CHAPTER 5

6 1 0
                                    

Yung labi niya, yung mata niya, yung tangkad at tindig niya.

"Actor pala yan." rinig kong pang iinsulto ni Joshua.

Kaya pala nung natitigan ko siya kahapon. ang gwapo niya at mukang artistahin talaga.

"Hoy ikaw! Sinong gumawa niyan sayo?" biglang tanong sakin ni Joshua na nakatingin sa may tshirt ko.

Napansin ko namang kumuha bigla si Shaira ng tissue tapos lumapit sakin.

"Pasensya na. Diko sinasadya." sabi niya habang pinupunas punasan ng tissue yung damit ko.

Luh? Paawa effect ka Ghourl?

"Ayaw kasing mag iingat. Sarili mo dimo maingatan, tapos P.A. pa kita? Anong silbi mo kung ganyan ka?" singhal ni Joshua na talagang dumurog ng pagkatao ko.

"Ako may kasalanan. Diko sinasadya." pag aako niya ng kasalanan.

Anghel ka Ghourl?

Kinuha ko naman ng padabog yung tissue sa kanya tapos pinunasan yung sarili ko.

"Ayos ka lang?" nanlaki yung mata ko sa gulat nung biglang may nag suot ng jacket sa katawan ko.

"sayo muna to." sabi niya galing sa likuran ko tapos napalingon ako para makita kung sino yun...

"uh salamat."

"102" napataas yung kilay ko sa sinabi niya.

"102?"

"Condo unit ko. 102. Katukin mo nalang ako kapag isasauli mo na tong jacket." sabi niya sakin tapos tumawa ng mahina.

Di ako nakasagot dahil sa gulat nung nilapitan niya ko.

"oh Hi Luke!" Bati ni Shaira sa kanya.

Nginitian naman siya nito.

So, Luke pala yung pangalan niya.

"Ikaw yung kapartner ko diba?" rinig kong tanong niya kay Shaira.

"Yah." sabi niya habang patango tango pa.

"And you?" sabay tingin ni Luke kay Joshua na nakapamulsa sa may likod ni Shaira.

"Nag basa ka ba ng Script? Tsk." sagot ni Joshua.

Nako napakasuplado talaga.

"Kontrabida siya." nakangiting sabi naman ni Shaira.

"ahhh" habang tumatangong sabi ni Luke.

"Hoy P.A. ikuha mo nga ko ng tubig dun." utos niya sakin habang pinapagpag yung tshirt na suot niya.

"Napakainet naman dito." Reklamo naman niya bago pako makaalis.

Napakaarte, napakasuplado, tapos walang respeto. Lahat na ata ng wala kay Luke sinalo na niya.

Wait.

Luke?

Iniisip ko si Luke?

"Baliw ka na talaga" sabay sampal sa sarili ko.

"ginagawa mo?" nagtatakang tanong nung kakadating lang na P.A. nung isang supporting Actor.

"Huh?" sabay tingin ko sa kamay kong nakataas.

"May lamok." palusot ko tapos kumuha na ng isang bottled water sa may lamesa.

Pagbalik ko dun sa may set inumpisahan na nila yung unang scene.

Sa totoo lang, kakatapos palang ng tatlong scene na nagawa nila nung biglang naaksidente yung totoong bida nito.

"CUT!!!" sigaw ni direk. sabay lapit naman sakin ni Joshua.

"Napakainet." reklamo niya sabay halbot ng bottled water na hawak ko.

Habang tinitignan siyang umiinom ng tubig napansin kong puno ng pawis yung noo niya.

Kinuha ko naman agad yung panyo sa may bulsa ko tapos pinunasan yun habang nainom siya ng tubig.

"Ayan okay na. Bumalik kana dun." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos mag shooting inayos na namin lahat at nag ready na para umuwi.

"Hoy P.A. wag ka muna sumabay sakin." sabi niya habang ngata ngata yung tinapay.

"tss."

Maya maya naman ay bigla akong nilapitan ni Luke.

"Gusto mong sumabay pauwi? Sakto wala akong kasama may----"

"Hoy P.A. nagugutom nako. Umuwi na tayo." biglang singit ni Joshua.

"huh? Diba sabi mo wag akong sumab---"

"Wag sumabay mag dinner. Wala akong sinabing di kita isasabay pauwi." madiin na sabi niya sabay alis sa harapan ko.

"Aish. Minsan talaga hindi ko maintindihan pag iisip nun eh." iritableng bulong ko.

Napatingin naman ako kay Luke na nakatingin sakin.

"Uh, isasabay nako ni Joshua eh."

"ahh ganun ba? See you nalang sa condo." sabi niya sabay ngiti.

"Una nako. Ingat sa pag uwi." masiglang pag papaalam ko.

Dumiretso naman ako agad sa may Parking Lot kung nasan yung kotse ni Joshua.

Naabutan ko namn siyang nakasandal sa may pintuan habang nag cecellphone.

At nakashades panga?

"10pm na nakashades ka pa?" pang aasar ko sa kanya.

"Ganito ang buhay Artista." pag yayabang niya.

"Buhay Artista ka diyan." pang babara ko sa kanya tapos pumasok nako sa loob ng kotse at inayos yung mga dala namin.

Habang nabyahe biglang hinila ni Joshua yung Earphone na nakalagay sa may Tenga ko tapos nag tulog tulugan.

"Anong trip mo?"

"Ang ingay mo. Natutulog ako dito." reklamo niya.

"Tsk. Baliw ka na talaga." tapos kinabit ko na ulit yung earphone ko.

Maya maya hinila niya ulit yung wire para matanggal sa tenga ko.

"Boss mo ko. Bawal kang magalit sakin." sabi niya bago ko pa siya makutusan.

Everlasting Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon