XLI

2 0 0
                                    

"Paglaya"

February 1986

Inilibot n'ya ang kanyang mga mata upang makita ang sambuntong kataong nagpasya—Nagising, natupok, napukaw, nagmartsa sa kahabaan ng avenidang EDSA.

Ang init ng panawagan, sumisiklab na
Galit sa diktador, tuta, pasista habang
Isinusuka nang lubos ng militanteng madla na hahatol sa berdugo’t magbibigay-hustisya.

Naglakad ang mistulang babae at itinago ang sarili sa dulo ng paimprentahan na kanyang pinagtratrabahuan habang tampalasang sumisilip ang sinag ng araw sa puno ng guyabano na tanging kumakandili sa kanyang balat. Kumakaripas at nagkukumahog sa pagbaba ang bawat butil ng kanyang pawis at ang tahip ng kanyang puso'y naghehestirya sa lahat ng nangyayare sa kanyang paligid ngunit lakas-loob parin n'yang inilapag sa damuhan ang kaninang hawak-hawak n'ya na telepono, 'di magkamayaw ang kanyang mga daliri sa pag-ikot ng metal swivel plate dial

Sumaliw sa tenga ng babae ang ingay na nagmumula sa kabilang linya ng telepono at 'di na s'ya naghintay pa na batiin s'ya ng kanyang kausap dahil wala sa ugali n'ya ang makipagkamustahan lalo na't kailangan na kailangan n'ya itong makausap

"Gusto ko nang makalaya Juliana." Ito agad ang sinabi ng babae matapos mailapat sa tenga ang handset ng telepono habang tumitingin-tingin muna sa paligid.

Malalipas pa ng ilang minuto'y do'n pa lang sumagot ang kanyang kausap na si Juliana at huminahong tumugon na, "Makalaya saan?"

"Makalaya sa panahong 'to," Sagot naman pabalik ng babae at ng wala s'yang marinig na kahit anong umento magmula sa kanyang kausap na si Juliana na para bang naghihintay ito sa kung ano pa ang sasabihin hingil sa kagustuhan nitong lumaya.

"Ayaw ko na sa panahong 'to, isa lamang akong mamamayahag na ginagawa ang kanyang trabaho para sa ikabubuti ng nakakarami at ng ating bansa. Nagsulat lang naman ako ng pahayagan na maaring maglabas ng katotohanan, ngunit ako'y kanilang pinabulaanan ng masasamang bagay kaya't ikinulong nila ako ng mahigit limang araw na lumalabag sa kautusan na dapat ay tatlong araw lang p'wedeng makulong ang akusado. Iba't ibang pagpaparusa ang kanilang ginawa pero ang mas masahol ay ang pagsasamantala sa' kin ng mga.... militar Juliana." 'Di mapigilan ng babae na mapaiyak habang isinisiwalat sa kausap ang mga kalunos-lunos na sinapit n'ya sa bilangguan at sa kamay ng Philippine Constabulary.

"Nagmakaawa pa ako sa anak n'yang si Imee no'ng araw sa isang forum para hayaan kaming magpatuloy sa pagbabalita pero magkailang sampal lang ang nakuha naming taga-media sa presidential daughter at pinalabas kami ng kanyang mga bodyguards sa maliit na suwang ng durungawan habang hinuhubadan at pinagsusuntok at ang iba nama'y walang habas na pinababaril. Ano pa ba ang dapat na danasin ko sa panahong ito?" Sapo-sapo ng babae ang kanyang mga pisnge habang lumalapat sa kanyang kamay ang bawat pagsagadsad ng mga luha.

Humimlay ang katahimikan sa kapaligiran na animo'y mga dahon ng guyabano na isa-isang nagsisibagsakan sa lupang kinaroonan ng babae bago nagsalita si Juliana sa kabilang linya.

"Ang nakatakdang mangyare ay mangyayare, walang makakapigil dito, kahit ang mga kinikilala nating mga personalidad at diktador. Hayaan mo silang maghari pero ang kalayaan nating isaboses ang ating nararamdaman, kumakalaban man sa kanilang hangarin o hindi ay nararapat lamang nating gawin, pagkat tayo'y mga pinoy. Hinulma tayo ng Diyos ayon sa kanyang gusto, ginawan n'ya tayo ng dalawang pares ng mga mata para masaksihan ang pangyayare–– naayon man sa ating gusto o hindi at ginawan n'ya rin tayo ng bibig para isatinig kung ano man ang makita naten dito sa ginawa n'yang mundo. Kayanin mo 'yan dahil alam kong may tapang pang natitira d'yan sa puso mo." Bahagyang tumahan ang babae sa pag-iyak ng marinig iyon sa kanyang kausap, dahilan para gumaan ang bigat na nadarama.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon