Third Person's POV
"Kung ganun prinsesa ka talaga— as in prinsesa nang mga sirena?"
Nakatungong tumango si Edotheia sa itinanong sa kanya ni Michelle. Nasa sala sila ngayon at ini-interbyu ang kanilang bisita.
"Oo" sagot niya dito "Nakatira ako sa gitna at ikalaliman nang karagatan. Sa kaharian nang Atlantis"
Nagitla siya nang sabay sabay na nagsinghapan ang magkakaibigan.
"Shit! Alantis?" nanlalaking matang tanong sa kanya ni Jayce "Prinsesa ka sa Atlantis?"
"O-Oo"
Napanganga na lamang sila dahil dun— Hindi nila akalain na ang maalamat na kaharian nang Atlantis ay totoo pala. Tama ang mga eksperto, totoo ang nawawalang kaharian nang Atlantis.
"Bakit ka pala napadpad dito sa isla?" tanong naman ni Michelle "Sightseeing?"
Napakunot noo si Edotheia sa huling itinanong sa kanya nang dalaga. Wala siyang naunawaan sa huli nitong sinabi.
"Paumanhin. Maaari mo bang ulitin ang iyong sinaad?" pakiusap niya sa dalaga "Hindi ko kasi maunawaan ang huli mong sinabi"
"Sorry" anito kay Edotheia
"Nagtatanong lang ako kung ano ginagawa mo dito sa isla"
Tumungo naman si Edotheia dahil dun.
"Paumahin sa inyong lahat kung ako ay nakaabala sa inyo, mga taga lupa— ang totoo kasi niyan ay ipinadala ako nang dalawa kong kapatid dito sa mundo nang taga lupa para itago kasama ang sibat nang aming yumaong ama"
Napatingin siya sa magkakaibigan at biglang tumangis na ikinabahala nang mga ito.
"Ate Edotheia" Ani ni Curie na nilapitan siya para yakapin "Wag ka na umiyak"
Gumanti naman siya nang yakap sa bata at muling nagpatuloy sa kanyang kinekwento.
"— Si Prinsipe Silvero nang kaharian nang Atlas na mortal na kaaway nang aming palasyo ay sumugod ay pinatay si ama— Ani nila Kuya na ninais daw akong kunin nang prinsipe pati na ang sibat kaya gayon na lamang ang desperasyon nang aking mga nakakatandang kapatid para ipadala dito. Labag man sa aking prinsipyo lalo na at nasakop na ang Atlantis ay wala na kong magawa nang makarating ako dito."
Muli siyang tumungo at umiyak— at sa pagkakataong iyon ay lumapit naman sa kanya sila Michelle at Moyi para akapin siya gaya ni Curie para matahanin.
Nang mailabas na niya lahat nang problema niya ay ngumiti siya sa mga ito ay nagpasalamat.
"Ano nang plano mo, sirena?" seryosong sabi sa kanya ni Devron "Sa kwento mo mukhang balak mo pa kami idamay sa problema mo"
Napatungo si Edotheia sa sinabi nang binata kasabay nun ang pagsama nang tingin nang lahat kay Devron na ikinataas pa nang isang kilay nito.
"Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Nagtanong ka pa" masungit na sabi sa kanya ni Michelle "Alam mo naman kung bakit"
"Oo nga" gantong naman ni Curie "Bad ka, Kuya Devron."
"Guys, I'm just concern. Hindi naman natin siya kilala. Malay ba natin kung sumpain tayo niyan o kung ano pa"
Napailing na lamang ang lahat sa kanya at muling bumalik ang atensyon sa nakayukong si Edotheia.
"Wag mo na lang pansinin tong kaibigan namin, Edotheia" nakangiting saad ni Liam "Sadyang ganyan lang talaga ang ugali niyan"
"Oo nga." Gantong naman ni Devian "Pinaglihi kasi ni Mama yan sa sama nang loob"
BINABASA MO ANG
MERMAID FOR EACH OTHER (SLOW UPDATE)
FantasíaSi Prinsesa Edotheia ay nag-iisang anak na babae nang hari nang Atlantis at namumukod tangi ang kagandahan at kapangyarihan sa lahat, kaya naman marami nilalang nang dagat ang nahuhumaling sa kanya, isa na rito si Silvero- prinsipe nang kahariang At...