"Trisha? Ano ginagawa mo dito?" napatingin naman ako kay Luke na biglang nag salita.
"Alam mo naman ako. Palaging gutom. Naubos na kasi yung stock ko. Balak kong bumili muna dito." sabi niya sabay lapit samin.
"eh ikaw ano naman ginagawa mo dito?" tanong nung trisha.
"nakikipag kwentuhan lang sa kaibigan." sagot naman ni Luke, na naging dahilan para mapatingin sakin yung Trisha.
"Oh, hello! Ako nga pala si Trisha, Little sister ni kuya Luke." masiglang bati niya sakin.
Nginitian ko naman siya at binati pabalik "Hi, Monica, k-kaibigan ni Luke." medyo nahiya pakong sabihin na kaibigan ko siya. Kasi kelan lang naman kami nag kakilala.
"You look familiar." kunot noong sabi niya habang iniisip kung san niya ko nakita.
"arghh, nevermind. Diko maalala, siguro nakasalubong lang kita kung saan." sabi niya.
Bigla ko naman natitigan yung mukha niya.
Ewan. Pero parang familiar din siya. Diko lang matandaan o baka kamukha niya lang.
"una nako. Enjoy kayo diyan." pag papaalam ni trisha.
"Sige." sagot naman ni Luke.
Mahaba habang kwentuhan tungkol sa buhay yung nangyare samin ni Luke.
"Nurse graduate ka? Pero bakit P.A. ka lang?" gulat na tanong ni Luke namin.
"Nag katrauma kasi ako sa mga gamot. Everytime na makakakita ako ng kahit anong klaseng gamot, nanginginig na yung kamay ko tapos minsan pa nga nahihimatay pako." paliwanag ko kay Luke.
"pero sayang pa din. Mas maganda siguro kung nurse ka." sabi niya.
Habang nag lalakad kami pabalik ng condo, may nakasalubong kaming mga media reporter.
Nilagapasan lang nila si Luke, na para bang ordinaryong tao lang yung tingin nila dito.
"Hindi ka pa talaga ganun ka sikat no?"
"Hindi ko nga din alam kung bakit ako yung kinuha nilang leading man. Siguro dahil narin sa nag aacting workshop ako." paliwanag niya sabay pindot ng button sa may gilid ng elevator.
Maya maya pag bukas ng elevator, sinalubong kami ng isang buong team ng reporter.
"Bakit andaming Reporter?" nag tatakang tanong ko, sabay pasok namin sa may loob.
Halata din sa mukha ni Luke na nag tataka siya kung bakit napakadami naming nakasalubong na reporter ngayong araw na 'to.
Pag dating namin sa may floor ng condo namin at bago pa kami makarating sa condo unit namin. May naririnig naming nag tatalo.
"Hindi nga po kayo pwedeng mag stay sa labas ng mga condo unit na'to." rinig naming sabi nung Guard.
"pero ngayong gabi lang naman po. Kailangan lang namin mainterview si Joshua." rinig naman naming sabi nung babae.
Si Joshua? Kailangan nilang mainterview?
Lumapit naman agad ako doon sa may babae.
"Bakit niyo po kailangan mainterview si Joshua? May Appointment or Schedule of interview po ba kayo?" pag singit ko sa pag tatalo nila.
"kailangan lang namin malaman kung anong dahilan ng Aksidente nila ni Nicko, yung dapat na magiging bida ng bagong Series." paliwanag yubg babae tapos may kinuha siya sa bag niya na calling card.
"If may contact po kayo sa kanya, patawagan nalang po kami." sabi niya sabay abot sakin ng Calling card tapos umalis na siya.
Kaya pala andaming Reporter na nasa baba ngayon.
BINABASA MO ANG
Everlasting Love (On-going)
RomansaEverlasting Love? Totoo ba yun? O sadyang iniisip lang natin na everlasting yung pag mamahal natin sa isang tao? Ano ba talaga ibig sabihin nun? Everlasting? Hindi natatapos? ............ Napaupo ako sa may kama kung saan hinihiga yung mga patay. "...