*tut-tut-tut-tut-tut-tut*
Rinig kong tunog na binubuksan yung passcode ng pintuan.
Nagulat naman ako nung tumama yung nilagay niya at nag bukas yung pinto.
"B-bat alam mo?" nanlalaking matang tanong ko sa kanya habang turo turo pa yung lock.
"Bobo ka ba? Ako nga nag bigay sayo ng passcode eh. Tapos tatanungin mo ko, bakit ko alam." sarkastikadong sabi niya.
"ahh ikaw ba?" pang aasar ko.
"dire diretso naman siyang pumasok at naupo sa may sofa.
"Antagal tagal mo naman. Ano na? Ako ba yung P.A.? mas mabilis pako kumilos sayo." Reklamo niya.
Napakadami talagang reklamo nito.
"Sorry huh? Alasais palang kasi eh. Sorry naman. Ang alam ko kasi alas otso pa yung shooting niyo." madiin na sabi ko sa kanya.
"ayan ka nanaman." tapos dinuro duro pako.
"ayan.. Ganyan.. Satsat ka nanaman ng satsat." sabi niya habang patango tango pa.
Hinila ko naman siya at tinulak palabas ng condo unit ko.
"Dun ka na. Mag aayos nako. Tsk." pag papalayas ko sa kanya.
"Hoy!! Ayokong nag hihintay huh? 10 mins. Kapag wala ka paren iiwan na kita diyan. At di lang yon. Mag hanap ka na ng bagong trabaho pag lumagpas ka sa 10 mins." paliwanag niya.
Hindi ko siya kinibo at pinag sarahan na lamang siya ng pinto.
Pag kasara nun nag madali naman akong mag hanap ng damit ko. Halos magulo ko na yung laman ng maleta ko. Di ko pa kasi naaayos yung gamit ko sa sobrang busy.
Syempre diko binabalewala yung sinasabi ng supladong yun.
Siya yung tipo ng taong gagawin niya talaga kung ano yung sinabi niya.
10 mins. Ago
Pag sakay ko sa may kotse, hagalpak naman yung tawa niya nung makita ako.
"Tawa ka diyan." singhal ko.
"Tignan mo nga sarili mo sa salamin." natatawang sabi niya.
"Ang panget ko diba? Masaya kana?" iritang sabi ko sa kanya.
"Yung kilay mo hindi pantay. Yung mukha mo sobrang puti. Tapos...." tumawa muna siya ng tumawa bago dinugtungan yung sasabihin niya.
"Hindi ka ba nag susuklay?" pang aasar niya.
"Oo na. Dito kasi ako mag aayos. Tingin mo ba makakapag ayos ako ng maayos sa 10 mins na binigay mo?" Reklamo ko.
Natigil naman yung tawa niya nung biglang may tumawag sa kanya
"Yes Manager Kim?" nakangiting bati niya.
Kapag sa manager ang bait bait. Mawalan ka sana ng trabaho.
"ahh yung sugat ko sa mukha? Wag niyo ng isipin yun. Kayang kaya yan takpan ng foundation." rinig kong sabi niya habang tinatap tap yung pisngi niya.
"Diba?" taas kilay na sabi niya sakin.
Napailing iling nalang ako at nag ayos na ng sarili ko.
1 Hour Ago.
"oh my binibini." bati niya kay Shiara na nakasalubong namin papuntang venue.
"Hi joshua. Kamusta ka naman? Magaling ka na ba?"
"Medyo masakit nga yung sugat ko dito eh." tapos tinuro niya yung sugat niya malapit sa labi.
"ikiss mo nga" dugtong niya na naging dahilan para matawa ako pero diko pinahalata.
"Di na kailangan ng halik ko yan. Gagaling din yan agad." malanding sabi naman ni shaira tapos binaling niya tingin niya sakin.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa tapos ay binalik ang tingin kay Joshua.
"Okay naman kayo ng bago mong P.A.?" Tanong niya kay Joshua.
"Satsat lang ng satsat. Pero mas okay naman siya dun sa dati kong P.A." sagot ni Joshua.
"Hmmm" tapos tumango tango si Shaira.
"Well, Goodluck. Sana magkasundo kayo ng bagong Bida sa Series na gagawin natin." huling sinabi niya tapos nilagpasan na kami.
"bagong bida? Ibig sabihin uulitin namin?" gulat na sabi ni Joshua sa sarili niya.
"Sino bang may kasalanan?" sarkatikadong sabi ko sa kanya at iniwan siya sa kinatatayuan niya.
Maya maya ay nag datingan na yung ibang Artist at bida nalang yu g hinihintay.
Grabee, dream come true nga talaga. Ang gagandat ang ggwapo nila.
Heaveeen.
Habang inaayusan si Joshua, tumulong ako sa mga staff na ayusin yung mga gagamit para sa scene na ishoshooy nila.
"Ansakit ng tyan ko...." rinig kong sabi nung babaeng napahinto sa tabi ko na may Bitbit na Ice Coffee habang namimilipit sa sakit ng tyan.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Pwede bang paabot nito kay Ms. Shiara? Sobrang sakit talaga ng tyan ko. Kailangan ko mag banyo." sabi niya sabay abot sakin nung ice coffee.
"Oo naman. Sige na mag CR kana." sabi ko sa kanya.
Pumunta naman ako agad kay Shaira na nakikipag usap sa mga Co- Artist niya tungkol sa Script.
"Pinapaabot nung P.A. mo." Sabay abot ko ng Ice coffee sa kanya pero di niya kinuha at tinitigan niya lang.
"Dun muna kami." pag papaalam sa kanya nung mga Artist na kausap niya.
"Tititigan mo lang?" mataray na sabi ko sa kanya.
Nako talaga, nag iinit nanaman ang ulo ko sayo.
"Sayo na. Ayoko na pala mag Coffee." sabi niya at binaling ang mata niya sa script.
"Hindi ako nag kakape." sabi ko at pilit na inaabot sa kanya yung kape.
"Ayoko nanga sabi eh." sigaw niya tapos tinabig niya yung kape sa kamay ko na naging dahilan para matapon yun sa damit ko.
Nakaputi pa naman ako kaya kitang kita yung kulay kape.
"Aishh... Ano bang problema mo sakin? Huh?" inis na singhal ko sa kanya.
"Ako? O baka ikaw?" malditang babaeng to.
Pinipigilan ko lang talaga.
Pero gustong gusto ko na siyang sabunutan.
"Monica? Ano nangyare sayo?" tanong ni Joshua na kakarating lang.
"Okay, Actors and Actress nandito na yung bagong bida..." rinig namin sigaw nung direktor na naging dahilan para mapatingin kaming lahat doon.
"Hello sa inyong lahat!!" sabi niya sabay ngiti.
Nanlaki yung mata ko nung makita yung lalaking nakatayo sa tabi ni Direk.
"I-Ikaw??" taas kilay na sabi ko.
-------
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (On-going)
RomanceEverlasting Love? Totoo ba yun? O sadyang iniisip lang natin na everlasting yung pag mamahal natin sa isang tao? Ano ba talaga ibig sabihin nun? Everlasting? Hindi natatapos? ............ Napaupo ako sa may kama kung saan hinihiga yung mga patay. "...