XXXIX

5 0 0
                                    


"Kabilang linya"

06/24/2000

Nag iisa si Pacifico sa isang madilim na p'westo

Walang nakakakita, isa lamang anino.
Walang balak sumama, walang balak pumansin

Dahan-dahan n'yang inihulog ang barya malapit sa directory ng telephone booth na kanyang kinatitirikan, kapagkuwan ay dina-dial ang number ng taong kanina pa gustong makausap s'ya habang mariing nakahawak ang mga palad sa handset ng telepono, napasandal ang kaliwang kamay sa glass wall at kung titingnan ang kanyang mukha ay nag-aalimpuyo ito sa galit kasama ang noo nitong may tigta-tatlong lupi na linya na animo'y naka-imprenta na ito mula pagkabata

Napaayos s'ya ng tuwid matapos marinig na sinagot na ng kabilang linya ang kanyang tawag

"Anong kailangan mo?" Paunang sabi ni Pacifico habang inilalapit ang mouth piece ng telepono sa kanyang mga labi

"Salamat at naisipan mo ring kausapin ako." Sagot naman lalake sa kabilang linya bago tumikhim ng magkailang ulit

"Direktahin mo ako, sino ka at anong kailangan mo?" Sagot ni Pacifico at may bahid ng galit sa kanyang boses

"Ikaw ang may kailangan malaman Pacifico." Mas umigting ang bagang ng binata ng banggitin nito ang kanyang pangalan

"I'm all ears." Agarang sabi ni pacifico habang naghulog ulit ng panibagong barya matapos ang ilang minuto

"Maraming mangyayare sa' yo pagkalipas ng ilang taon, matutunghayan mo kung pa'no magiging kalaban ng lahat ang mundo mula sa pagkakaro'n ng pandemya at hinde magiging maganda ang kapalaran mo. Lahat ay tatalikod sa' yo habang ikaw ay humihingi ng tulong, kailangan mong paghandaan ang iyong kinabukasan Pacifico."

Nagugulumihan man ay nagawa parin ni Pacifico na sumagot, "Pa'no ko paghahandaan ang aking kinabukasan kung pati ang kinabukasan ay hinde handa para sa' kin?"

Nakarinig s'ya ng magkailang ingay sa kabilang linya bago ito sumagot ulit, "Pasensya, nasa Ospital kasi ako para sa isang swab testing. Kailangan ko nang ibaba 'tong tawag."

"Teka, ano bang pangalan mo?" Tanong ni Pacifico habang dumadausdos ang pawis nito papunta sa kanyang leeg na napapalibutan ng balabal

"I'm Pacifico Del Vera, your future self from the year 2020." Mahinang sabi sa kabilang linya bago naputol ang tawag dahilan para mapatigalgal si Pacifico habang sapo-sapo ang kabyang bibig.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon