Third Person's POV
"Kuya Rilon— ayos ka lamang ba?" Nagaalalang tanong nang prinsipe Dorrel sa kanyang nakakatandang kapatid "Hindi ba masakit ang iyong mga sugat?"
Kahit masakit at masama na ang pakiramdam ni Prinsipe Rilon ay pinili pa rin nitong magsinungalin sa kapatid na ayos pa rin siya sapagka't ayaw niya itong mag-alala sa kanyang kalagayan.
He can't take seeing his younger brother prince to see him at this state. Aanhin niya ang awa? All he need was not mercy but brave sentimentals.
"Ayos lamang ako, Dorrel" aniya sa kapatid "Ang mabuti pa'y ang sarili mo ang iyong asikasuhin. Malalalim ang iyong mga natamong sugat aking kapatid"
Bumuntong hininga si Dorrel at umiling.
"Ayos lamang ako kuya Rilon, nasaktan man ako'y hindi naman malala hindi gaya nang iyong tinamo" sagot nito "Pakiusap aking kapatid, kung nasasaktan ka na at nais mong lamang maging matapang sa aking paningin ay tigilan mo na sapagka't alam ko ang iyong kalagayan. Higit kanino man ay kailangan mo nang magamot, hindi biro ang iyong natamong parusa sa prinsipe nang Atlas"
Mariing tumango lamang sa kanya si Prinsipe Rilon bilang tugon.
"Wala akong pakealam sa aking mga natamong sugat at pasa galing sa pagpapahirap nang prinsipe nang Atlas" anito na umigting pa ang panga sa galit "Hindi ako takot sa kanya. Kaya wala lamang ang mga ito, ang mahalaga sa akin ang kaligtasan mo, ni Edotheia at nang sibat nang ating yumaong amang hari"
Tumungo naman si Prinsipe Dorrel nang dahil dun.
"— Alam kong hindi pa ganap na pinuno nang Atlantis si Prinsipe Silvero sapagka't hindi pa siya nabibiyayaan nang kapangyarihan nang sibat. Kaya wala siyang magagawa sa atin."
Humarap si Prinsipe Dorrel sa kanya nang may napagtanto.
"Kuya hindi niya ba tayo papatayin?"
Tumango ang prinsipe Rilon sa kanya bilang tugon— He was indeed smirking at that thought.
"Tama ka— dahil kahit nasakop niya na ang Atlantis ay hindi pa rin siya ang hari ng kahariang ito"
Prince Dorrel's eyes glow in happiness. So that's why Prince Silvero always been punished them. He wanted the king's triton to rule their whole Atlantis.
But the hell would they gave that— hindi magiging maganda ang takbo nang kanilang kaharian kapag napasa kamay ito nang isang hindi mapagkakatiwalaang kamay.
"Pero kuya totoo ba talagang mahal nang prinsipe nang taga Atlas ang ating prinsesa Edotheia?"
Dahan dahang tumango sa kanya si Prinsipe Rilon bilang tugon, agad siyang napapikit sa inis.
"— Bata pa lamang ang ating prinsesa ay nais na siyang mapangasawa nang prinsipe nang taga Atlas. Hindi pumayag ang ating ama hindi dahil kaaway nang ating kaharian ang kanilang kaharian sa kadahilanan ay sugo nang masamang diyosang si Heberya ang prinsipeng iyon."
Nanlaki ang mga mata ni Prinsipe Dorrel sa kanyang nalaman. He didn't seem to believe that prince Silvero was the curse of that goddess of witchcraft and sorcery.
"Siya ang nakasaad sa propesiya?"
Nanghihinang tumango si prinsipe Rilon sa kanya.
BINABASA MO ANG
MERMAID FOR EACH OTHER (SLOW UPDATE)
FantasySi Prinsesa Edotheia ay nag-iisang anak na babae nang hari nang Atlantis at namumukod tangi ang kagandahan at kapangyarihan sa lahat, kaya naman marami nilalang nang dagat ang nahuhumaling sa kanya, isa na rito si Silvero- prinsipe nang kahariang At...