CHAPTER 3

9 1 0
                                    

"uh ano?" sabi ko sa kabilang linya.

Nag mamadali agad akong nag para ng taxi papuntang hospital kung nasan si Joshua.

Pag akyat ko sa kwarto niya andaming reporter na nandun sa labas at inaabangan siya.

"Ano nangyare?" bungad ko sa kanya na nakahiga sa kama habang nag cecellphone.

"ano bang ginagawa mo diyan?"  tanong niya.

"huh?"

"paalisin mo yung mga reporter sa labas." kunot noong sabi niya sakin.

Akmang lalabas nako ng kwarto pero napakagat labi ako at hinarap ulit siya.

"uhmm. Kasee.."

"Ano?"

"P-pano ko sila papaalisin?" nalaglag yung cellphone niya sa may dibdib niya at tinignan ako ng nakakaloko.

"Anong silbi mo at pumunta kapa dito?" singhal niya.

"Bago lang kasi ako. Sorry naman." sagot ko sa kanya.

"parang matutuluyan akong mag kasakit sayo eh." reklamo niya.

Wala naman akong nagawa at kumabas nalang para harapin yung mga reporter dun.

"Sorry pero hindi muna kami sasagot ng kahit anong tanong tungkol dito. Bumalik nalang kayo kapag maayos na ang pakiramdam ni Joshua." rinig kong sabi nung manager niya na nasa labas.

Napabuntong hininga ako nung makita yun. Nakaligtas din ako sa reporters. Hays di ko alam yung sasabihin ko kapag nag kataon.

"Yung bida ng Series na shinoshooting natin punong puno ng galos sa katawan. Napilayan pa. Ano nalang ang sasabihin ng Producer pag nalaman niya yan." panenermon nung manager kay Joshua.

"nagalusan din ako oh. Kailangan ko magpahinga." sabay taklob niya ng kumot.

"sakit ka talaga sa ulo joshua." singhal nung manager niya.

Nang biglang may tumawag sa kanya

"Yes hello Direk?" rinig kong bungad niya sa kabilang linya.

"opo direk. Aayusin namin tong problemang to." tapos lumabas siya ng kwarto.

Nilapitan ko naman agad si joshua na nakataklob parin ng kumot.

"Ano nanaman ba kasing kalokohan yung ginawa mo." mahinang sabi ko tapos pumunta ako sa may nurse station para manghingi ng betadine at bulak.

Pag balik ko naabutan ko siyang nag cecellphone.

"wag kang mag alala, nurse graduate ako." sabi ko sa kanya at nilagyan ng gamot yung mga sugat niya sa muka.

"Nurse Graduate pero isang P.A.? tsk." tapos tumawa siya ng nakakaloko.

"alam mo bang hindi pako natutulog?" singhal ko sa kanya.

"ano namang pake ko kung di kapa natutulog."

napakasuplado talaga.

Flashback

Ano nga yung passcode?

Arrghh wala naman siyang sinabi na passcode sakin eh.

Para akong lasing na iniisip kung ano yung passcode.

"Inaantok nakoooo!!" sigaw ko sa harap ng pinto at napaupo nalang sa antok.

"Miss?" rinig kong boses ng lalake.

"Gusto ko nang matulog. Sandali lang." parang lasing na sabi ko.

"Tumutunog yung cellphone mo." rinig kong sabi niya kaya kinuha ko yung cellphone ko na nasa tabi ko lang.

Everlasting Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon