XXXVIII

3 0 0
                                    

"Buti pa ang pugadlawin, may inakay."


Hinahalikan na ng araw ang mga ulap sa huling pagkakataon. Kahel ang bagong kulay ng pamamaalam. Sa kabila ng rikit ng dapit-hapon, malamlam ito sa karamihan. Unti-unting bumubuka ang aking mga mata upang salubungin ang puting kisame at ang asawa ko na umiiyak sa tabi habang ang mga palad nito'y nakalapat sa glass window na nagkokonekta sa labas at sa loob ng "intensive care unit"

Kahit hinde ko tanungin ang asawa ko ay parang alam ko na ang kasagutan, bigla nalang rin akong napahagulgol ng mahina habang ang mga luha'y nagmimistulang mga dugo at animo'y nagpapahiwatig na matagal ng may mga binhay ang puso at minsan naring nagpaalala na gusto talaga akong saktan ng bawat panahong nagdaan

Sinaktan n'ya lang naman ang isang babae na naghangad lamang ng kaligayahan, naghangad na magkaro'n ng pamilya na matatawag n'yang sa kanya. Kung ang lawin nga na namumugad sa maliit na sanga sa may balintawak ay nagkakaro'n ng mga inakay, pano pa kaya s'ya?

Sumubok sila ng sumubok na baka magkaro'n ng milagro at kinabukasan o sa makalawa ay makabuo sila ng kanyang asawa kaya sinubukan nilang pumunta sa Obando Bulacan para makisayaw sa mahabang prosesyon ng mga dumalo habang tumutugtog sa mga panahon na 'yon ang sonatang "Santa Clara pinung-pino" hanggang sa ilang taon na paghihintay ay natapos na. Magkakaro'n na kami ng anak

Sobrang saya ko no'ng mga araw na 'yon, 'di masusupil ang namumuong sidhi sa' king dibdib

Pero mailap parin pala ang panahon sa' ming mag-asawa dahil may Congenital Hypothyroidism ang anak namin at kailangan s'yang dalhin sa intensive care unit para obserbahan

Namutawi sa kaloob-looban ko ang lungkot pagkat 'di ko alam kung pa'no ako makakatulong sa baby ko. hanggang sa ako'y nanghina at tumamlay na parang sanga sa basang lupa

Napabalik ako sa realidad ng may lumapit na nurse sa' min

Akala ko may pag-asa pa ngunit katulad ng pugadlawin sa balintawak ay bahagyang nagkagutay-gutay ang mga bahagi nito

"Paumanhin po Mr and Mrs Velasco, 'di nakayanan ng baby n'yo ang sakit."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon