Kabanata 18: Roadtrip

124 7 4
                                    

Princess Edotheia's POV

Nagising na lamang ako na maganda ang aking pakiramdam— wala na ang sakit sa aking ulo.

Sa susunod hindi na muli ako iinom nang inumin gaya nang ibinigay nang estranghero na nagngangalang Black. Hindi ko kasi aakalain na ganun ang magiging epekto.

Napailing na lamang ako at akmang tatayo nang makita ko si Devron na nakasimangot— meron pa siyang hawak na garapon at may takip na butas butas at sa loob nun ay—

"Sevastil?!"

Ngumiti siya sa akin bilang tugon.

"Kamusta mahal na prinsesa Edotheia"

Yumukod pa siya sa akin bilang paggalang. Napangiti na lamang ako sa tuwa.

"Sevastil, ikaw nga!"

"Nagkakaintindihan nga kayo" masungit na sabi ni Devron sabay abot sa akin nang garapon laman ay si Sevastil— nakakatuwang makita siya diyan na lumalangoy "Kunin mo na at magbihis ka nun"

Itinuro pa niya ang damit na nakasabit sa gilid nang kabinet. Ngumiti lamang ako sa kanya at sunod sunod na tumango.

"Oh sige Devron— tutugunan ko ang iyong inutos" sagot ko dito "Matanong ko nga pala, paano kayo nagkakilala ni Sevastil?"

Kumunot ang noo niya sa itinanong ko.

"Kasama nang hipon na yan yung kaibigan mong si Lilassari— oo nga pala umalis na ang sirenang yun at iniwan yang kakaibang hipon na yan at sabi niya iabot ko daw sayo"

Nabahala naman ako dahil dun.

"Ano? Bakit siya umalis?"

"Sabi niya kailangan niyang bumalik sa karagatan, prinsesa Edotheia" singit ni Sevastil "Pinababalik kasi siya don nang mga prinsipe bilang tulong sa mga nasalbang mga sireno, syokoy at sirena. Naiwan ako bilang iyong gabay"

"Sabi nang kaibigan mo, pinababalik na daw siya sa inyo" ani naman ni Devron "At bantayan ka daw namin baka magpasaway ka"

Humagikgik sa tawa si Sevastil nang marinig yun kaya napanguso na lamang ako.

"Hindi naman ako pasaway"

"Yeah right" aniya na hindi ko naintindihan "Pagkalabas ko magbihis ka na ah— aalis na tayo nang isla at luluwas pa Maynila"

Napakunoot noo naman ako dahil dun.

"Aalis tayo?"

Inikot niya ang kanyang mga mata sa inis.

"Oo mahal na prinsesa"

Napagat ako nang ibabang labi dahil dun.

"Ngunit bakit?"

Naging mariin naman ang kanyang pagtitig sa akin.

"Delikado na kasi dito"

"Tama siya prinsesa" pag sang ayon naman ni Sevastil "Magandang sumama ka na"

"Ang sabi ni Lilassari parang nakakatunog na daw ang baliw na prinsipe may gusto sayo— kaya nagpag isip isip naming lahat na tapusin na ang bakasyon na to at sumama ka sa amin pa Maynila. Dun ka titira kasama ko sa condo"

Nangiwi na lamang ako dahil dun.

"Hindi ko maunawaan"

Inis siyang napasabunot sa sariling buhok kaya muli akong nangiwi.

"Basta magbihis ka na lang diyan— ay maligo ka na pala, konting wisik. Alam mo namang pano maligo di ba?"

Tumango ako.

MERMAID FOR EACH OTHER (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon