad kinaladkad palangoy sa labas nang Atlantis ang nanggagalaiting prinsipe nang Atlas.
"Pinapangako ko sa araw na ito kamahalan ang pagpapahiya mo sa akin— kukunin ko si Prinsesa Edotheia at mamumuno ako sa Atlantis! Isinusumpa ko"
"Prinsipe Silvero"
Napatingin siya sa gilid niya at dun ang kumpol kumpol nang mga sirenong mandirigma— ngumisi siya at lumapit sa mga ito, alam niyang tatanggihan na naman siya nang hari nang Atlantis kaya hinanda niya na ang hukbo nang kaharian nang Atlas para sa pagsugod.
Alam niyang hindi magiging handa ang lahat nang mga mandirigma nang Atlantis at tanging sa sibat lamang nang hari lamang sila halos umasa dahil napaka makapangyarihan nito— gumawa nang paraan ang prinsipe, pumunta siya sa pinunong mangkukulam na kalahating tao at pusit na si Oring— ibinenta niya ang buhay nang kanyang sariling amang hari kapalit nang kapangyarihang panlilinlang— dito maaari siyang makapag-palit anyo gamit iyon para sa plano niyang pagpatay sa hari nang Atlantis.
BINABASA MO ANG
MERMAID FOR EACH OTHER (SLOW UPDATE)
FantasySi Prinsesa Edotheia ay nag-iisang anak na babae nang hari nang Atlantis at namumukod tangi ang kagandahan at kapangyarihan sa lahat, kaya naman marami nilalang nang dagat ang nahuhumaling sa kanya, isa na rito si Silvero- prinsipe nang kahariang At...