XXIV

4 1 0
                                    

"Sermon"



Anak,

Lagi kitang napapagalitan 'pag nagkakamali ka. Lagi kitang pinagso-sorry kapag natatapon mo ang juice mo, nakakalat ang laruan mo o kapag nasisira mo ang mga gamit ko. Ngayon, ako naman ang hihingi ng sorry sa' yo

Sorry anak dahil mainitin ang ulo ni Mommy. Istrikto ako, maikli ang pasensya at napapagalitan kita sa harap ng maraming tao. Sorry din kasi minsan nakukurot pa kita sa kakulitan mo

Naalala mo ba nung minsan tayong magpunta sa mall. Naglalaro ka nun. Patalon-talon, palukso-lukso tapos natalisod ka. Nag-init talaga ang ulo ko n'on. Nasigawan kita ng malakas pagkatapos ay hinablot ko pa ang braso mo para patayuin ka

Nasigawan din kita nung nasa furniture store tayo, nakakita ka ng jewelry box na may sumasayaw na ballerina. Aksidente mong nabagsak ang mamahaling jewelry box. Binayaran ko ang damage at saka ka pinagalitan sa harap ng mga store employees

Hinde ko rin napigilan ang sarili ko nung kumakain na tayo sa restaurant. Naglalaro ka na naman hanggang sa matapon mo ang iniinom mong juice. Kinakabahan ka na naman na baka mapagalitan kita. Tama ka, nasigawan kita dahil sa baso na natabig mo

Pag-uwi na'ten, parang nakalimutan mo na agad ang mga nangyare. Binati mo pa ang aso na'ten na naghihintay. Ako, dumiretso agad sa kama at inihiga ang pagod na katawan

Nung mga oras na yun, gusto ko munang magpahinga ng paulit-ulit na pagsaway at pagsigaw sa' yo, lumapit ka sa' kin na parang walang nangyare. Nginitian mo pa ako at niyakap. Ginusto mo parin akong makasama sa kabila ng pagiging nagger ko

Dahil sa iyong ipinakita anak, hinde ko maiwasan ang magpasalamat. Mapalad ako dahil meron akong anak na katulad mo na hinde basta-bastang nagtatanim ng galit

Kailangan ko nang mamahinga sa sarili ko na mainitin ang ulo. Kailangan ko nang mamahinga sa pagiging maiksi ang pasensya. Kailangan ko nang bawasan pagbubunganga

Anak, ayokong masanay ka sa pagkakaroon ng magagaliting Nanay. Hinde dapat ganito ang lagi mong nakikita

Bago ko bitawan ang mga salitang "Antigas ng ulo mo!" Susubukan ko munang lambutan ang puso ko at ugaliing sabihin ang mga katagang "Mahal kita"

Nagmamahal,
Nanay

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon