"Huh? No." sagot ni Shaira.
Nginitian ko sila parehas sabay labas ng cellphone.
"Can I take a picture with both of you?"
"yah. Sure" sagot ni Nathan.
Pagkatapos kong makakuha ng picture sa kanilang dalawa pinuntahan ko na agad sila mama.
Ggrrr. Buo na araw kooo!!
"Woah" nanlalaking matang singhal ko.
"kuya, malaki ba talaga sinahod mo?" sabay kurot ko sa stake na nasa table.
"Hhhmm.. Masarap." pag pupuri ko pa sa stake na tinikman ko.
Kinabukasan
"Mama maganda ba?" tanong ko habang iniikot ikot pa yung dress ko.
"kakawawain ka lang naman ng artista don. Mag papaganda kapa." pang iinis ni mama sakin.
"Nag P.A. ako para madiscover. Ang ganda ganda ko oh. Malay mo matuwa sakin si direk, gawin akong Actress."
Binatukan naman ako ni mama.
"Mag nurse ka sa susunod na buwan. Wag mong sayangin pinang aral ko sayo." panenermon nanaman ni mama.
"tss" sabay kuha ko ng bag ko.
"una nako." pag papaalam ko kay mama.
Pag dating ko sa may Venue na sinend sakin nung manager na nakausap ko.
OMG!!! Nico? Bryan?
andaming artist!!!
Bago ako mag pakasaya, hahanapin ko muna yung artist na nakatoka sakin. Excited nako.
"uhm. Hello? Ako yung bagong P.A. saan po yung Artist na nakatoka sakin?" tanong ko sa isang staff na nag aayos ng mga gamit sa may tent.
"ah ikaw? Kanina kapa hinahanap ni Ms. Shaira, andun siya." sabay turo niya kay Shaira na nakaschool uniform para sa shooting na ginagawa nila. Kitang kita sa muka niya na iritang irita siya.
"thankyou."
Lumapit naman agad ako kay Shaira.
"Ikaw?" galit na bungad sakin nung Manager na nasa tabi niya.
"Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Ms. Shaira? Hindi pwede dito yung palate late." galit na dugtong niya.
"It's okay. She's my Friend before." na naging dahilan para matawa ako saglit.
"F-Friend?"
"Nakalimutan mo na agad ako?" sabay ngiti ng nakakaloko.
"nakakaawa ka naman." dugtong niya na naging dahilan para mapakagat ako ng labi ko.
Hindi ka parin nag babago Shaira. Tulad ka parin ng dati. Tss
"Ano pang tinatayo mo diyan?" Galit na sabi nung manager niya.
"Sorry pero hindi ko kaya maging P.A. niya." sabi ko sa manager pero ang mata ko ay nakatingin lang kay Shaira.
"Ano kamo? Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana----"
"Hayaan mo siya." sabay tingin niya sakin mula ulo hanggang paa.
"walang taong kayang tumiis ng ugali niya. Ganyan niya kataas tignan yung sarili niya." sarcastic na sabi niya habang mataray na nakatingin sa mga mata ko.
Sa ugali ko? O baka sa ugali mo?
"Ano ba? Diba sabi ko sayo wag mong hahawakan yung mga gamit ko?? Wala ka talagang kwenta!! Nag iinit dugo ko sayo." napatingin kaming lahat sa pinanggalingan ng sigaw.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (On-going)
RomanceEverlasting Love? Totoo ba yun? O sadyang iniisip lang natin na everlasting yung pag mamahal natin sa isang tao? Ano ba talaga ibig sabihin nun? Everlasting? Hindi natatapos? ............ Napaupo ako sa may kama kung saan hinihiga yung mga patay. "...